Hideout of the Moon

9 0 0
                                    

"El, mamayang gabi?" sigaw ni Hera habang tumatakbo papalayo.

Tapos na ang unang araw sa Arriet Primary Academy. Maraming mga bata ang nagtatakbuhan pauwi at yung iba naman kinukuha ang kanilang mga bisekleta.

"Bat kasi ngayong araw pa?" naiinis na sabi ni Em.

Napasama kasi siya sa monday cleaners at dahil dun hindi pa siya makauwe dahil kailangan muna nilang maglinis.

"Maglinis ka nalang hindi tayo matatapos nito eh" sagot naman ni Lei. Napasama din ito sa monday cleaners kasama ang tatlo pa.

"Tumakas nalang kaya tayo?" tanong ni Em na may ngiti sa mga labi.

"Preso ka ba? Konti nalang tapos na tayo" sagot ni Lei.

"Hindi na ako makakasama nito kina El eh" dabog na saad ni Em.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Lei.

"Doon sa nag iisang puno sa tuktok ng burol" sagot nito.

"Yung madaming alitaptap?" tanong ni Lei.

"Yup!" sagot ni Em.

"Hindi ba kayo natatakot?" tanong ni Lei.

"Saan? Sa puno? Eh ilang taon na kaming napunta dun!" sagot ni Em na may nagmamalaking mukha.

"Sasama ako sa inyo!" sigaw ni Lei.

"Bahala ka" sagot ni Em.

Si El at Hera ay nasa ibaba na ng burol at naghihintay kay Em. Mag aalas sais na ng gabi pero wala pa rin ito. Subalit hindi na sila naninibago, palagian kasi itong late kung dumating.

"Sorry na late ako kasi..." hindi naituloy ni Em.

"Kasi kumain pa ako" dugsong ni El at Hera.

"Oo" sagot ni Em habang nakatingin sa baba.

"Palagi naman" tawang saad ni Hera.

"May kasama nga pala ako" saad ni Em.

"Hi?" bati ni Lei.

"Tara na, bago pa tayo abutin ng lalim ng gabi" sagot ni El.

Naglakad sila paakyat sa burol. Hindi naman ito ganun kadelikado. Maraming mga bata ang umaakyat dito tuwing umaga kaya gabi naisip nina El pumunta dito para solo nila ang burol. Ang ibang mga bata ay naglalaro sa ibaba ng burol tuwing gabi. Hindi ganun nababahala ang mga nakakatanda dahil ang Arriet ay ligtas at tahimik na lugar.

"Andito na tayo" sigaw ni El sabay takbo papunta sa ilalim ng puno.

Gulat na gulat si Lei, unang beses niya lang nakita ang nasabing puno. Nag iisa ito sa tuktok ng burol at napupuno ito ng maliliit na liwanag. Napakadaming alitaptap na lumilipad at nagpapakinang sa puno.

"Wow!" saad ni Lei.

"Anong nakakatakot sa punong ito?" tanong ni Em kay Lei.

"Wala, napakaganda!" manghang sagot ni Lei.

"Ilang taon na din kaming nagpupunta ditong tatlo" singit ni Hera.

"Pero alam kong hindi lang kami ang nagpupunta dito tuwing gabi" dagdag pa nito.

"Hindi namin alam kung sino ang pumupunta dito?" dagdag ni El.

"May nakikita kaming mga balat ng kendi at yapak tuwing pumupunta kami" dagdag pa ni El.

"Kaya kami ang naglilinis" naiinis na sabi ni Em.

"Pero hayaan nalang natin kung sino man yun" sagot ni Hera.

Naupo ang apat sa ilalim ng puno. Pinagmamasdan ang ganda at kinang ng puno. Nagkwentuhan sila at naglaro ng habulan sa paligid ng puno.

Samantalang nakatitig lamang sa bintana ng kanyang kwarto si Tim. Madilim ang kwarto, walang bukas na ilaw. Nakatitig lamang siya sa bintana hawak ang isang kahoy. Nang makita niya ang liwanag ng buwan na tumama sa gilid ng burol. Natakpan ng mga ulap ang buwan at ang liwanag na kumawala ay tumapat sa isang parte ng burol. Tuwang tuwa si Tim at dagliang bumaba ng kama at lumabas ng bahay ng walang nakakapansin.

"Stella can you put this outside?" tanong ni Mrs. Ruiz na may hawak hawak na trash bag.

"Sige po" kinuha ni Telly ang bag at lumabas ng bahay.

Nagulat si Telly ng makita niya ang liwanag ng buwan sa may burol. Hindi rin naman ganun kalayuan ang burol sa bahay nila kaya naisip niyang puntahan ito. Ibinaba niya ang hawak na bag at nagtatakbo papuntang burol.

"Telly?" tanong ni Eril sa sarili ng makitang tumatakbo si Telly.

"Telly!" sigaw pa nito.

Pero parang hindi siya naririnig nito. Galing si Eril sa tindahan at naisip niyang hindi pa naman ganun kalalim ang gabi. Kaya naisip niyang sundan si Telly. Tumakbo si Eril kasunod ni Telly, sigaw siya ng sigaw pero hindi ito nakikinig. Nakita niya ang liwanag ng buwan na tumama sa parte ng burol kaya naisip niyang baka dun pupunta si Telly.

"Hera ano yun?" tanong ni Em.

"Alin?" tugon ni Hera.

"Ayun!" sigaw ni Em habang nakaturo sa liwanag ng buwan.

"Puntahan natin" sagot ni El.

"Hindi ba kayo natatakot?" tanong ni Lei.

"Tara na" saad ni El sabay hawak sa kamay ni Lei at hinila papatakbo.

Naunang dumating si Tim sa lugar na tinamaan ng liwanag ng buwan. Biglang sumulpot si Stella na pagod na pagod. Maya maya ay dumating din si Eril.

"Ambilis mo tumakbo Telly" saad ni Eril.

Hindi na nakapagsalita si Stella ng biglang dumating ang apat. Halos madapa si Lei dahil sa bilis ng takbo ni El. Hindi siya binitiwan nito hanggang sa makarating sila sa lugar na iyon.

Isang abandonadong tree house ang nakita nila dito. Halatang napakatagal na nito dahil sa mga kalumaan ng mga kahoy at may mga sapot na ito ng gagamba.

"Ano ginagawa niyo dito?" tanong ni El.

"Nakita ko yung liwanag ng buwan kaya pinuntahan ko" sagot ni Stella.

"Sinundan ko lang si Telly, nakita ko kasi siyang tumatakbo" sagot naman ni Eril.

"Ikaw?" tanong ni Hera kay Tim.

Subalit wala itong naging imik.

Unti unting kumalat ang liwanag ng buwan. Nawala ang mga ulap na tumatakip sa buwan. Ang liwanag ng buwan ay bumalot na ngayon sa buong burol. Napatingala ang pito at tumingin sa bilog nabilog na buwan.

"Malalim na ang gabi, umuwe na tayo" saad ni Lei.

"Hindi ba tayo aakyat sa tree house?" tanong ni Em.

"Hindi, mukhang delikado na yan" sagot ni Hera.

Biglang tumalikod si Tim at nagsimulang maglakad pababa ng burol. Wala itong sinabing kahit na anong salita at hindi nagpaalam sa mga kasama.

"Halika na, Telly uwe na tayo" saad ni Eril.

"Sige" sagot ni Stella at bumaba na din sila ng burol.

"Uwe na din ako El" aniya ni Hera.

At bumaba na rin ng burol ang apat.

(End of Chapter 2)

KakurenboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon