Nersie

21 5 1
                                    

Lagi kitang pinagtutulakan palayo pero hindi ako kailanman nagsara ng pinto.

Sinusubukan lang kita, kasi kung mahal mo akong talaga hindi ka na pupunta sa bahay ng iba.

Pero naisip ko, siguro mali ko rin naman talaga lahat. Kasalanan kong hindi ako kailanman sasapat.

Remuel, naniwala akong mahal mo ako. Naniwala ako sa mga salitang binitawan mo, pero bakit mo ako ginaganito?

Hindi kita pinapauwi, pero hindi ibig sabihin hindi ako naghihintay!

Remuel, anong mayro'n sa pamilyang inuuwian mo kapag wala ka rito? Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ng anak nating si Remy?

Bakit mo kami pinaparanas ng sakit, Remuel bakit? Kulang ba kami ng anak mo, kaya hindi mo magawang manatili?

Ako ang legal, pero hindi ako sigurado kung ako ang mahal.

Ilang beses kitang pinagtutulakan, kasi gusto kong maramdaman na handa kang magmakaawa 'wag ka lang naming iwan, pero lagi mo kaming binibigo!

Remuel, hindi ba talaga ako sapat?

Mga katanungan ni Nersie
Legal na asawa ni Remuel.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon