Chapter 3

5 2 0
                                    

The next day inihanda ko na ang sarili ko na mapaglitan dahil malamang by now nasabi na ni Van kay Kuya Zion kung anong nangyare kahapon.

Sabado ngayon at sinadya kong tanghali na  bago bumaba. Natatakot akong mapagalitan ni kuya Zion and even kuya Neon pag nalaman kung ano ang nangyare.

Pagkababa ko ay nagulat ako sa reaksyon nila dahil binati kaagad ako ni kuya Neon. Nabawasan ang kaba ko pero naisip kong baka talaga lang na hindi ako pinagalitan ni kuya Neon dahil mabait naman siya saakin.

Nagtungo ako sa kusina at nandon si Kuya Zion naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Goodmorning, Princess. Kain kana, tinanghali kana ng gising ah.", nakangiting bati ni Kuya.

Nagtaka ako. Hindi ba nila alam? Pero imposible. Umupo ako sa harap ng dining table at nagsimulang kumain ng paunti unti.

"Van told me..."

Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Van really told him!!

"That you broke up with Drew yesterday"

"Huh?", I was shocked. Yun ang sinabi niya?
But why wouldn't he tell them what happened?

" Uhh yeah", sagot ko nang mapansing parang nag aantay si kuya ng sagot ko.

Tuwang tuwa si kuya Zion dahil sa nakumpirmang break na kami ni Drew. Ganon din si Kuya Neon.  At sa sobrang tuwa nila ay inaya nila akong magshopping at libre daw nila.

I felt guilty for what I have said to Van yesterday. But why did he cover me up? I deserved to be scolded somehow pero hindi nangyare dahil di niya ito sinabi kila kuya.

Matapos namin kumain ay naligo na ako para sa shopping namin.

"No! There's no way I would buy you that.", angil ni kuya Zion matapos kong lumabas ng dressing room.

Andito na kami sa mall at nagtungo agad kami sa paborito kong botique which is B.U.M. Kumuha ako ng mga damit na gusto kong bilhin pero sabi nila kuya ay titignan muna daw nila kung ok sakin kaya eto ako ngayon kakatapos isuot ang ikaapat nang outfit na kanina pang inaayawan ni kuya Zion.

I'm wearing now a white short shorts na may mga rips. At dahil conservative ang kuya ko ay ayan nagtatantrums na.

"Kuya I'm a big girl now. I have to go with the fashion trends.", sabi ko.

" Pero wag ganyan kaikli, Naya. Halos lumabas na ang kaluluwa mo jan e. Tsaka ano yang sandong yan? Kitang kita kili kili mo.", sabat ni kuya Neon. Tss, isa din pala.

Sumimangot lang ako sakanila tsaka kinuha ang inabot niyang damit na siya ang pumili. It was a jacket dress. Pumasok ulit ako ng dressing room at isinuot ito.

"Yan, better than those revealing outfits.", nakathumbs up pang sabi ni kuya Zion.

Tinignan ko ang sarili ko. Black jacket ito pero medyo manipis lang naman tapos may hoodie. Abot siya halos hanggang tuhod ko. At may print na B.U.M tapos scull sa baba nun. Well, it's cute.

Wala akong nagawa kundi ang hayaan nalang silang mamili para sakin dahil bawat ipapakita ko sakanila ay aayawan naman nila. God, walang silbi ang sinabi nilang ililibre nila ako dahil sila din naman pala ang mamimili!

Nilibot namin ang iba't ibang botiques sa mall na to kaya andami na naming nabiling damit ko. After kong ipamili nila ay sila naman daw. Nagtungo kami sa store ng Fila Shoes.

Pagpasok namin binati agad kami ng sales lady at halos mapunit na ang bibig niya kakangiti sa dalawang kuya ko. Girl, you're not their type. Sunod lang ito ng sunod saamin.

Someone He LovedWhere stories live. Discover now