[CHAPTER 4 - Sleep Walking]

49 3 13
                                    

[Photo attached above is an image of how the Laxamana boarding house would look like.

It is the Balay Negrense (Hiligaynon for Negrense House), also known as Victor Fernandez Gaston Ancestral House a museum in Silay City, Negros Occidental in the Philippines. More photos below. ]



ALLONA'S POV

PANAY ANG PAGKUYAKOY ng aking mga paa, sabay ang paulit-ulit na pag-inom ng malamig na tubig na hindi naman nga gaanong malamig dahil dalawang oras pa lang ang nakakalipas mula nang paandarin ang generator.

Nasa kusina ako habang hindi mapakaling pinagmamasdan ang mga gamot ni Jed na nakalagay sa isang tray katabi ang isang pitcher ng tubig, kutsara at baso.

Anong gagawin ko? Pwedi pa naman siguro akong mag back out? What if mag panggap na lang din akong may sakit rin? I really don't think I can do this.

Akma na sana akong tatayo mula sa aking pagkakaupo nang dumating si Nanay na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Allona anak, maraming salamat at pumayag kang alagaan si Jed ah. Dahil sayo kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko, alam ko kasing maasahan kita. Wag kang mag-alala katulong mo kaming lahat."binigyan niya ako ng kampanting ngiti at hinawakan ang aking mga kamay dahilan upang madama ko ang init na nagmumula rito.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala si mommy at maisip kung gaano ko siya madidisaapoint kapag nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit hindi ako umuwi sa probinsya.

"At saka, magandang pagkakataon na rin ito upang kahit paano ay maging close kayo sa isa't-isa." dagdag pa niya na bahagyang tumaas ang tono at mababakas ang panunukso sa kanyang mga mata.

Nagsitayuan naman ang aking mga balahibo nang saglit kong maimagine ang ibig niyang sabihin kaya agad kong kinuskos ng aking mga palad ang magkabilaan kong braso. "Mukhang mas may tyansa pang manalo tayo sa lotto kesa mangyari po yun."Sagot ko at pareho kaming napatawa.

~~~

Wala na akong nagawa at inayos na rin ang bakanteng kama sa kwarto ni Jed na payapang nahihimbing at isang dipa lang ang layo sa'kin.

May kumatok sa pinto at bumungad ang nakangiting mukha ni kuya Akil na may bitbit na baso ng gatas at... MGA GAMOT NI JED! "Nem? Allona, I told you to always take your brain with you!" Sabi ko sa isip ko.

(Nem = a bikolano expression na ang ibig sabihin ay 'ano na? / kumusta? / ano? / or the likes)

"You know what Myanselle, I am getting worried about you." He said as soon as he walks inside the room. Inilapag niya ang dala-dala niyang tray sa mesang nasa unahan ng kamang kinauupuan namin kung saan rin naroroon ang malaking bintanang gaya sa mga sa kastila na open space lang at dalawang sliding wooden door ang pangsara. Meron ding mesa sa unahan ng kama ni Jed kung saan naman nakapatong ang iba pa niyang gamot at mga pangbenda sa sugat. At sa magkabilaang dulo ng mga kama, naroroon ang tig-isang wooden cabinet tapos pintuan na.

Ganito ang set-up sa mga kwarto dito sa boarding house, hindi gaanong malaki ang rooms pero justified naman sa presyo. Mayroon namang dalawang banyo ang bawat floors na accessible sa lahat maliban sa banyong nasa loob ng kwarto nina nanay Claire at tatay Benji sa 1st floor.

"Napakamakalilimutin mo na, kahit na ang bata-bata mo pa naman. Should I take you to the university hospital? I know a lot of people there." Iniabot niya sakin ang dala niyang gatas at naupo sa tabi ko.

Umusog naman ako ng kaunti palayo sa kanya, ewan ko ba. Wala lang talaga ako sa mood para maglandi ngayon. "Kulang lang siguro lagi sa tulog kuya haha."I said with an awkward laugh.

Saving Our TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon