ISINUOT KO ANG damit na pinili sa'kin ni mami Chloe kahapon, nagdasal na sana ay matanggap ako at pumunta na sa kwarto ni mami Chloe para tignan kong tapos na siyang mag-ayos dahil magpapasama ako sa kanya sa job interview ko. I applied kasi online ng mga pweding maging trabaho, maybe a month ago at saktong may job opening ngayon sa isang family restaurant dito lang sa Malvar at noong isang araw lang din dumating ang reply nila. Kailangan-kailangan ko na kasi talaga ng pera para magkaenroll ako sa August dahil medyo malaki ang mga dapat kong bayaran para makapagshift ako for my second year.
I am a political science student and I've decided to shift to education dahil alam kong hindi kakayanin ng mga magulang ko ang tustusan ang pag-aaral ko hanggang maging isang ganap na abogado, at isa pa hindi naman iyon ang gusto ko, sila lang naman ang nagpupumilit gaya nang kung paanong pinilit nila si kuya na mag Doktor. Kaya nga kahit na hindi ako sigurado kung ang pagiging guro ba talaga ang gusto kong gawin ay nagdesisyon pa rin akong subukan dahil sa estado ng pamumuhay namin ngayon ay ito na ang nakikita kong pinakapraktikal na pagpipilian.
This is the reason why tuluyan akong hindi nakauwi sa probinsya namin before the lockdown and travel ban. I am fixing my papers kasi that time kaya naman aside sa online classes for my first year, second semester ay naging busy din talaga ako sa paghahabol sa mga professors at pagkumpleto ng mga requirements, idagdag pa na puro online lang ang way ko nang pag contact sa kanila. Now, two months before the start of classes which is surely online din ay dapat makaipon na ako ng sapat na pera, so I can take the units needed para sa panibago kong course na hindi na sakop ng scholarship provided by MU dahil nga nagshift ako at medyo may kalakihan ito kaya naloloka na ako kung saan ko hahagilapin ang pera. Idagdag pang dinahilan ko kay mommy nung tumawag siya kahapon na may nahanap akong trabaho kaya hindi pa rin ako uuwi ng probinsya kahit lifted na ang travel ban at tuloy na ang balik-probinsya program, kaya dapat talaga matanggap ako sa interview na'to.
"Mami Chloe tama na yang pag papaganda, hindi naman ikaw ang iinterviewhin." Biro ko matapos mahinang kumatok nang tatlong beses, pero walang katao-tao sa kwarto nila ni kuya Fin, roommate sila.
Bumaba ako sa first floor at doon ko sila nakitang nakadungaw sa may bintana na tanaw ang garden.
"Anong meron?" Tanong ko at pilit nagsumiksik para makasilip din.
"Girl, taray ni Mr Sungit umabot na ng national TV." Si mami Chloe na may pahampas pa sa'kin.
Kasalukuyan kasing iniinterview sina Nanay Claire, Tatay Benji at Jed, sigurado tungkol na naman yun dun sa nangyaring virus scare, dahil na rin siguro sa virus kaya hindi sa loob ng bahay ginawa ang interview at naglagay na lang ng mesa at mga upuan sa labas.
"Eh sino naman yung dalawa pang babae? Taga media din ba sila?"
"Officials yan ng school natin, they are investigating din about the incident kung bakit nandirito pa rin si Jed when in fact sa record nila ay nakauwi na ito and other matters." Tumango lang naman ako sa sinabi ni kuya Akil at bahagyang namilipit dahil sa pag pat niya sa buhok ko, "Goodluck din pala sa interview mo." at ngumiti ng ubod ng gwapo. Ghad, pweding goodluck kiss na rin? Charzs!
Hinintay naming matapos ang interview dahil ihahatid daw kami ni Tatay Benji para na rin mas convenient in case may check point tsaka para na din safe kami.
"Woah!!! Kelan ka daw namin makikita sa national TV?" Si kuya Fin na agad umakbay kay Jed nang makapasok sila sa bahay, "Ibang level na talaga!"
"Mamayang gabi daw, excited na nga ako!" Masiglang sagot naman nito, which again sends shivers to us. Bakit ganito 'to umakto?
Naramdaman naman ito ni Nanay Claire kaya bigla niyang iniba ang usapan. "Allona anak, diba pupunta kayong sentro ni Chloe, isama niyo na si Jed at tulungan niyo siyang bumili ng mga pangangailangan niya lalong-lalo na ng cell phone para madali siyang makacontact sa mga magulang niya, yun ang bilin ni kumare." Inabot niya kay Jed ang malulutong na perang papel. Sana all.
BINABASA MO ANG
Saving Our Times
General FictionThe world is sick, both the present and the future. The present struggle to eliminate the virus and protect its people. While the future is weaponing it and now on the brink of 3rd world war. It was the year 2020 when the world first suffers from t...