Prologue

9 2 0
                                    

Nakita ko na ang bungad ng papasukan kong eskwelahan.

"Oxford Academy", bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa malaking carved in stones ng pangalan ng school.

Naramdaman kong may umakbay saakin kaya napatingin ako rito. Ngumiti siya saakin. Maya maya pa ay may umakbay ulit saakin sa kabilang balikat ko. Bumaling naman ako rito at kinindatan niya naman ako.

" Kuya Neon, Kuya Zion.", nakangiting sambit ko sa dalawang kuya kong kambal.

"Oooohhh, dalaga na talaga ang baby namin." si kuya Neon.

"Tss, baby parin yan wag ka ngang ano Neon.", saway naman ni kuya Zion sakanya.

Tumawa lang kaming pareho ni kuya Neon. Sabay sabay na kaming pumasok sa school.

I'm already in Grade 11 (senior high) kaya  trinansfer na ako dito sa Oxford kung saan nag aaral ng college ang dalawa kong kuya. It is a private and prestigious school that's why only the richest people in town can afford it or pwede ring for average lang but have the smartest brains can enter this school.

Well hindi ako rito nag junior high dahil doon ako sa pinakamalapit na school sa bahay namin dati nag aral. Now that I'm already in senior high, dito na ako para naman maiba ang environment. Nag agree din naman ang dalawa kong kuya para daw mabantayan nila ako. Anyway, they're already second year in college.

"Oh dito kana, baby girl. Ingat ka and makinig sa klase. Wag kang pasaway. Pag may umaway sayo just tell me---"

"Ok ok kuya, I know. I'm already 16, I know what I am doing.", pagputol ko sa sinasabi ni Kuya Zion in his usual baby talking to me.

"Bye", sabi niya tsaka nila ako hinalikan sa pisngi bago humiwalay saakin para tumungo na sa college department which is sa kabila lang ng senior high building.

Excited akong nagtungo sa paitaas sa 2nd floor kung saan ang room namin nang may nabangga akong matigas na bagay na dahilan para bumagsak ako sa floor ng hallway. Tumingala ako para tignan ito at napagtantong hindi pala bagay....kundi tao.

Nakatingin lang siya ng seryoso saakin habang tumatayo ako. Napakunot ang noo ko nang biglang magpapatuloy na siya sa paglalakad.

"Wouldn't you even say sorry?", inis na tanong ko dahil di man lang niya binalak na tulungan ako sa pagtayo instead ay lalampasan niya na dapat ako.

" Sorry", sabi niya in cold tone without even looking at me. What the hell is wrong with this guy?!

"Wow, napaka sincere naman. Tagos sa puso.", I said sarcastically.

Humarap siya saakin at doon ko napansin na pamilyar siya saakin. Wait.... he's one of my twin brothers' friend. Diko lang maalala kung anong pangalan niya.

"So-rryyy", sabi nito na pinahaba lang ang pagkakabanggit tsaka na siya agad tumalikod saakin at naglakad palayo.

Umawang ang labi ko in disbelief. How could someone say sorry in a cold way?! Tss!

Nagtungo na ako sa room namin ng sira na agad ang umaga. Nakakabadtrip ang lalaking yun ah.

As usual for the first day of school ay napuno lang ng puro introduce yourself sa bawat subject. Ngunit sa kalagitnaan ng last subject namin in the morning ay naalala ko na.

"Limmer! Tama, Cyrix Van Limmer.", napalakas yata ang pagkakasabi ko nun kaya naman nagsitinginan ang mga kaklase ko saakin maging ang prof namin.

"No spacing out and thinking of your boyfriend, Ms. Meaker.", sabi ni Prof Arrayo.

Nag init bigla ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa bwisit na bibig na to.

Tss. Kasalanan to ng Cyrix na yun eh! Why did I even bother remembering his name?! And in the middle of the class!

Nang sa wakas ay nagbuzzer na hudyat na lunch break na ay lumabas na ako ng room namin para magtungo sa cafeteria which is nasa ground floor ng college department.

*Bzzzttt*

*Bzzztt*

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko para icheck kung sino ang nagtext.

From: Kuya Neon

Hey, sis!  Tara sabay na tayo maglunch, vacant namin ngayon kaya sabay ka na saamin. Love lots!

Binuksan ko ang isa pa..

From: Kuya Zion

Babygirl, sabay na tayo lunch. Sa table ka namin kumain, wag mong idadahilan na may kaibigan kang sasabayan mo because I won't let you. It's the first day of school so don't miss out the first lunch with me. Love you!

Napangiti ako sa text ng mga kuya ko. Kuya Zion is always been like this. Serious and composed. Binibaby niya padin ako hanggang ngayon and I kinda don't like it most of the time because I think I'm already a big girl. While Kuya Neon naman is open and the out going one. Mas malaya akong gumawa kung ano ang gusto pag siya ang kasama.

Kuya Zion is minutes older than kuya Neon. Siguro kaya siya yung may traits na strikto at ma authority saamin dahil siya ang eldest.

But still, they just love me so much cause I'm their only sister.



Nagtungo na ako sa malawak na cafeteria ng college department kung saan punong puno ng estudyante from senior high to college.

Pagkapasok ko ay may naaninag na agad akong kumakaway sa gitnang bahagi ng cafetria. And there I saw kuya Neon with his wide smile. May mga kasama rin sila, probably friends, sa bilog na table.

"Sis, this is Kate, Bryan, Sonnet, Harris, and Brace. Guys, this is our only sister, the great Naya Ysobel Meaker." pagpapakilala ni kuya Neon sa lahat. Though kilala ko naman na silang lahat dahil lagi rin sila sa mansyon namin dati, lalo na nung high school palang sila.

"Hi", tanging sabi ko lang na medyo nahihiya pa.

Kumaway naman sila saakin sabay ngiti. So friendly. Pero nang tignan ko silang lahat, napansin kong parang kulang sila.

Lumiwanag ang tuktok ng ulo ko na parang may umilaw na bumbilya. Si Van, wala si Van.

Pero diko nalang pinansin. Baka may klase pa. Tsaka mas mabuti na, di parin ako makamove on sa nangyare kanina e!

Habang kumakain ay nagkkwentuhan lang kami kasama ang mga barkada nila kuya tsaka nagtatawanan. Nang 1:15 na ay nagpaalam na akong mauuna kila kuya dahil 1:30 magsisimula ang klase ko samantalang sila ay mamayang 2 pa daw ang resume ng klase nila.

Palabas na ako ng cafeteria nang makasalubong ko si Van sa may bungad ng cafeteria. Napahinto ako at napatitig sakanya pero siya.... diretso lang ang tingin na parang di man lang ako napansin kahit halos magdikit na ang braso namin sa pagkakasalubong.

At sa pangalawang pagkakataon, napaawang na naman ang labi ko. This man is really getting into my nerves.


Tss. Cyrix Van Limmeeeeerrrr!!!!

Someone He LovedWhere stories live. Discover now