BEGINNING

39 3 0
                                    

*****

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*****


" What is up people!! So we're now live. Naririnig niyo ba ako? Alam niyo guys, it's been so boring ngayong week, don't you think? O ako lang? Hahaha" sabi ko while facing the camera sa laptop ko. I am doing a live dito sa channel ko kasi I was so bored and since requested naman ito ng mga subscribers ko. Ilang taon ko na rin 'to ginagawa pero parang may feeling parin na nahihiya ako sa camera.


"So today, I'll sing a song that you guys will request d'yan sa comment section. Comment below!"



Reading the comments, namili ako ng kaya kong kantahin. Duh, 'di naman ako biritera para careerin itong I Don't Wanna Miss a Thing at Listen baka maputol at sumuko 'yung vocal chord ko.

" Okay sabi ni ericadeguzman kantahin ko raw yung Take her to the moon ni Moira"

Singing is my passion. Bata pa lang ata ako ay  'sangkatutak na ng voice lessons ang nagawa ko. Feeling ko dito ko nailalabas lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Ito yung tumutulong sakin magcope sa mga pinagdadaanan ko. Masaya man o malungkot.

Nagpatuloy ang requests at kanta. Meron pa ngang mga nagpapashoutout at mga  nagtatanong. While singing other requested song, napatingin ako sa comment section dahil nagkakagulo at sunod-sunod yung comment mga tao.

' omg nakita niyo yung comment '

' was that her ex? '

'sino 'yon haba ng hair ng idol niyo!'

With so much curiosity, I raised a brow to my best friend who's helping me to film. Mas lalo akong na-curious sa itsura niyang parang nakakita ng multo sa gulat.


She mouthed me ' I think Rhyle commented. Look ' while pointing at her phone.

Krstffrrhyl: u still have those angelic voice. my heart's favorite song.


Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa  pagkarinig ko ng pangalang iyon. Para akong binuhusan ng yelo sa gulat at inis.

Manloloko.

Still shocked, I cleared my throat and continued to be jolly sa camera na para bang hindi ko nakita ang comment na iyon. Kahit na sa totoo lang ay hindi mapakali 'tong puso ko sa kaba at galit.



Ganito ang buhay ko. Even though durog na ako sa loob, kailangan ko pa rin ngumiti at magpakatatag para sa mga taong laging nanjan para sumuporta sakin. To show them my gratitude for helping me get to where I am now. For their never ending motivation at sa  pagtitiwala nila sa akin at sa kakayahan ko. It boosts me up hanggang sa nakakalimutan ko na ang realidad. This is my sweet escape to this bitter life.



I ended the video. It was fun but at the same time parang nagambala yung utak ko. Was it him? Bakit? Para saan? 5 years? Right.  Limang taon ko na siyang kinakalimutan.


Natulala ako sa screen ng laptop ko. I saw us in black and white na tila bang nagflashback lahat ng alaala ko tungkol sakanya.


Kaligayahan

Kalungkutan

Kilig

Galit

Sakit


Lahat na ata ng emosyon naramdaman ko na. Posible pala iyon?




He was the sunshine that made my day bright.




He was the sunshine that made my clouds dance.





He was my brightest sunshine but now he's the reason for this darkest stormy weather.

----

Hi everyone this is my first story. Hope y'all support me. Stay tuned for the next update. Xoxo.

~ks

Stormy WeatherWhere stories live. Discover now