Chapter 6

5 0 0
                                    

"Hello, Naya? Asan kana, magsisimula na ang party." bungad saakin ni Jewell pagkasagot ko ng tawag.

"Papunta na.", sagot ko sabay suot ng high heels ko.

"Kayo nalang ni Bruce ang hinihintay dito."

"Ok, comin'... bye!", pinatay ko ang telepono tsaka pumunta sa harapan ng salamin.

Nakacocktail dress ako ngayon ng kulay red tapos heels na black. Nakacurl ang dulo ng mahaba kong buhok at maayos din ang make up.

It's our acquaintance party ngayon ng grade 12 at ang date ko ay si Bruce na nanliligaw saakin. Well, marami silang nag aya pero si Bruce ang pinili ko dahil siya ang pinakabongga sakanilang lahat. I can't miss this acquaintance party dahil first time ko ito. Last year kasi hindi ako nakaattend dahil naospital ako.

Naghihintay na saakin si Bruce sa baba gamit ang kotse niya kaya dali dali akong bumaba ng hagdan. Nauna nang nagpunta ang mga kuya ko dahil acquaintance party din ng college department ngayon, nga lang iba iba ang venue namin.

"Hey", matamis ang ngiti ni Bruce saakin habang nakatingin sa kabuuan ko. " You look gorgeous!"

Pinagbuksan niya ako pintuan tsaka ako pumasok ng kotse. It was a red Aston Martin DBS Superleggera Volante. And it's so freakin' gorgeous.

"You too. ", nakangiting sabi ko while staring at the car. Medyo nalungkot ang itsura ni Bruce kaya nginitian ko siya tsaka kinindatan.
" Let's go?"

Pagkarating namin ng school ay puno na ng estudyante ang covered court ng high school. Everyone was prepared. They're in their shiny glittering dresses with their heels tapping the ground.


Isinakbit ko ang kamay ko sa braso ni Bruce. Pinagtitinginan kami ng mga tao mula pagbaba namin sa kotse hanggang sa paglakad namin. I can see their amazed and envious  eyes  while staring at us.


Manliligaw ko palang si Bruce pero alam na kasi ng lahat siya ang balak kong sagutin dahil siya ang pinakanakakalamang sa lahat ng manliligaw ko. Syempre nagalit si Kuya Zion but wala na siyang magagawa.



"You're so gorgeous, Naya.", papuri ni Kino pagkarating namin sa table nila. There's Shia, Jewell, Kino, Gab and of course me and Bruce.



Nginitian ko sila tsaka umupo. Inikot ko ang paningin ko sa buong covered court. Puno ito ng designs at medyo madilim dahil dim light lang ang nagsisilbing ilaw. It's a party afterall.


Everyone was praising me for how gorgeous I am tonight in my red cocktail dress. 


Naging maayos ang takbo ng party hanggang sa pumatak na ng 10 ng gabi ay nagsimula na silang maglabas ng wines which is everyone was waiting for.


"I'm gonna be wasted tonight." nakangising sambit ni Shia habang tinititigan ang wineglass niya na may lamang red wine.


Paunti unti ang pag inom namin ng wine hanggang sa parami na ng parami. Nagiging wild na rin ang mga tao dahil kitang kita na ito sa way ng pagsayaw nila ng rock music sa gitna ng covered court where the dance floor is.



Inaya nila Kino at Gab sila Shia at Jewell para sumayaw. Inaaya rin ako ni Bruce pero ayoko. Nung una ay rock music pala pero maya maya ay naging slow na ito kaya bumalik na sila Shia.



"Hooooh, nawala ata tama ko dun ah." sambit ni Jewell pagkaupo niya.



Napatingin ako sa dance floor kung saan sila galing. Nakangiti akong nakatingin sa mga nagsasayaw ngunit napawi ito nang maaninag ko kung sino ang nasa gitna na pinagtitinginan ng mga tao. Actually, pinapalibutan na nila na parang santo ang mga ito sa paningin ng mga tao.



Someone He LovedWhere stories live. Discover now