"Its been 10 years, pero bakit andito pa rin yung sakit?" - Eril
Ang Arriet ay isang maliit na nayon sa bayan ng Sarita. Isang nayon na hindi mo aakalaing nag eexist sa mundo. Animoy isang scenery ito sa isang palabas, malilinis na kalsada. May mga luntiang puno sa gilid at may burol sa hindi kalayuan. Napakatahimik sa lugar na ito at napakadalisay ng hangin. Humigit kumulang anim na daan lamang ang pamilyang nakatira dito.
"El gumising kana!" sigaw ni Mrs. Montero sa anak nito.
"Ma, its too early!" sagot ng bata.
"Elizabeth Jane Montero!" sigaw ng ina.
"First day ng school, anong its too early?" dagdag pa nito.
Napabaligwas sa kama ang walong taong gulang na si Elizabeth, nakalimutan niyang first day of school ngayong araw. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto, naligo at kumain.
"Ma, alis nako" aniya ni El.
"Sige, El please mag behave ka sa school" pagmamakaawa ng ina.
Ilang beses na kasing napatawag ng Head of the School si Mrs. Montero sa kapasawayan ni El. Sabi nga ng iba, tomboy daw siguro itong si El.
"Ok ma" sagot nito.
Paglabas ng bahay, kinuha ni El ang kanyang bisekleta at umalis na.
"Bye baby, be a good girl" sabi ng isang babae.
Subalit walang sagot ang tahimik na batang babae.
"Here's your bike, ingat sa daan" dagdag nito.
Sumakay ang bata at umalis.
"Stella?" isang pagtawag habang nagbibisekleta ang nasabing bata.
"Elizabeth?" sagot ng bata.
"Papunta ka na bang school?" tanong ni El.
"Oo" sagot ni Stella.
"Sige, sabay na tayo" tugon ni El.
Subalit walang naging sagot ang bata.
Nakarating sila sa school na walang pinag usapan. Napasobra sa katahimikan si Stella, kaya pagdating nila sa school ay iniwan na siya ni El.
Pagpasok ni Elizabeth sa may gate ng school ay nakita niya ang dalawa niyang kalaro na sina Emerald at Hera.
"Em? Hera?" tanong nito.
"El?" sagot ng dalawa.
Nagtawanan sila at nag usap. Dumaan sa tabi nila si Stella pero parang hangin lamang ito, walang nakakita. Tumunog ang bell ng school kaya't dali daling nagtatakbo ang tatlo.
"Sige kita kita nalang tayo mamaya" saad ni Hera.
"Ok" sigaw ng dalawa.
Nagmamadaling pumasok si Elizabeth sa isang classroom. Nakita niya dito si Stella, nakaupo at walang imik. Aniyang lalapitan ito ng sa magkabilang pinto ay pumasok si Emerald at Hera.
"Anong ginagawa niyo dito?" sabay sabay na tanong ng tatlo.
"Grade 3 Moonlight ang section ko" sagot ni Emerald.
"Ako din" saad ng dalawa at pagkatapos ay nagtawanan sila.
It was the first day of school sa Arriet Primary Academy. Ang nag iisang elementary school sa Arriet.
"Hi? I am Stella Clarineth Ruiz, I am seven years old" pagpapakilala ni Stella sa unahan. Si Stella ay isang maliit na batang babae, medyo may katabaan, maputing mga balat at may bangs.
"Thank you, Stella" aniya ni Mr. Dan, ang kanilang adviser.
"I am Emerald Rose Arellano, eight years old from the Town of Arriet" confident na saad ni Em. Si Emerald ay isang bibo na bata at mahilig magsuot ng magagarang mga damit. Nais niya daw sumali sa mga pageant.
"Elizabeth Jane Montero, eight years old" pagpapakilala ni El. Si Elizabeth ay isang batang babae na medyo may pagka boyish.
"Hi everyone, I am Hera Astia Padilla, seven years old" aniya ni Hera. Si Hera ay isang matalinong bata, nakasuot siya ng mga salamin sa kadahilanang nanlalabo na ang paningin nito sa pagkahilig sa mga libro.
Isang batang babae ang dali daling pumasok dahil sa late na ito.
"At dahil late kana, introduce yourself first" saad ni Mr. Dan.
"Hi?" saad ng batang babae.
Biglang humalakhak ng malakas ang batang lalaki sa likod. Natawa ito dahil kita sa mukha ng batang babae ang kaba na pinagpawisan na ito.
"You're next" turo ni Mr. Dan sa batang lalaki.
"I am Deiz Haeril Luxjad, eight years old" mabilis na pagsasalita ng batang babae. Si Eril ay sporty na bata at malakas ang pangangatawan.
"Hello mga classmates? I am Lei Reichstag Malino, seven years old" natatawang saad nito. Si Lei ay isang makulit, palabiro at bibong bata.
Natapos ang pagpapakilala ng lahat ng biglang may pumasok na babae. May kasama itong batang lalaki na umiiyak.
Kinuha ito ni Mr. Dan at dinala sa unahan."Introduce yourself" saad nito sa batang lalaki.
Walang kibo ang bata, nagulat ang lahat ng kumuha ito ng isang malaking notebook at pentelpen sa bag nito. Nagsulat ito sa notebook at ipinakita sa mga kaklase.
Ang nakasulat dito ay "Hello? My name is Tim Karl Wang."
Nagsulat muli ang bata.
"I am eight years old and you can call me Tim, if you wanted."
Biglang tumayo si Lei at nagsalita " You can call me Lei, if you wanted" sabay thumbs up kay Tim.
Tumayo din si Emerald " You can call me Em, if you wanted" sabay thumbs up.
Ganun din ang ginawa ni Hera, El, at Eril.
Pero nagulat sila ng tumayo si Stella at nabubulol na nagsalita " You call, You can me, You can call me Telly" saad nito.
Nagtayuan ang ibang bata at nagthumbs up din. Pagkatapos noon ay tumunog ang bell na hudyat ng break time. Nagtakbuhan palabas ang mga bata, ganun din si Tim papunta sa isang babae.
"Nagsasalita ka pala" birong saad ni Lei kay Telly.
"Telly?" dagdag nito.
"May bibig ako, kaya OO" sagot nito.
Malakas na pagtawa ang pinakawalan ni El ng marinig nito ang sagot ni Telly.
"Pilosopo ka din pala" natatawang sabi ni El kay Telly.
"El tayo na sa canteen" anyaya ni Em.
"Nagugutom na ako" dagdag pa nito.
"Kelan ka ba nabusog?" tanong ni Hera.
"Oo nga, palagi nalang kita nakikitang kumakain" singit ni Eril.
"Alam niyo grabe kayo sa akin" naiiyak na sagot ni Em.
"Hali na nga kayo" saad ni Telly.
"Libre mo ba?" tanong ni Em.
"Oo, libre amoy" sagot ni Telly.
"Madamot ka!" sigaw ni Em.
"Pwede ba sumama?" tanong ni Lei.
"Oo naman, if you wanted?" sagot ni Hera na may halong pang aasar.
Lumabas papuntang canteen ang anim. Puno ng kwentuhan, kulitan at tawanan habang nasa daan.
(END OF CHAPTER 1)
BINABASA MO ANG
Kakurenbo
Teen FictionAng Arriet ay isang maliit na nayon sa bayan ng Sarita. Isang nayon na hindi mo aakalaing nag eexist sa mundo. Animoy isang scenery ito sa isang palabas, malilinis na kalsada. May mga luntiang puno sa gilid at may burol sa hindi kalayuan. Napakatahi...