IWEMA: BEST FRIEND TALK

4.2K 89 0
                                    

Skye's POV

Makalipas ang ilang linggo nagkaron din kami ng break magkakaibigan kaya naisipan namin mag hang-out magkakaibigan.

"Buti naman nakalabas tayo ng walang mga bagets" Sabi ni Vice na inaalayan si K paupo sa upuan.

"Eh san nyo iniwan si Karl?" Tanong ni Anne

"Kinuha ng mga tita nya. You know naman sila Zia at Coco aliw na aliw dun sa bata" Sagot ni K

"Eh ikaw Skye asan ung kambal mo?" Liz

"Nakay ate Summer para makabonding daw nung kambal si Ari" Sagot ko

"Haha good luck kay ate Summer" Sabi ni Joey

"Yaan mo ginusto nya eh hahaha" Ako

Natawa rin naman sila

"oh Josefine kamusta naman ung manliligaw mo?" Tanong ni Liz

"Ayun sana buhay pa sya" Sagot nya na parang namumublema pa

"Hahahaha bakit?" tanong ni Vice na tumawa muna

"Eh kasi sila kuya kasama nya ngayon buti nga busy pa ung isa eh" Sabi nya na naka-pout pa

"Oh? Sino ung isa?" Tanong ni Sos

"Eh sino pa si Gabby buti busy kung hindi baka umatras ung mokong na un" Joey

"Hmmm ano kaya gagawin nila Kuya Franco kay Jeremy?" Ako

"Siguro ung mga basic na tanong lang un lang. Madali lang naman makadaan kila kuya eh pwera lang kay Gabby" Sagot nya

"Woah mas kuya pa aah" Anne

"Di lang kuya TATAY kamo" Sabi ni Joey emphasizing TATAY natawa naman kami "Kung alam nyo lang kung ano ang pinagdadaanan ng mga manliligaw namin sa kanya. Buti nga si Jacob nakatagal eh. Tignan mo sila pa rin ni Elle" Joey

"Si Chad ba dumaan sa kanya?" Mond

"Nope" Joey said popping the p

"Huh eh pano naging bf un?" k

"Kasi nga wala si gabby nun MIA pa sya nun kaya nakaligtas ang mokong" Sagot nya

"Lucky asshole" Vice

Siniko naman sya ni K dahil sa sinabi nya kaya agad rin naman sya nagsorry.

"hay naku siguro kung nandito sya nung mga panahon na un malaman laging napapaaway un" Sabi ni Joey "Anyway change topic na ayoko isipin ok."

"So Skye may plano na ba kayo para sa kasal nyo?" Liz

"Wala pa" Ako

"bakit?" Sila

"Eh kasi di ko alam kung dapat ko pa bang ituloy tong kasal" Sagot ko

"Huh bakit?" Sila

"Eh kasi lately itong si Cedrick laging wala tapos pag may tumatawag sa kanya lumalayo sya tapos bulungan lang kung makipag-usap tapos ang cold nya pa sa amin lalo na sa mga bata. Actually dati pa syang ganyan sa mga bata nagiging sweet lang sya pag may ibang tao o kaya naman pag wala syang topak ewan ko feeling ko may hindi sya sinasabi sa akin" Sabi ko

"Baka may other woman. baka lang naman huh" Anne

"Wala naman daw syang iba pero iba ang kutob ko sa kanya kasi three years ago while im dating Gab---- I mean Garret bigla syang lumitaw na parang kabute" Sabi ko na muntikan ko pang masabi pangalan ni Gabby hay sana kagatin nila

"Hmmm, Baka wala naman un" Anne

"Wala akong masabi" Liz

"Basta ako may alam ko hahahaha" Joey

If We Ever Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon