8.3

26 4 1
                                    

w:may maseselang salitang maaring hindi mo magustuhan.

"Kuya Rylie, dito na tayo. Hindi ko lang sigurado kung nandiyan pa si ate. Kadalasan kasi ay isinasama siya ng mga pinagkakautangan ni mama," wika ni Elliot, nakababatang kapatid ni Elle.

Tumango ako bago kinuha ang wallet sa bulsa. Kumuha ako ng isang libo at iniabot ito kay Elliot.

"Bumili ka ng pagkain, 'wag mo ng ipalam sa nanay niyo kung sakaling magtanong. Kumain kayo nang marami ni Aella," sabi ko kay Elliot bago ako nagpaalam na papasok sa loob ng mausok na lugar na ito.

Lihim akong napatakip ako ng ilong nang may nakasalubong akong lalaking nagsisigarilyo.

Madami sila at nakatambay sa gilid ng pasukan ng pautangan na ito.

"Leo, tiba-tiba ka na naman kay Pinang. Naka-jackpot na naman sa sugalan," rinig kong pag-uusap ng mga lalaki. Napatigil ako sa paglalakad at lihim na nakinig sa usapan nila.

"Mas okay sana kung hinahayaan niya akong galawin yung anak niya. Aba hindi pumapayag, pero sisiguraduhin kong sasang-ayon din siya. Hindi ko na masikmura kung palaging siya ang papuputukan ko, tangina. Hindi nga sumasaludo 'tong alaga ko sa kaniya," k'wento ng lalaking nagngangalang Leo.

Gusto kong lapitan ang lalaki at bugbugin pero kinalma ko ang sarili lalo na't nasa pugad nila ako, siguradong wala akong laban.

"Eh paano 'yon? Gago, kinakama mo 'yon eh. Paano mo 'yon puputukan kung hindi ka tatayuan!" saad naman ng isa pang lalaki. Nagtawanan sila habang naiiling si Leo.

"Eh 'di magpapainit muna sa iba, o 'di kaya'y manonood muna." Mas lalong lumakas ang tawanan.

Tinalikuran ko sila at pumasok na lamang sa sugalang ito.

Hinanap ng mga mata ko si Elle pero wala akong makita. Ginala ko pa ang paningin ko pero ni anino ay hindi ko man lang nasulyapan.

Si aling Pinang lang ang nakita kong nakaupo sa may mesang punong-puno ng pera-naglalaro ng baraha.

Nag-init ang ulo ko, nasaan si Elle. Damn, am I late?

Kinuha ko sa bulsa ko at ilang beses na dinial ang numero ni Elle. Nagri-ring pero lagi akong pinapatayan. Shit, paano kita mahahanap kung ayaw mong sagutin!

Muli akong lumabas at naabutan kong nag-uusap pa rin ang grupo ng lalaki. Muli akong nakinig lalo pa't si Elle pa rin ang topic nila.

"Talo ka ni Edmund, ilang beses na ba no'ng inuwi 'yang pinagpapantasiyahan mong anak ni Pinang. Lagi nga kaming niyayabangan na natikman niya na 'yong si Elle." Hindi ko na halos mapigil ang sarili ko, hahaha gustong-gusto ko na silang sugurin pero kinalma ko pa rin ang aking sarili dahil kung hindi ay hindi ko maililigtas si Elle.

"Iyong gagong 'yon, akala niya. Mapapasaakin din ang anak ni Pinang. Kapag binahay na ako ng gurang na iyan hindi ko na titigilan ang anak niya. May bonus pang isa, hintayin ko na lang lumaki." Muling nagtawanan ang mga lalaki.

Sige, magkatuwaan kayo. Sa kulungan na kayo titira, sisiguraduhin ko 'yan.

Nang matanong ko ang ilang tao sa pasugalan kung saan nakatira si Edmund na pinagkakautangan ni aling Pinang ay kaagad akong umalis sa lugar na iyon. Tumawag ako ng pulis at sigurado akong na-raid na ang lugar na iyon.

