Encounter #14

192 6 0
                                    


Naka lilim ako sa malaki at matayog na puno nang mangga habang hawak ang sketchpad ko at ang lapis na madalas kong ipangguhit sa magagandang tanawin na nakikita ko.

Naka ngiti kong pinag mamasdan ang napaka gandang tanawin na nakikita ko.

"Binibini!" Agad akong napa tanaw sa sa lalaking tumawag sa akin lalong lumapad ang aking mga ngiti nang makilala ko sya.

Agad syang lumapit sa pwesto ko at umupo sa tabi ko. "Binibini nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" hingal nyang sabi malamang ay napagod sya sa kaka hanap sakin.

"Ginoo hindi mo na dapat ako hinanap pa" malumanay kong sagot sa kanya.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at pinaka titigan ako sa mata bigla naman akong natulala sa ginawa nyang yun.

"Binibini nasabi ko na ba na napaka ganda mo?" Biglang namula ang mga muka ko sa sinabi nya. Juanito naman eh ano ba?!

Marahan nyang hinawi ang mga buhok kong tinatangay nang hangin at inipit nya iyon sa likod nang aking tainga. Dahan dahan nyang inilalapit ang muka nya sa muka ko kaya naman ipinikit ko ang aking mga mata.

Napa mulat ako nang mata nang maramdaman kong malamig ang humalik sa aking labi at duon ay nakita ko si ate na idinikit sa labi ko ang bottled water nya. Napa simangot naman ako.

"Nakaka inis ka naman ate eh!" Reklamo ko.

"Iniimagine mo nanaman si Juanito no? Sus hanggang imagine ka na lang talaga na may Juanito pa na nag eexist hello? Nasa 21st century na tayo at you know boys nowadays rude and shameless" irap na sabi ni ate.

Bigla naman akong natahimik and realization suddenly hit me. Tama nga wala nang lalaking katulad ni Juanito sa mundo ngayon at sobrang nakaka lungkot na nawala na ang mga lalaking may galang sa babae.

#ManilaEncounter
#WattpadEncounter

Manila EncountersWhere stories live. Discover now