Fireflies

2 0 0
                                    

Sa pagsunod ng lima sa mga yapak na nakita nila ay dinala sila ng mga ito sa nag iisang puno sa tuktok ng burol. Biglang natabunan ng mga ulap ang buwan. Nawala ang mga yapak sa lupa.

"Hera, tingnan mo ang puno" aniya ni Em.

"Anong lugar to?" tanong ni Eril.

Si Telly at Eril ay hindi pa nakapunta sa punong ito kaya wala silang alam sa kung ano ang nangyayari.

"Ang mga alitaptap" tugon ni Lei.

"Bakit? Gabi na subalit, bakit walang mga alitaptap" sagot ni Hera.

Isang madilim na parte ng burol ang kinatatayuan nila ngayon. Walang kahit isa na alitaptap ang makikita kumpara dati na nagliliwanag at kumikinang ang puno.

Nagulat ang lima ng biglang may lumabas na dalawang bata sa likudan ng puno.

"El?" tanong ni Em.

"Tim?" dagdag pa ni Telly.

Lumabas ang dalawa sa likudan ng puno, nakangiti subalit may luha sa kanilang mga mata.

"Em, your wish was granted" aniya ni El.

"What do you mean El?" tanong ni Em.

"I am your sister, maybe not by blood but sister in heart" sagot ni El.

Napaluhod si Em at humagulhol sa pag iyak. Lumapit sa kanya si El at hinawakan ang kanyang mukha.

"Don't cry Em, look at you, you are grown up" aniya ni El.

Subalit patuloy pa rin sa pag iyak si Em. Umupo sa tabi niya si Eril at hinawakan ang kanyang kamay.

"You are all grown up" singit ni Tim.

"Tim!" sigaw ni Telly sabay yakap sa batang Tim.

"I miss you so much" dagdag pa nito.

"We don't have much time" pagputol ni El.

"What?" tanong ni Lei.

"Your wishes was already granted" sagot ni Tim.

"How about yours?" tanong ni Hera.

"Hi? My name is Elizabeth Jane Montero and I am eight years old. When Eril gave us those papers noong una wala akong maisip. Ano nga bang wish ko? Ano nga bang gusto ko? Then I come up with I wish na sana we can watch this tree glowing with fireflies all together. Look it's happening na, we are all here, standing in front of the tree" aniya ni El.

"Hi? I am Tim Karl Wang and I am eight years old also. The first day of school was the best day for me. I am not mute , I am just lack of confidence kaya hindi ako nagsalita sa unahan. And if you are wondering Em and Hera if sino yung pumunta dito at nag iiwan ng balat ng kendi the answer was me, ako yun. I am sorry kung kayo pa nagliligpit nun. At yung wish, actually nung binigay sa akin ni Eril yung paper, hindi ko yun sinulatan until now walang sulat yun, bukod sa pangalan ko. But right now, I am holding this paper at isusulat ko kung ano ang wish ko. I love you Telly, Eril, Lei, Em, Hera and El. Mahal ko kayong lahat. Lagi niyong tandaan that we are the Moon Warriors and we will fight forever" aniya ni Tim.

Ang lahat ay umiiyak at humahagulhol. Lumapit ang lima kina Tim at El. Naghawak hawak kamay ang pito habang unti unting nawawala ang mga ulap na nagtatago sa buwan. Habang nasisinagan ng buwan ang pito ay ang unti unting pagkawala nina Tim at El. At sa pagkawala ng dalawa ay ang pagdami ng mga alitaptap sa puno. Nagliwanag at animoy kumikinang ang puno dahil sa dami ng alitaptap.

Napuno ng katahimikan ang paligid. At nagdesisyon ang lima na bumaba na ng burol at magpahinga na.

Kinabukasan ay nakatanggap ng text message si Em galing kay Hera.

"Pumunta ka sa bahay nina El, intayin ka namin dun" aniya ni Hera.

Nagmamadaling naligo at kumain si Em. Pagkatapos ay dali daling nagpunta kina El. Nagulat siya sa nakita.

"Elizabeth?" tanong nito.

"Yes? Emerald?" sagot ni El.

Ayon sa magulang ni El, himalang nagising daw ito kagabi. Sampong taon na si Elizabeth na comatose pero hindi nawalan ng pag asa ang mga ito na gigising pa si El. Tuwang tuwa sila, hindi itong batang El. Ito ang El na kaedad nila, ito ang El na kaibigan nila.

"Guys" naiiyak na saad ni Telly.

"Bakit? Anong nangyare?" tanong ni Hera.

"Wala na si Tim" iyak na saad ni Telly.

"What?" tanong ni Lei.

"Tim is dead" sagot ni Telly.

Napaupo si Eril at hindi napigilang tumulo ang mga luha. Muli mga iyak at hagulhol ang nanaig sa bahay nina El. Even si Elizabeth ay nagulat din. She doesn't know na nagpakita ang mga spirit nila kina Eril.

"Where is the jar?" tanong ni El.

"What?" sagot ni Em.

"The jar?" dagdag pa ni El.

"It was on the hideout" tugon ni Lei.

Tumayo si El at nagtatakbo palabas ng bahay. Nagmamadali ito kaya agad siyang sinundan ng lima. Sa kanilang paghabol kay El ay dinala sila nito sa hideout.

Nadatnan nila si El na nakaupo sa lupa hawak ang bote.

"Look" aniya ni El.

Isang piraso ng papel. Ang papel na binigay ni Eril sa kanila 10 years ago. May nakasulat itong pangalan ni Tim at may nakalagay na "I wish na sana magising kana Elizabeth".

Hindi napigilan ng lima ang pag iyak. Pero wala silang magawa, wala na si Tim.

After the burial of Tim, bumalik na ulit sila sa Sariya. They wilk never forgotten Tim. He will remain in their hearts.

They started and continue their life for Tim wish.

They live happily in the only place on earth where moon hides.

-Kastor

KakurenboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon