Chapter 6: Hidden Message
12/17/10 12:30 pm
Nagkatinginan kami ni Oliver. I was quite sure that he's the perp and waited for him to awkwardly look away but I never expected what he did next. He smiled! At nagwave pa ito sa 'min ni Mauwi bago tumalikod at lumabas ng cafeteria. After nun ay sunud-sunod kaming inatake ng matatalas na tingin mula sa mga miyembro ng fansclub niya.
Natigilan ako habang pinaprocess ang mga pangyayari sa utak ko.
Does this mean hindi siya ang hinahanap ko? Or baka naman siya nga and he intentionally waved to clear up suspicion?
"Wah," hindi makapaniwalang sabi ni Mauwi. "You really got Oliver waving at us! I'm gonna have to thank you for this." komento pa nito..
"Yeah," nasabi ko na lang habang nakatulala and lost in thoughts.
Napansin ako ni Mauwi na tulala so she called for my attention, "Huy ok ka lang?" and I snapped. "Anong iniisip mo?"
Umiling ako. "Wala, I just..." for a moment I had an internal debate whether to tell her or not and in the end I showed her the post-it in my hand. She gasped.
"Nanaman? Sa'n mo naman nakuha 'to?" pang-uusisa niya and I told her what happened pati yung sinabi ni Ate Nena.
"So lemme guess. You were looking at Oliver because you saw him looking at you and thought he looked weird." I nodded. "Eh hindi mo naman ba naisip na si Oliver Morris yung tinitingnan mo and maybe he thought you were familiar and kept glancing at you so he could," ginaya niya yung smile at wave ni Oliver kanina. I shook my head.
"If there's anyone here acting weird, Ikaw iyon. Ba't ka ba kasi masyadong obsessed na malaman kung sino'ng post-it person na 'to. Tingin ko wala naman talagang balak na magsorry 'yan eh. Nag-eenjoy lang 'yang magpa-mysterious at paglaruan ang curiosity mo samantalang ikaw, masyadong invested. Ang mas weird pa ay hindi mo nakilalang si Oliver Morris na pala ang tinitingnan mo eh bawat hibka ng buhok niyan kilala mo! You know what, just ignore it na lang. Mapapagod din 'yan pag nakita niyang hindi ka na interesadong makipaglaro sa kanya."
Tama kaya ang sinasabi ni Mauwi? Kaso parang nafi-feel ko naman ang sincerity. Nacu-curious lang ako talaga sa identity niya at sa rason kung bakit siya nagtatago.
Ginawa ko ang sinabi ni Mauwi. Hindi ko na inistress ang sarili ko sa perp na iyon. Inisip ko na lang na if he/she really is sincere, he/she won't keep on pulling tricks like that again and instead, magpapakita siya, magpapakilala, at magsosorry nang personal. If he's gonna keep on sending those stupid apology notes, then I should start thinking na nakikipaglaro lang talaga siya at wala talaga siyang intention na iown-up ang mali niya, and that he/she never was sorry.
12/18/10 9:00 am
It's Saturday at busy kami ngayon sa pagpapractice para sa tatanghaling theatre performance sa Miyerkules. Kailangan din naming magtayo ng booth para sa University days na sa susunod na araw na kaya hinati ang Club sa dalawa. Ang mga may importanteng role na gaganapan ay siyang matitira para magpractice at ang mga nasa behind the scenes at may maliliit na role lamang ay mga naka-assign sa paggawa at pagbantay ng booth. Of course you already know kung saan ako sa dalawa.
12/19/10 11:00 am
Kakatapos lang namin ni Mauwi magsimba at nandito kami ngayon sa mall to go grocery shopping. After that, we went straight home at nagluto for lunch dahil wala na kaming pera at nagchill buong araw (well, siya lang naman talaga dahil pinagnote-taking nanaman niya ako at pinagalit-galitan).
BINABASA MO ANG
Green is My Favorite Color
General FictionEli is a young, free-spirited girl who doesn't know a thing about herself and the future that awaits her. She then meets Aiden, a very restricted man who is color-blind and their love blooms as they share with each other the world as they see it.