Chapter 5

5 1 0
                                    

"That's enough, Naya!", sigaw ni Van sakin habang pinipigilan ang kamay ko may hawak sa iced tea ni Shia.

Tinignan ko ng masama si Van.
" Let go of me!!", sigaw ko din.


"Stop it, Naya. Why are you doing this?"


"No!! Why are you doing this, Van?!! Wala kang pakealam kung ano ang issue namin kaya bitawan moko!!", galit na galit na sigaw ko. Why is he even siding this slut samantalang kapatid ako ng mga kaibigan niya.



Pero hindi niya padin ako bininitawan kaya naman hinugot ko ang buong lakas ko para bawiin ito. At nagtagumpay naman ako kaya agad na mahigpit kong hinawakan ang baso ng iced tea at ibinuhos sa pagmumukha ni Liya. Napapikit siya nang mabasa na ang buong mukha at buhok niya ng iced tea. Nagsimula nang umiyak si Liya sa pagkapahiya.



"I SAID ENOUGH, NAYA!!", dumagundong sa buong cafeteria ang malakas na sigaw ni Van.



Hinarap ko siya dahil nag init na rin ang dugo ko pati sakanya.



" NO!!! Why should I stop?! And why are you saving her anyway?! Ahh oO nga pala, pareho nga pala kayong dukha. Sino nga ba naman ang magtutulungan kundi ang mga magkakauri lang din, diba!!", galit na galit na ako. Gusto ko na ring maiyak pero mas nagingibabaw ang galit ko sa kanila.



"Naya, tama na. You're going now below the belt!", sambit ni Van.



" Totoo naman diba?! Pare pareho lang kayong mga mahihirap. Lagi lang kayong umaasa sa mga taong may pera sa paligid niyo!!! Masyado kayong naghahangad na makasabayan niyo kaming mga may kaya. That's why you are always getting yourself an easy way out which is to be attached to rich people like us. Di na kayo nahiya sa mga sarili niyong makakapal na mukha!"



Natahimik silang pareho. I can see a glimpse of hurt in Van's eyes at napakunot ang noo niya. I don't care if I'm going beyond the limit of what I should say pero sila lang din naman ang nagpprovoke saakin.



"What?! Tama ako diba? Na kahit sa school, umaasa lang din kayo sa scholarships na galing lang din naman sa mga pera namin!! And you!", dinuro ko si Van.



" You even went  to our house to celebrate your cheap birthday!! Cracklings? Oishi? Haha anong akala mo, kanto kanto lang ang pinuntahan mo?!!! Kung hindi pa dahil sa biniling cake at pizza ng kuya ko ay aakalain ko nang pagkain ng aso yung mga dala mo!"



"At ikaw babaeng gold digger, hubarin mo ang shirt ko!!", sabi ko tsaka dinuro ko si Liya.



Napatingin ito saakin na parang nagmamakaawang huwag. I don't have mercy kaya wag mokong matignan tignan ng ganyan.




"Take that shirt off right now or I will take it off myself!!", susugurin ko na sana si Liya nang pumagitna si Van saamin para idefend si Liya.


" You're too much, Naya."



"Hah! I can't believe this. A gold digger and a cheap outsider, perfect match!!!", pumapalakpak pa ako habang nakangisi sa inis na nararamdaman ko.



Tumingala ako kay Van at diretsong tinignan ang mga mata niya.


" This is why I hate commoners.  Mga ugaling squatters!!", sabi ko tsaka padabog na umalis sa cafeteria.



Wala na akong pakealam kung pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa paligid. I just can't take my anger inside anymore. Uuwi nalang ako kesa makita pa ang pagmumukha nung dalawa.


Mabilis akong naglalakad sa quadrangle nang biglang maramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at mas lumakas ang pintig ng puso ko. Nagsimula nang umikot ang paningin ko.



Napahinto ako dahil halos matumba na ako sa damuhan. My sight starts to blurry and everything is spinning. Oh no! Di pwede to.



Pinagpatuloy ko ang paglakad ngunit hindi ko na makontrol ang hakbang ko.



"Kuya Zion, Kuya Neon.", tawag ko sa mga kuya ko kahit alam ko namang wala sila rito.



I struggle to keep my breathing in stable. Feeling ko nawawalan na ako ng hanging hihingain. This can't be....



"Mom", I can't breath....



" Dad.."



Nanghina na ako and I know this will get me in trouble. I can't stand anymore. Naramdaman ko na ang pagbigat ng katawan ko and my feet seems to can't handle my weight.



At doon ay hinayaan ko nang bumagsak ang katawan ko.....but then I didn't fell completely.



May humawak sa beywang ko bilang suporta para hindi ako tuluyang bumagsak. Pilit kong inaaninag ang taong yun pero hindi ko na makilala dahil nanlabo na ng tuluyan ang paningin ko.



"I...I can't breath.", I struggled to say those words.



"Shit, Naya! Wake up!", inaalog niya ako pero nanghihina na talaga ako. Bumigat na ang talukap nang mata ko kaya dahan dahan na akong napapikit...



"Damn it! This is why I didn't want you to get angry to your fullest. Pero ayaw mong paawat." rinig ko na ang nag aalalang tono sa boses niya.


Naramdaman ko ang paglagay niya nang isa niya pang kamay sa likod ng mga tuhod ko tsaka niya ako binuhat. Nagsimula itong tumakbo....



Pls, save me... Tanging nasabi nalang ng isipan ko. I'm too weak to open my mouth. Pumatak mula sa mga mata ko ang luha dahil diko na kaya ang sakit. And so there I also lost my consciousness...








Nagising ako na nasa loob na ako ng private room sa  isang ospital. Masakit at mabigat ang ulo ko pero sinikap ko paring idilat ang mga mata ko.



Ang unang nakita ko ay si Kuya Zion sa sofa na nanunuod ng TV.




"Kuya Zion....", mahinang sambit ko pero sapat na para makuha ko ang atensyon niya.


Agad siyang tumayo at lumapit sa kama ko. Bakas ang pag aalala sa muka ng kuya ko pero nginitian niya parin ako.


" How are you feeling, baby girl?", hinaplos niya ang buhok ko.



"I'm feeling thirsty, kuya." parang nanunuyo na kasi ang bibig at lalamunan ko pagkagising.




Mabilis siya kumuha ng tubig at binigay ito saakin. Sinikap kong maupo at inalalayan naman ako ni kuya Zion. Ininom ko ang tubig at tsaka ito ibinalik sakanya.




"Magpahinga ka muna baby, ok?", maalumanay na sambit niya.



" Where's kuya Neon?", feeling ko para akong lasing na nagsasalita dahil bakas parin sa boses ko ang panghihina. Mahina at maalumanay.




"May exam pa siya ngayon. Don't worry, he will be here in no time.", sagot niya.



"Why am I here, kuya? And how did I get here?"



"You lost consciousness at school the other day and we had to send you here. But don't worry everything will be alright. Magpahinga ka muna, ok?"




Tumango lang ako kay kuya at inalalayan niya na akong humiga ulit. Napatingin ako sa ceiling as I tried to remember what happened the other day.




And for some minutes I finally got my memories together. This was Liya and Van's fault. Dahil sakanila nagalit ako ng husto at hindi ko na nakontrol ang naramdaman ko that's why I lost consciousness. And now I'm lying here like a helpless girl.





At dahil doon, kahit alam kong ikakapahamak ko lang ay mas umigting parin ang galit ko sakanila. I can't stop myself from blaming them for everything. I always hate lying on a hospital bed but then I'm here because of them!





I won't ever forget those two commoners.

Someone He LovedWhere stories live. Discover now