Flame

22 5 0
                                    

"Masaya ka ba?" tanong ko sa babaeng nakayakap sa akin.

"Siyempre oo!" sagot niya sa akin na ikinatuwa ko.

Ilang beses ko na siyang nakita dati, walang masiyadong lumalapit sa kaniya. Siya kasi yung tipo ng babae na hindi mahilig mag-suot ng kolorete at laging nakaupo lang sa tabi.

Maraming natatakot sa kaniya, may usap-usapan pa ngang mangkukulam siya at nangunguha siya ng ganda. Hindi naman kasi maipagkakailang maganda nga siya, nakuha niya nga ang interes ko.

Hindi ako naniwala sa mga k'wento, bukod pa sa kilala ko ang nanay niya ay kilala ko rin ang ate Daisy niya.

Naging crush ko ang ate niya noon, sumasali kasi iyon sa mga pageant sa lugar namin kaya naman sobrang kilala. Kaya lang naisip kong mas gusto ko yung kaedad ko lamang na babae o kaya mas bata sa akin.

Hindi ko naman alam na may kapatid pala si ate Daisy, eh 'di sana hindi na natagalan pa ang paghahanap ko ng babaeng mamahalin ko.

"Anong nasa isip mo?" tanong ni Shaira habang nakayakap pa rin nang mahigpit sa baywang ko.

"Kung paano mo ako nagustuhan," sagot ko.

Alam ko rin kasing nakaproblema sa gitna ng ate ko at sa ate niya. Ilang beses pa nga akong humingi ng paumanhin sa nanay nila dahil ako ang nahihiya sa ginawa ni ate Fiore kay ate Daisy.

Kahit naman siguro may mali roon si ate Daisy o wala, hindi tamang ipinahiya niya at pinagsalitaan pa ng masama sa gitna ng maraming tao.

Ngumiti si Shaira habang nakatingin sa akin.

"Ang s'werte ko sa'yo," sambit nito na nagpabilis ng pagtibok ng puso ko.

"Wala man akong naging kaibigan, nagkaroon naman ako ng katulad mo." Ngumiti ako nang marahan habang hinahaplos ang malambot at makinis niyang pisngi.

"Para sa akin, mas okay ng wala akong kaibigan at kahit ayawan na ako ng lahat—huwag lang ikaw. Hindi ko kailangan ng iba, ikaw lang sobra-sobra na. Mahal na mahal kita."

Kahit magulo ang buhay ko, maraming problema ang pamilya, malungkot ang mga taong nakapaligid  hindi ko masasabing malas ako—

Payapa ang lahat para sa akin kapag kasama siya. S'werte pa rin.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon