Chapter 2: I'm Sorry
11/24/10 4:30 pm
"Oh kanina ka pa?" bungad agad ni Mauwi pagkapasok ng pinto. "Ba't ka nakatunganga lang diyan? Kumusta ngipin mo? Tingin nga," sabi niya sabay lapit upang tingnan ang bagong gawa kong ngipin. Binuka ko ang aking bibig at agad naman niyang sinipat iyon.
"Ayos ah. Parang original. Tito Salvie, best dentist in town talaga. So what did they say? Pinagalitan ka?"
"Malamang. But nagworry muna bago nagalit. Siyempre panganay na anak at pagkaganda-ganda pa. Maganda, at least sa mata ng mga magulang ko."
She just rolled her eyes.
"Ay nga pala may chika ako." Tiningnan ko lang siya habang nilalapag niya sa sahig ang kaniyang mga gamit. Kumuha muna ito ng chips sa ref saka tinabihan ako sa sofa. "Kilala mo yung upclass kong CAS council auditor?" she then looked at me expectantly.
"Eh hindi. Kilala ko lang pagmumukha ng mga council niyo pero di ko naman kilala mga pangalan. Sino ba do'n?" I leaned close to her.
"Ehh kilala mo 'yon. Orchestra din yun last year. Ano ngang instrument..." nag-isip muna ito bago nagpatuloy. "Parehas ata kayo eh."
"Nagvaviolin... eh? Sino do'n? Yung Chem? Na moreno? Bakit anong meron?"
Just so it's clear, I can only master Ode to Joy sa violin. Hindi ako magaling pero dahil kokonti lang ang sumasali sa orchestra ay kaya lang ako natanggap. Mali-mali ako minsan tumugtog sa practice at laging napapagalitan.
"Ehh hindi 'yon. Upclass ko nga diba, yung Bio din siyempre. Yung intsik."
"Ahh si Lin. Oh anong meron?"
"I think... he likes you." sabi niya sabay ngiting tila nanunukso.
"Eh? No way!" I know the guy. He was friendly with me noong sa orchestra pa 'ko and he was like that to everyone. "If you mean he likes me as a person, then maybe you're right ," I said saka kumuha ng chips niya.
"Are you two close?"
"Hmm eh? I don't think we're 'that' close but we're casual. Why?"
"Then he like likes you!" May kinuha ito sa loob ng bag niya. "I know friendly siya to everyone but..." may iniabot siya sa aking parang envelope na may nakatape na chocolate bar "you don't go around giving casual acquaintances get-well cards and chocolates every time they're sick. Plus look at that seal."
Inubos ko muna ag natitirang chips sa kamay ko before I opened the letter.
"He's sweet to everyone and so what? He's classy so he plays violin and seals envelopes with wax, so what? The man exudes chivalry and class, Mauwi. Sadyang malisyosa ka lang," sabi ko sa kanya habang maingat na binubuksan ang envelope para hindi masira ang seal.
Now that I think about it, I see him too often in school- makakasalubong sa hallway, makikita sa field, sa library, sa cafeteria and it's not quite normal. Or maybe i'm just thinking too much. 'Tong si Mauwi hinahawaan na ako ng skill niyang overthinking.
"Ewan ko nga sayo. Manhid-manhiran ka! As if namang iisipin ko 'yan kung wala akong nafeel na kakaiba sa aura niya! Bakit? Kagusto-gusto ka ba? Ganda ka? Ganda ka?" depensa niya sabay kunyari nandiri.
"OA ka! Ganda naman talaga eh!" depensa ko naman sabay tayo at nag pose-pose na kunyari model. "Oh kita mo 'yan? 'Yan? Hindi porket dinideny kong may gusto sa 'kin si Carlos Lin, 'di ibig sabihin tanggap ko nang di ako kagandahan! Sus! Ang OA," patutsada ko naman saka bumalik sa maingat na pagtanggal ng seal. Ayoko kasing masira ang card kasi ang linis ng pagkakagawa.
BINABASA MO ANG
Green is My Favorite Color
General FictionEli is a young, free-spirited girl who doesn't know a thing about herself and the future that awaits her. She then meets Aiden, a very restricted man who is color-blind and their love blooms as they share with each other the world as they see it.