2

31 3 0
                                    


              ±           
                "Pansamantalang tayo
                 Kapag magkaaway kayo."

"Gago, ang hirap niyang intindihin." Mahina akong tumawa.

"Kaya dito ka muna sa akin?" pabiro kong tanong sa kaniya habang marahang sinusuklay-suklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Mas lalong humigpit ang pagkayakap niya sa baywang ko.

"Gago ka rin," sabi niya bago kami nagtawanan.

Nakahiga kaming dalawa sa kama ko. Kagigising lang namin. Dito kasi siya natulog kagabi. Nag-away na naman sila ng boyfriend niya.

Inabot ko ang labi niya at madaling hinalikan.

"I miss you," bulong ko.

Umirap ito bago umupo sa tiyan ko.

"Siyempre I miss you more." Nagkatinginan kami bago siya yumuko upang halikan ako.

Naghalikan kami at nauwi sa mainit na pagtatalik.

"Fiore!" sita ko sa kaibigan nang mariin niya ako hinalikan.

Inaalo ko siya kanina dahil hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Nag-away na naman sila ng boyfriend niyang si Remy.

"Ayaw mo ba sa akin Liam?" tanong niya sa akin bago ako hinalikan muli.

Hindi ako gumaganti noong una pero habang mas pinagbubutihan niya ang paghalik ay hindi ko na napigilan pang gumanti.

Nang halikan niya ako sa leeg ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hinila ko siya patayo, mali ang ginagawa namin.

"F-Fiore, mali ito. Bestfriend ko kayo ni Remy at mas lalong mali dahil may relasyon kayo," pagdadahilan ko pero inirapan niya lamang ako.

"Eh ano naman? Siya lang ba p'wedeng magloko sa relasyon namin? Ginagago niya ako, hindi ako bulag para hindi makitang marami siyang babae. Ayoko sa relasyong mayro'n kami pero wala akong magagawa dahil sa mga magulang ko!" Patuloy sa pagbagsak ang mga luha niya.

Kaagad ko siyang niyakap at pinatahan.

"Alam mo namang ikaw ang gusto ko Liam, 'wag mo naman akong pagkaitan." Pumikit ako nang mariin bago ako marahang tumango habang patuloy pa rin siyang pinapatigil sa pag-iyak.

Hindi ko na halos matandaan kung paano kami nauwi sa ganito.

May boyfriend siya at bestfriend ko pa silang dal'wa.

Iniiwasan ko talagang isipin ang bagay na ito pero hindi ko talaga maiwasan lalo na kapag magkatabi kaming dalawa at magkayakap.

Marahan akong ngumiti nang gumalaw siya. Payapa siyang natutulog sa tabi ko.

Simula pagkabata magkakaibigan na kaming tatlo. Si Remy, Fiore at ako. Magkakaibigan din kasi ang mga magulang namin kaya't madalas kaming magkita.

No'ng una ko pa lang siyang nagustuhan ay pareho na kami ng nararamdaman para sa isa't-isa. Hanggang sa magdalaga't binata na ay hindi na 'yon nagbago.

Balak ko na sana siyang ligawan, pero kaming tatlo ay parehong nagulantang sa sinabi sa amin ng mga magulang namin.

Magpapakasal si Remy at si Fiore.

Gusto kong tumutol pero wala akong magawa. Mga magulang namin ang nagdesisyon.

"R-Remy..." Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya. Hindi ko rin namalayan na bumibigat na rin ang paghinga ko.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon