IWEMA: Chapter 9: Party

4.7K 104 1
                                    

3rd Person POV

Dumating ang araw ng kaarawan ni Joey at imbado ang ilan na kilalang artista modelo at ang ang kanyang mga kapatid, pinsan sa side ng mama nya at pinsan sa side ng papa nya.

Lahat sila ay nasa isang bar at yun ang bar ni Gabby. Kasya naman silang lahat dahil malaki ang bar ni Gabby.

Lumalalim ang gabi na masaya at walang problema. Habang tumatagal eh paunti na ng paunti na ang mga tao. Dahil may mga trabaho ito. Pero ok lang kasi masaya naman sya dahil kahit papano eh nakadalo.

Pero may isang hindi inaasahan na matagal na nyang iniwasan pero doon din pala sila magtatagpo. Kaya naman umiba ang aura ni Skye ng masilayan na nya ang pagmumukha nito.

Hindi alam ni Joey na mag-ex ang dalawa dahil gawa na rin sa magulong mundo nila kaya tinago nila. Kaya hindi alam ni Skye na magpinsan ang dalawa kaya gulat na gulat sya ng pinakalala ito sa kanya.

"Girls this is my cousin Juaquin Collins and Juaquin this is my friends Anne, Liz, K, Vice, Georgy, Raymond, Solenn and Skye" pakilala ni Joey

Isa-isa naman kinamayan ni Juaquin pero nung kay Skye na ay nagtitigan sila dahil di sila makapaniwala na dito pala sila magkikita.

"Nice to meet you" Juaquin said in a nice way

Ngumiti lang ng pilit si Skye kay Juaquin para hindi mapansin ang akwardness at tension sa pagitan nila.

Nabasag naman ang katamikan ng biglang may nagsalita.

"Ate Joey sorry ngayon lang ako nakarating" sabi ng kakadating lang

Agad naman napalingon si Juaquin dun sa nagsalita "Gabby bear!" Bati ni Juaquin

Tila parang nabuhusan ng malamig na tubig si Gabby dahil di nya ineexpect na dito nya makikita ang pinsan nyang matagal na nyang tinaguan, nilayuan, iniwasan at kinasusuklaman.

Hindi nya alam kung anong gagawin nya dahil di nya alam kung paano sya kikilos o magsasalita.

"Gabby bear is it rude to stare?" Agaw attention n Juaquin kay Gabby pero wala pa rin imik si Gabby "Gabby hindi mo man lang ba ako yayakapin. Grabe ka ang tagal mong nawala tapos hindi mo man lang ako namiss?" Pagtatampo nitong bati

Pero wala talaga syang masabi o kibo dahil napako na sya sa kinakatayuan nya at tila umurong na ang dila nya.

Takang-taka naman ang mga taong nakatingin lang sa kanila.

"Gabby!" Agaw pansin ni Joey

At doon na kumurap si Gabby "Yo-----your here" at sa wakas nakapag salita na sya

"Yes! Whats with you? Parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni Juaquin

"Ba---ba---bakit ka nandito?" Utal-utal na tanong nya

Nalungkot naman ang mukha ni Juaquin sa sinabi ng pinsan nya "Awww ayaw mo ba akong nandito? Malamang imbitado ako dahil birthday ng pinsan ko. Ikaw hindi mo ba ak namiss? Ako kaya sobra kitang namiss. Ang tagal mong nawala" PAglalahad ni Juaquin

Bigla naman nagbago ung expresion ng mukha ni Gabby "Talaga namiss mo ko?" Paguusisa nya sa kuya nya

"Oo naman bakit hindi?" Juaquin

"Kasi parang hindi ka naman nakakamiss from two years ago" makabuluhang sabi ni Gabby

Napakunot noo naman si Juaquin "what are you talking about Gabby?" Takang tanong nya

"Nothing! Parang kasi ang dali mo makalimot" sabi nya pa na mas lalong nakapagtaka ni Juaquin "Pero ang tanong nakakaalala ka ba?" Tanong nya pa ulit

If We Ever Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon