ALLONA’S POVHalos mag-iisang linggo na rin simula noong nabalita ang sinasabing UFO and it wasn’t simple than what I first thought. In fact, nagdulot ito ng malaking problema sa buong bansa. Nagkaroon ng malawakang brownout, binaha ang maraming lugar, nasira ang mga ari-arian at nalugi ang mga pangkabuhayan.
Hanggang ngayon nga ay lugmok na lugmok pa rin ang karamihan sa mga probinsya. Lalong-lalo na dito sa Malvar City na limang araw nang walang kuryente at mukhang aabutin pa nang isa o dalawang linggo bago tuluyang maisaayos ang mga nasirang poste.
Hindi ko lang talaga napansin agad ang matinding epekto ng hindi maipaliwanag na gabing iyon dahil may generator dito sa boarding house kaya nagawa pa naming makapanood ng balita kinaumagahan. Sinadya lang mag paandar ng generator ni tatay Benji kahit umaga upang makakalap ng balita. After nung araw na iyon ay tuwing gabi na lang ito ginagamit.
Mabuti na nga lang at tanging ang hagdan na nasa labas ng bahay at ang storage house sa garden lang ang mga napinsala. Laking pasasalamat nga dahil kahit pa may kalumaan na ito, na itinayo pa noong panahon ng mga kastila ay napakatibay pa rin ng kabuuan at matikas pa rin ang tindig ng bahay.
Mayroon itong dalawang palapag kung saan ang ground floor ay bahagyang nakaangat sa lupa dahil sa semi-basement, kaya mayroong hindi kataasang hagdan papasok na siyang nasira. Makikita naman sa mga dekorasyon ng mga bintana, mga pinto, balkonahe at sa iba pang bahagi, ang mga arteng hinalaw sa desenyong kastila.
Habang nakaupo sa duyan na nakatali sa puno ng sampalok dito sa likod ng bahay ay naisipan kong mag scroll scroll muna sa Facebook dahil sobrang boring na talaga ng araw na ‘to. Nauubusan na ako ng mga pweding gawin, hindi ko na rin alam kung anong araw na ba o anong petsa na, basta araw-gabi na lang ang palatandaan ko nang oras. Halos dalawang buwan na rin kasi ang quarantine. Buti nga ngayong Mayo at GCQ (General Community Quarantine) na ang Malvar kaya kahit paano ay maluwag-luwag na rin ang seguridad. Hindi gaya noong mga nakaraan na talagang bahay at garden dito sa baba lang ang destinasyon ko araw-araw.
Noong March 16 i dineklara ng presidente ang malawakang lockdown at isinailalim sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) ang buong Luzon at iba pang lugar na mayroong kaso ng virus, kabilang na ang Malvar City sa loob ng isang buwan, na naextend pa hanggang katapusan ng Abril. Pero kahit na GCQ na dito ay hindi pa rin naman ako pweding mag gagagala at 19 pa lang ako. Below 21 at above 60 ang edad ay bawal pa rin, pero ayos lang dahil nakakapag-ikot-ikot naman ako dito sa barangay Quintana, sa mga sentro lang naman kasi ang super strict. May kalakihan naman ang barangay na ‘to kaya pwedi na ring pamasyalan. Halos walong barangay din ang layo nito sa Barangay Solano kung saan bumagsak ang sinasabing UFO kaya hindi ko nagawang makiusyuso nung time na yun.
Patuloy lang ako sa panonood ng mga Tiktok compilations na siyang pinakausong libangan ng mga tao. Kabilaan na nga ang mga online tiktok competitions na talagang patok na patok naman.
Hanggang madako ako sa isang facebook live.
Hindi ako pweding magkamali, siguradong-sigurado ako na ang masungit na yun ang nakikita kong hinahabol ng mga kapulisan sa kalsada. Nakasuot siya ng damit pang pasyente at nakapaang tumatakbo.
Ayon sa kumukuha ng live video na halatang nasa itaas ng building ay isang takas na Covid patient daw ito kaya naman makikitang nagkakaroon ng mass hysteria sa sentro ng Malvar at nagsisitakbuhan ang mga tao.
Inaaninag ko pang mabuti ang lalaki sa video, nagdadalawang isip ako at baka namamalikmata lang dahil imposibleng nandirito pa siya hanggang ngayon.
“Sa pagkakatanda ko April 26 pa siya nung umalis dito at kung maglalagi pa siya ng 14 araw sa quarantine facility edi by May 10 pwedi na talaga siyang umuwi sa bahay nila.” Pagbibilang ko gamit ang aking mga daliri. “Teka anong petsa na ba ngayon?”Dali-dali kong hinanap ang calendar application sa phone at ganun na lang ang gulat ko dahil May 10 na rin pala sa araw na ito. Kaya imposibleng nandidito pa talaga siya sa Malvar. At saka hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang hitsura niya, paanong biglang infected na siya eh bago payagan bumiyahe ay kailangan pa ng maraming papelis para masiguradong walang positive sa mga uuwi. Napakagulo.

BINABASA MO ANG
Saving Our Times
General FictionThe world is sick, both the present and the future. The present struggle to eliminate the virus and protect its people. While the future is weaponing it and now on the brink of 3rd world war. It was the year 2020 when the world first suffers from t...