Bukod kasi sa pasugalan ang lugar na iyon ay marami ring nagtitinda at gumagamit ng droga. Mga adik, magsama-sama kayo sa kulungan!

Muli akong bumalik sa bahay para kunin ang isa sa mga kotse ni kuya. Nakuha ko ang address ng lalaking nagngangalang Edmund.

Nagmaneho ako papunta sa lugar na iyon. Sa isang maayos na subdivision ito nakatira, pinapasok ako ng guard dahil kilala ako nito. May bahay kasi rito si kuya, dito siya umuuwi kapag nasa bahay si papa.

Nang marating ko ang bahay ni Edmund o kung sino man siyang gago siya ay hindi na ako nag-atubiling buksan ang gate na hindi naka-lock.

Patakbo kong tinungo ang bukas na pintuan ng bahay. Nakita ko kung paano nito sinusubukang halikan ang mga balikat ni Elle.

Halos hubad na ang kaibigan ko, tanging panloob na lamang ang suot.

Akmang tatakbo na ako palapit sa kanila pero may narinig akong tunog na nagpatigil sa akin.

Elle

Nang makarating kami sa bahay ng lalaking pinagkakautangan ni mama ay kaagad ako nitong pina-upo sa sofa.

Masama ko itong tiningnan pero wala itong pakialam. Nagsimula na siyang tanggalin ang kaniyang mga saplot, napa-iwas ako ng tingin. Naluluha at natatakot.

"Remove your clothes," mariing utos nito. Hindi ako sumunod, nagulat na lamang ako nang maglabas ito ng baril.

"Obey or die," saad nito. Napapikit ako nang mariin, iniisip ko ang mga kapatid ko. Hindi pa ako p'wedeng mamatay!

I did, hinubad ko ang suot ko pero itinira ko pa rin ang telang tumatakip sa mga iniingatan ko.

Lalapit na sana siya sa akin ngunit pareho kaming napabaling sa humihingal kong ina na kapapasok lamang sa saradong pintuan.

"Tangina, may mga pulis na sumugod sa pasugalan. May nagsumbong daw eh," sabi ni mama habang naglalakad papunta sa p'westo namin. Nabuhayan ako ng loob, iuuwi na ako ni mama.

"Istorbo ka Pinang, alam mo ba 'yon?" gigil na sambit ng lalaki. Nakita ko ang pag-irap ni mama.

"Gawin mo na, pupunta muna ako sa kusina mo para uminom ng tubig," paalam ni mama bago kami tinalikuran.

Napa-iyak ako, hindi ko napigilan na sumigaw. Tinawag ko siya pero wala siyang pakialam.

Linapitan na ako ng lalaki at pinapaulanan na ako ng mga halik, naglalakbay na rin sa aking munting katawan ang malikot niyang kamay.

Sumigaw ako nang malakas, pilit akong kumakawala. Nakita kong pabalik na si mama sa p'westo namin kaya lalo akong nagwala at nagmakaawa ngunit hindi ko namalayang naiputok na pala sa akin ng lalaki ang baril niya.

Halos hindi ko na naramdaman ang sakit. Hanggang sa kahuli-hulihan kong hininga ay si mama pa rin ang tiningnan ko.

Galit ako, namumuhi akong binawian ng hininga ngunit nangako ako sa aking sarili:

"Sinisiguro kong patuloy kitang gagambalain sa pagtulog mo. Lagi akong dadalaw sa iyong panaginip at uulit-ulitin kong isisigaw ang pangalan mo, nang sa gayon ay hindi mo maiwaglit kailanman sa iyong isipan na:

Minsan kang napabisita sa bahay ng iyong pinagkakautangan, nakarinig ka ng mga palahaw. Narinig mo ang paghingi ko ng saklolo pero nanatiling sarado ang mga tenga mo.

Nakita mo kung paano ako nilapastangan at pinaslang pero pikit-mata mo lang akong tinalikuran.

Hinayaan mo akong mamatay, tama bang gawing kabayaran ang anak, nay?"

Ang sabi mo pansamantalang kabayaran lang ako, kung gayon bakit ganito?

Kung pansamantala lang bakit permanente ang sakit?

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon