"So kelangan pa nating ayusin tong hideout natin?" tanong ni Em.
"Yes, at tatawagin natin tong THE HIDEOUT" sigaw ni El.
"Ampangit naman po" tawa ni Lei.
"Makatawa ka eh wala ka ngang maisip" inis na sagot ni El.
"Eh kung HIDEOUT nalang" sagot ni Lei.
"Inalis mo lng yung THE" gigil na sagot ni El.
Biglang dumating si Eril at Telly sa lugar kung nasaan sina El. Lumapit ang dalawa sa apat na nagtatalo sa ipapangalan sa tree house.
"Hey, kayo pala" bati ni Hera.
"Gusto namin tumulong" sagot ni Eril.
"Sige, nag iisip nga kami ng pwedeng ipangalan dito eh" tugon ni Hera.
"Hideout of the moon" mahinang tinig mula sa may puno.
Natakot ang magkakaibigan at nagtakbuhan sa ibaba ng tree house.
"Sino ka?" tanong ni Lei.
"Hideout of the moon, ang pangalan niyan" sagot ni Tim na nakaturo sa tree house.
"Nagsasalita ka pala" gulat na tanong ni Em.
"Natural may bibig siya eh" sagot ni El.
Lumapit si Tim sa isang puno at inalis ang mga makakapal na damo na nakabalot dito. Isang kahoy na karatula ang nakasabit dito. Mayroon itong nakasulat na mga salita.
"Hideout of the moon, where the only place on earth the moon hide."
"Not bad, maglinis nalang tayo" aniya ni Telly.
Natapos ang buong maghapon ng pito sa paglilinis ng tree house. Napag usapan nilang bumalik doon kinabukasan upang opisyal itong buksan para sa kanilang pito.
"Ako si Deiz Haeril Luxjad, isang miyembro ng Moon Warrior" saad ni Eril.
"Ako si Stella Clarineth Ruiz, isang miyembro ng Moon Warrior" saad ni Telly.
"Ako si Lei Reichstag Malino, isang miyembro ng Moon Warrior" saad ni Lei.
"Ako si Tim Karl Wang, isang miyembro ng Moon Warrior" saad ni Tim.
"Ako si Elizabeth Jane Montero, isang miyembro ng Moon Warrior" saad ni El.
"Ako si Emerald Rose Arellano, isang miyembro ng Moon Warrior" saad ni Em.
"Ako si Hera Astia Padilla, isang miyembro ng Moon Warrior" saad ni Hera.
Sabay sabay silang nagtawanan ng matapos na silang lahat na makapagsalita. Biglang namigay ng papel si Eril sa anim.
"Para saan to?" tanong ni Telly.
"I want you to write your wishes on that paper" sagot ni Eril.
"Then?" tanong ni Em.
"Then after 10 years, we will open this jar, kasi dito natin yan ilalagay" sagot ni Eril.
"Ok, I'll go for it" sagot ni Lei.
"What if hindi tayo umabot on that 10 years after?" tanong ni Hera.
"Aabot yan" sagot ni Eril.
"Or someone will open it for us" singit naman ni Tim.
"By the way, bakit ka nga pala nagsulat sa notebook nung nagpakilala ka?" tanong ni Lei.
"It was nothing" sagot ni Tim.
"Para magpapansin lang ba yun?" dagdag pa ni Em.
"Em watch your words" sagot naman ni El.
"No, its ok" sagot ni Tim.
Natapos na sila sa pagsusulat at inilagay nila iyon sa isang jar. Sinaraduhan nila ito at hinawakan ng tig iisa nilang kamay. Kinuha ito ni Eril at nilagay sa itaas na parte ng tree house katabi ang kahoy na may nakasulat na Hideout of the moon.
"So pano? linggo bukas?" tanong ni El.
"Punta tayo ng Mt. Arriet?" sagot ni Em.
"Oo nga!" sigaw ni Hera.
"Sige bukas ng umaga dito ang tagpuan sa Hideout?" tanong ni Lei.
"Ok" sagot ni Telly.
Bumaba na ang pito ng burol ng magkakahawak kamay. May mga panahong tumatakbo sila pababa ng mabilis at bigla namang babagal. Puro hiyawan at tawanan nila ang naririnig sa buong burol.
Kinabukasan nagtagpo ang pito sa may tree house para pumuntang Mt. Arriet. Ang Mt. Arriet ang nag iisang bundok sa lugar nila. Sinadya ng pitong itaon sa araw ng linggo ang pagpunta dito sapagkat sarado ito para sa mga turista at walang nagbabantay sa gate nito papasok.
"Bat kasi ngayon pa umulan" inis na saad ni Em.
"Ngayon pa ba tayo hindi tutuloy eh andito na tayo?" sagot ni El.
Pagpasok nila sa gate ay sinundan nila ang trail paakyat sa tuktok ng bundok. Walang tao roon kaya mabilis lamang silang nakapasok kahit bawal. Madulas ang trail at mayroon namang mabatong parte. Nagpatuloy pa rin ang pito na sa daan ay nagkekwentuhan pa at nagtatawanan.
Narating nila ang tuktok ng Mt. Arriet. Napakaganda, walang kasing ganda. Lahat sila ay namangha sa nakita. Subalit biglang kumidlat at bumuhos ang napakalakas na ulan.
"Bumaba na tayo" sigaw ni Eril.
Habang pababa sila ay nadulas si Telly sa trail na nagresulta sa pagkahulog niya sa matarik na bundok. Nakapitan siya ni Tim at hinawakan naman ni El si Tim.
"Kumapit ka Telly, wag kang bibitaw" saad ni Tim.
"Natatakot ako Tim" sagot ni Telly habang umiiyak.
Malakas ang ulan at masyadong madulas. Nagtulungan sila at naiahon si Telly subalit sa pagkapwersa ni Tim ay siya namang nahulog kasama si El. Napakapit ang dalawa sa mga damo. Inabot ni Lei ang kamay ni El at pilit na inaabot ni El ang kamay ni Tim. Napaupo si Eril sa sobrang takot na nararamdaman. Wala siyang magawa at hindi niya maikilos ang kanyang mga paa.
"Eril tulungan mo kami" sigaw ni Em.
Subalit walang maramdaman si Eril sa kanyang katawan kundi ang takot.
"Tim abutin mo ang kamay ko" sigaw ni El.
"Hindi ko kaya" sagot ni Tim at biglang nakabitaw ito sa hinahawakan niyang mga damo.
Nahulog at nagpaikot ikot si Tim at tumama ang kanyang mukha sa isang puno.
"Timmmmm..." sigaw ni El at nakabitaw din ito sa kamay ni Lei.
Nahulog si El at napatama ang ulo nito sa isang bato.
"Ellll..." sigaw ni Lei.
Humagulhol sa pag iyak si Telly at dali daling nagtatakbo pababa sa kinalalagyan ng dalawa. Nagmamadali namang bumaba ng bundok si Lei upang humingi ng tulong.
"El? Can you hear me?" umiiyak na saad ni Hera.
"Please wake up" dagdag pa ni Em.
"Tim I am sorry" paulit ulit na sinasabi ni Telly habang umiiyak.
"Can someone help us please" sigaw ni Hera.
"Please" sigaw ni Telly.
Hawak ni Eril ang kanyang bibig at walang tigil sa pag iyak.
(End of Chapter 3)
BINABASA MO ANG
Kakurenbo
Novela JuvenilAng Arriet ay isang maliit na nayon sa bayan ng Sarita. Isang nayon na hindi mo aakalaing nag eexist sa mundo. Animoy isang scenery ito sa isang palabas, malilinis na kalsada. May mga luntiang puno sa gilid at may burol sa hindi kalayuan. Napakatahi...