Encounter #106

31 1 0
                                    


Ako si Era, ilang araw nang mabigat ang pakiramdam ko kaya binabalak kong mag leave muna sa trabaho at umuwi sa probinsya para maka langhap ng sariwang hangin.

Nag soot lang ako ng pares ng earphone sa mag kabila kong tainga habang naka sakay ako sa bus pauwi sa tinutuluyan kong apartment.

Nag babadya din ang ulan dahil makulimlim at malungkot ang ulap muli nanaman bumigat ang pakiramdam ko kasabay ng pag patak ng aking luha ay ang pag bagsak din ng ulan.

"Pag minamalas ka nga naman." Bulong sabay punas ng pisngi ko.


Mabigat ang loob ko dahil kakahiwalay lamang namin ng nobyo ko at kakamatay lang din ng tatay ko ngunit hindi ko man lamang nagawang maka uwi sa kadahilanan na malayo ang probinsya namin dito sa Maynila.


Hindi ko alam kung alin ba ang uunahin ko dahil halos wala na den kase akong oras para umiyak sa sobrang daming ginagawa sa trabaho halos hindi na nga din ako gaanong nakakakain mag drama pa kaya.

Pag uwi ko ng apartment ko ay agad akong naligo dahil amoy pawis at usok na ako ng sasakyan sabayan pa ng pag kabasa ko ng ulan.

Agad akong nahiga sa kama at doon ay naramdaman ko ang matinding pagod, pagod ng katawan, isip at puso.


Hindi ko magawang indahin ang sakit dahil pagod na ako, hindi naman ako pwedeng umiyak sa trabaho.

Sa totoo lang nakaka pagod maging ako.

Dumating na ang araw ng leave ko kung kaya't nag ayos na akong ng gamit 2 weeks ang leave na hiningi ko sa boss ko kaya marami rami din akong dala-dala.


10 oras din ang itinagal ng byahe pauwi kaya masakit ang katawan ko at hapong hapo ako, habang nag lalakad papunta sa aming bahay ay tanaw na tanaw ko agad ang kumpulan ng mga tao.

"Anong meron?" Tanong ko sa aking sarili.


Nag simula nang kumabog ang dib-dib ko at binilisan ko ang pag lalakad.

"Pangatlong araw niya ngayon diba? Panigurado akong alam niya na na patay na siya." Dinig kong sabi ng isang babae.


"Patay? Sino ang patay?" Muli kong tanong sa sarili ko at pumasok ako sa loob ng bahay namin.

"Hindi nga siya nag pakamatay pero inabuso niya naman ang katawan niya." Malungkot na sabi ng kapatid ko kaya napatingin ako sa coffin kung saan may naka burol at doon ay nakita ko ang sarili ko.

#ManilaEncounter

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Manila EncountersWhere stories live. Discover now