Chapter 8

2 0 0
                                    

Matapos ang usapan naming iyon nila Shia at Jewell ay unti unti ko na ring natanggap ang lahat. Hindi ko na ginulo sila Darylle at Liya. I was sorry for everything I've said to Liya back then pero siguro naman maiintindihan niya kung diko kayang magsorry.

Hindi rin naman sila nagsorry nung niloko nila ako. Maybe it's just a tie. Pero there's one person who also received hurtful words from me and I need to say sorry to... Van.

Pero matapos nung gabi ng acqaintance ay hindi ko na ulit siya nakita. Hindi na rin naman kasi siya pumunta sa bahay mula last year nung pinahiya ko siya sa cafeteria about sa birthday celebration niya.

Gusto kong tanungin kila kuya pero masyado kong pinangangalagaan ang pride ko kaya diko rin magawang tanungin. Akala ko nga sasabihin niya ang nangyare din nung acqaintance party namin kaso wala... Walang nalaman sila kuya. I don't know why he keeps on covering me up, but I'm thakful for that.

Dalawang linggo na ang lumipas pero diko parin siya nakikita. Minsan nga hinahanap ko siya sa paligid ko para baka sakaling anjan lang pero wala talaga. Gusto ko na tuloy puntahan siya sa department nila pero nakakahiya naman.

Nilibot ko na ang posibleng puntahan niya pero diko parin siya nakikita. Sa cafeteria, sa likod ng college department, library or kahit saan pero wala. Hindi ko din siya nakikitang nakasabay nila kuya kumain dahil sabi nila kuya may klase daw siya tuwing lunch break.

Iisang bahagi nalang ng school ang di ko pa napuntahan na posibleng puntahan niya. Malabo man pero umaasa parin ako baka sakali lang. Diko rin alam kung bat pumasok sa isip kong puntahan ito ngayon.

Inopen ko ang door palabas sa rooftop. Nabuhayan ako dahil naaninag ko na ang lalaking matangkad, itim na buhok at nakalean sa sementong parang railings ng rooftop. Nakatingin ito sa baba at pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalakad sa baba. Napangiti ako habang tinititigan ang likod ni Van.

Ito ang building na katabi ng building naming senior high at 5 stories  ito kaya sakto lang para magkaroon ng magandang view sa ibaba.

Tumabi ako dito nang hindi niya napapansin. Inabot ko sakanya ang frappe na binili ko tsaka siya napatingin dito. Tumaas din ang paningin niya at napunta sakin. Mukang nagtataka  siya kung bat ko inaabot ito sakanya.

"Peace offering.", sambit ko.

Saglit siyang tumitig lang saakin. Maya maya ay tumingin lang ulit siya sa baba at binalewala ang binibigay ko. Ugh! This guy is really something!

" For what?", biglang tanong niya.

"Uhh.. for what I've said to you before?", medyo sarkastiko ang tinig ko.

"You don't have to. Everything you've said before was right, Naya.", tinitigan ko ang kabuuan niya. He looks so sexy in his white laboratory gown. Ngayon ko mas na appreciate ang kagwapuhan at kung gaano siya katangkad.

"Just accept it! Com'on Van, while I'm still in my mood."

Ngumisi siya kaya napagmasdan ko ang pagtaas at pagbaba ng Adam's apple niya. That looks so freakin' sexy!

"I said you don't have to Naya. And...", tintigan niya saglit yung frappe na hawak ko.
" I'm allergic to expensive things.", tuloy niya tsaka tumalikod at naglakad.

"This isn't expensive--Hoy--Van!! Aish!!!", napasipa ako sa floor kahit wala namang meron dun dahil sa inis. Iniwan niya lang ako rito at nireject niya pa ang peace offering ko! Bwisit na lalaking yon.

***

"Naya, I heard binusted mo na si Bruce? What happened?", biglang sambit ni Kuya Neon habang kumakain kami ng hapunan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Someone He LovedWhere stories live. Discover now