[CHAPTER 1 - The Beginning of the Present]

136 18 32
                                    

FUTURE: YEAR 2052

I have never been a fan of stars, the night skies or the constellations, not even the moon. Hindi ko rin maintindihan kung ano bang ikinaganda o ikinahiwaga ng mga higanteng bato sa kalawakan at pilit silang niroromanticize. Yes, I have dealt with them, even studied all about them but it was all purely for science and mathematical purposes. They may be look pretty at times but it isn't enough for me to adore them. I don't find them romantic or magical, sa tingin ko nga nagmumukhang tanga lang ang mga taong pilit na ibinubulong ang kanilang mga kahilingan sa mga ito, umaasang balang araw magiging katotohanan ang mga bagay na matagal na nilang inaasam.

"Kalokohan." Sambit ko, habang tinitignan kung ano pang kulang sa mga seniset-up ko dito sa taas ng bundok nang ala-una nang madaling araw at pilit kong iniinda ang lamig ng paligid.

"Ano yun kuya, may sinasabi ka?" Tanong ni Otis na nasa screen ng laptop ngayon, nakavideo call.

"Sabi ko kung maayos na ba ang reception diyan, at naninigas na ako dito sa lamig." Siniguro ko ring maayos na ang anggulo ng camerang nakatapat sa higanteng telescope na halos ikakuba ko, madala lang dito.

"Hindi pa kuya, ayusin mo uli baka may na buhol kang kable diyan." Sabay may pinagpipindot sa mga screen sa harap niya doon sa loob ng Amare Space Observatory sa baba nitong bundok. Gaya iyon ng working station ng mga security agencies tulad ng NBI, FBI, CSI na madaming computers at malalaking screens. Pero dito, hindi lokasyon ng mga kalsada ang makikita kundi tracking ng mga space objects. Mga paggalaw ng araw at buwan at iba pa, ang binabantayan at pinag-aaralan niya.

"Sira ulo ka, baka ikaw ang buhulin ko. Check mo diyan, baka nandiyan ang problema. At hanggang kailan pa ba ako maghihintay dito, nagyeyelo na ako sa lamig!" Sigaw ko sa screen sabay buga ng hangin sa mga kamay ko, para makokonsensya siya.

"Edi maging estatwang yelo ka. Bakit ka kasi nagpumilit na gumawa niyan, edi sana si ate Rhianne na lang ulit ang pinatulong ko sakin wala sana akong sakit ng ulo ngayon. Puro ka reklamo!" Sigaw niya rin at ipinakita pa na tinaasan niya ang temperature ng heater kung saan siya tila captain sa spaceship na prenting nakaupo.

"Aba't ginaganyan mo na naman ako ah, pag nakita ko talaga sina mom at dad sasabihin kong wag ka nilang gawin kasi wala ka ng ibang ginawa kundi ang awayin ang kuya mo! Sige ka! Hmp!" Singhal ko din sa kanya sa pa-cute na pamamaraan, pero siya deritso lang sa pagkalikot ng computers tipong walang naririnig.

Tumigil ako sandali at tinitigan ang natitirang pamilyang meron ako. Sobrang laki na ng pinagbago niya, dati rati, siya lang yung batang napakaiyakin at laging gustong nakadikit sakin. Ngayon, sa edad na desiotso ay isa na siya sa pinakabata at pinakamahuhusay na meteorologist sa mundo. Pero kahit pa nga, malayo na rin ang narating ni Otis, siya pa rin ang nakababatang kapatid ko. Kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya kapag naiisip kong darating yung araw na magiging successful na ang ginagawa kong time machine at tuluyang makabalik sa nakaraan. Maraming pweding mangyari sa'kin na maging dahilan para hindi na ako makabalik sa panahong ito at tuluyang maging ulila si Otis.

Napangiti ako habang patuloy na pinagmamasdan ang mukha niya na tila boy version lang ni mommy noong kabataan nito. Maliit ang hugis ng kanyang mukha, manipis ang mga kilay at labi, may pagkapatpatin rin ang pangangatawan kaya kung lalagyan ng wig ay aakalain mong babae, babaeng anghel dahil sa maamo nitong mukha. Kaya naman laging naka soldier's cut ang gupit niya simula pagkabata. Pero kahit ganun tila boy next door pa rin ang datingan niya, dahil sa ugaling nakuha niya naman kay daddy. Tipong pa-cool lagi, masungit at pa-misteryuso din, dahilan para laging habulin ng mga babae.

Kabaliktaran naman niya ako, magmula kasi nang sinimulan ko ang mala imposibleng project na 'to ay nagpapahaba na ako ng buhok. Paghahanda lang kung sakaling gumana ang machine. Napagplanuhan kasi namin na kung sakaling makakabalik ako sa nakaraan ay kailangan kong magpanggap na si daddy or at least use his identity para mas maging madali ang paggalaw ko sa mundo nila at madaling maisagawa ang misyon. Kung hindi ay magiging illegal alien ako or unidentified person and it will complicate everything.

Saving Our TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon