Chapter 4

14 3 0
                                    

Chapter 3: Notes and Notes and a Post-it



12/11/10 8:30 am

This is Mauwi's 3rd day helping me review and I kind of have already adjusted to her strict rules of note-taking. Actually hindi naman talaga ganun ka strict kasi tinatry naman niyang imatch ang pace ko sa pag-aaral. I'm still gonna have to describe it as strict though dahil sa:

         1. Time allotment na hinihingi niya. 3 hours a day lang naman. Kung iisipin, walang-wala sa more than 8 hours niya but since hindi naman talaga ako sanay mag-invest ng ganiyang karaming oras para sa pag-aaral ko kaya sasabihin kong mahirap. On a side note, I had to quit volleyball but it has nothing to do with my studies, hindi ko lang talaga siya nae-enjoy.

        2. Schedule. Gusto niyang mageview kami ng 1 hour sa gabi, 1 hour sa umaga at 1 hour every lunch break. Man, I need a life! Tinitingnan ko pa nga lang ang mga librong kailangan kong basahin, nanghihina na ako. Now I need to look at them for an hour staight and on different time of the day. Good. Sira ang araw-araw ko. 

       3. Note-taking guidelines she set. Sabi niya for me daw para hindi ako masyadong mahirapan sa pagsusulat dahil hindi ako sanay, it's a good starter to jot down only most important words and notes to remember, give them my own definitions na kahit in my head lang and hindi na isulat. Yeah, that part is great except for the part that it should be in the format of Topic--subtopic1--sub of that subtopic--back to subtopic 2--so on and notes sa pinakailalim. The thing here is, sometimes nahihirapan akong idistinguish ang mga subtopics from its subs and every time I'll ask her about it, she would get all cranky at magmo-monologue nanaman.

I swear, nobody would want to be her teacher.

"Sabado ngayon so 5 hours kang gagawa ng notes dahil sa isang subject ka pa lang nakakacatch up. Malapit na ang midterms so you have to double the effort." sabi niya habang nagluluto ng breakfast while ako nagse-cellphone sa mesa at hinihintay siyang matapos.

"Next month pa nga eh," I murmured and she heard it.

"Anong next month PA? Next month NA. Christmas vacation na natin in 10 days at alangan namang pag-aralin pa kita sa holiday?" she suddenly stopped na parang nagka-idea. "Or what if pag-aralin kita sa holiday?" nilingon niya ako na may mukhang tila kakaimbento lang ng machine na tatapos sa sangkatauhan.

"Ikaw, di ka lang suplada, malisyosa't mapanakit, abusada ka din. May I remind you that my parents asked you to help me review. Review lang para makapasa pero sa ginagawa mo, parang pinu-push mo na akong mag-cumm laude na obvious namang hindi ko kaya! Isa pa they asked you that because they love me and don't want to see me fail so paano ko igi-give back ang love na iyon kung subsob ako sa pag-aaral sa time kung kailan dapat kami masaya at nagmamahalan?!" mahabang patutsada ko.

"Oh edi the more reason for you to study harder before holiday! Ikaw puro ka reklamo na walang ni isang bagay ka magaling eh magaling ka namang magdahilan!"

Oo nga 'no?

Nilapag niya ang pinggan sa mesa na may kakaluto lang na hindi mawala-wala sa paningin ko kada umaga - itlog; at ang kahuli-hulihang de latang mayroon sa ref namin - corned beef, ginisa. Pagkalapag no'n, ibig sabihin ay umpisa na ng aking responsibilidad at iyon ay ang kumuha ng pinggan, silverwares, baso, at pinakaimportante ay ang magtimpla ng kape para sa 'ming dalawa.

Nilapag ko din ang aking cellphone at pumunta sa counter para magtimpla muna ng kape. Siya naman ang naupo.

"Tingin mo pwede akong magdebate club? "

Green is My Favorite ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon