[CHAPTER 2 - Unexplainable Night]

72 10 17
                                    


PRESENT: YEAR 2020

ALLONA'S POV

[News Anchor sa TV]

"Unang-una sa balita ngayon umaga, ang isang kakaiba at hindi inaasahang pangyayari na naganap kaninang madaling araw sa buong Pilipinas at maging sa mga karatig nating bansa. Hindi maipaliwanag ng PAG-ASA pati na ng NASA ang naging kaganapan kaninang alas dos hanggang alas kuwatro ng umaga - oras sa Pilipinas. Nang walang humpay na bumuhos ang napakalakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa buong bansa kahit pa nasa panahon tayo ng tag-init. Naitala ang parehong senaryo sa Japan, ibabang bahagi ng China, Vietnam, ibabang parte ng Lao at Cambodia maging sa Malaysia. Tila umano, ang pag-uulan ay bumuo ng isang bilog kung saan ang Pilipinas ang nasa gitna nito. Ayun sa mga ulat, ang barangay Solano sa bayan ng Malvar ang pinakasentro at pinakatinumbok ng hindi pangkaraniwang pangyayaring ito. Dito naitala ang may pinakamalalakas na pagkidlat sa kasaysayan. Hanggang sa mga oras na ito, ay hindi pa rin tukoy ang naging sanhi ng pangyayaring ito. Narito si Carlos Katindig para sa mga karagdagang detalye, Carlos?

Bagama't ay wala pa ako sa wastong ulirat ngunit naririnig ko nang mabuti ang TV sa baba, na ginagawang alarm clock sa bahay na'to sa sobrang lakas.

Antok na antok pa nga ako dahil sa ingay ng ulan at kulog kagabi, tapos ang aga ko rin naman nagising dahil sa lakas ng volume ng TV. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang kung ano mang ibinabalita sa TV at siguradong hindi rin naman mapa-process ng utak ko dahil masyado pang lutang.

"NAY!" Narinig kong sigaw ni Desmond mula sa kusina kaya nagmadali akong bumaba sa hagdan.

"Wag po kayong magbiro ng ganyan, baka mausog tapos magkatotoo. Ehhh kakakilabot." Dagdag pa niya habang tanaw kong nag pupunas ng mga kaning tumapon sa lamesa. Naibuga pala nito ang laman ng bibig nang kaninang mapasigaw.

"Bakit nak? Maganda naman si Allona ah, matalino, mabait pang bata." Napabalik ako ng mga ilang hakbang sa hagdan at tuluyan nang nagising ang diwa matapos kong marinig na ako pala ang pinag-uusapan nila. "Nirereto ko nga siya kay kuya Baguio mo, kaso mukhang matatagalan pa yun bago makauwi dahil sa lecheng Covid na yan."

Si kuya Baguio ang pangalawang na anak nina Nanay Claire at Tatay Benji na may-ari ng boarding house na tinitirahan namin dito sa Malvar. Yung panganay, si ate Paris nasa Thailand, high school teacher doon tapos yung bunso si Sweden na 10 years old pa lang.

Saving Our TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon