Isang buwan ang lumipas mula nung birthday ni Van. And two weeks ago nakilala ko si Drew na naging isa sa mga suitor ko. Kahit kabilin bilinan ni Kuya Zion na wag ako magbboyfriend ay hindi ko parin sinunod.
Drew Maris is a son of a rich business man in our town. They own a beach resort next to ours kaya that's a plus points for him.
"Will you be my girlfriend?", tanong niya habang nasa tapat kami ng mall. May dala siyang boquet at maraming chocolates tapos may mga inutusan pa siyang humawak ng mga balloons na nakalagay ang bawat letra ng pangalan ko.
That's a surprise. Dumami na ang mga tao sa paligid namin sa labas ng mall. Kakagaling kasi naming nagsine. Napansin kong may mga nagpipicture na rin saaming mga tao. How can I say no to these many people around us?
"Yes", sagot ko tsaka siya tumakbo para yakapin ako at halikan ng mabilisan sa lips.
Tuwang tuwa siya sa naging sagot ko. Well, I'm happy too dahil siya ang pinakamayaman sa apat na manliligaw ko at napagpasyahan kong siya na ang piliin kong sagutin.
Pagpasok ko kinaumagahan ay naging usap usapan na ang naging surpresa saakin ni Drew kahapon at ang pagsagot ko sakanya ng Yes, kaya naman nang lunch break na ay nakita ko si Kuya Zion na papalapit saakin hawak hawak ang phone. Halatang galit na galit.
Nasa quadrangle kami sa pagitan ng college department at SH building habang papalapit si kuya.
"What is this, Naya?!! Akala ko ba sinabi ko na sayong bawal ka munang magboyfriend?", malakas na sigaw niya saakin habang ipinapakita ang post sa facebook ang picture namin ni Drew sa tapat ng mall kahapon. Nasa city news ito at ang headline ay " The City Mayor's only daughter got a boyfriend again?"
" But Kuya, I never said yes to your request.", sabi ko.
"Don't you know that Drew is taking weeds, Naya?!!! For God's sake!"
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya dahil I didn't know that. Pero hindi ko nalang pinansin masyado dahil I think siguro chismis lang yon. O kung totoo man ay babaguhin ko nalang siya.
I didn't broke up with Drew kahit na hindi na ako pinapansin ni kuya dahil sa pagmamatigas ko. Hihintayin ko nalang na humupa ang galit niya. I know he couldn't resist me as time pass by.
Dumaan ang dalawang linggo mula nung sinagot ko si Drew. At naging ok naman kami. Hindi na rin ako sumasabay kila kuya kumain ng lunch dahil si Drew na at dalawang kaibigan ko ang nakakasama ko.
"Drew are you ok?", tanong ko pagkalabas namin ng building dahil parang kanina pa siyang hindi mapakali.
" I'm ok. Look, Naya. I really wanna take you to a date. "
Medyo nag alangan ako sa sinabi niya dahil this past two weeks puro kami date halos every hapon. Punta sa resort nila o kaya naman sa mall at bibilhan niya ako ng mga gifts.
"Drew kasi--"
"Plss?", nagpuppy eyes siya.
"O-ok", sagot ko.
Sa totoo lang medyo nauumay na din akong kasama siya dahil kinakain niya naman na ang lahat ng oras ko. Well, he's a good boyfriend at masaya kausap. Galante din kaya natutuwa ako sakanya pero nasobrahan ata sa pagkagalante ay halos araw araw na kaming lumalabas. Minsan pag weekends pa nga halos gabihin na kami ng uwi.
"Naya, where are you going?", tanong ni Shia saakin kasama niya si Jewell.
" A date", sagot ko.
"Again?? Hey Drew pagpahingain mo naman si Naya. Halos araw araw na nga kayong magkasama.", sabi ni Jewell.
" She's my girlfriend. I have every right to do so at wala kayong pakealam dun.", sagot ni Drew na medyo ikinabigla ko dahil rude siya sa sinabi niyang yon.
YOU ARE READING
Someone He Loved
RomanceNaya Ysobel Meaker is born in a very wealthy family. Her father is the Mayor of their city and her mother is a business woman. She had the perfect life. All the things she wanted was given to her, she has a fine family and also she has the beauty. S...