ONE

37 2 0
                                    

Tren

"Ano ba 'yan Roxine! Hindi mo ba 'yan naipraktis? Ilang araw ko na binigay 'yang kantang 'yan ah? Hanggang ngayon 'di mo parin kabisado. Nako naman talaga!" sigaw ng musical director ng school play namin sa akin. Paano ay hanggang ngayon ay hindi ko parin masyado naaaral itong kanta dahil sa sobrang kabusyhan sa mga requirements dahil magchi-Christmas Break na.


Tuwing magpapasko kasi ay nagkakaroon kaming mga Performing Arts students ng ganitong performance para maipractice namin yung inaaral namin.


Sobrang kinakabahan ako dahil nandito kami sa isang malaking room kung saan kasama ko ang mga seniors namin. Lahat sila ay magagaling, may mga nakapagrecord na ng sarili nilang music single at yung iba pa nga ay bumida na sa mga kilalang theatre play.



" Sorry po, from the top nalang po ulit sir. " sabi ko. Parang gusto ko nalang lumubog at kainin na ng lupa sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko.


Natapos din ang practice at isang katerbang sigaw na ata ang natanggap ko dahil sa performance na iyon. Practice palang 'yon at parang tatanggalin na ako sa role ko.


" Puro ka kasi pacute Roxine, wala ka talagang future sa kursong ito. Mabuti pa at  mag-shift ka na lang. Simpleng kanta hindi mo makuha-kuha." Ani Mandy habang naglalakad papuntang lagoon. Kokontra sana ako sa kanya pero parang tama nga siya. Maybe I don't really have a future in this field. Baka nadala lang ako ng hilig ko sa pagkanta pero hindi pala talaga ako magaling. Nakakapanlumo.


Wala sa sarili ako naglakad at hindi namalayan na nakalabas na pala ako ng campus at papunta na sa Teresa para sana magmeryenda nang marinig ko ang tunog ng tren.



Tumingin ako sa paa ko at nakita ko ang mga  bakal na riles at ang mga bato sa gitna nito. Ang tren na papalapit ang dahilan kung bakit naestatwa ako sa kinakatayuan ko. Buti nalang at may humila sa backpack ko palikod at kung hindi ay kanina pa bumaha ng dugo sa riles na ito.



" Miss ano ba? Nagpapakamatay ka ba? Kung oo, 'wag naman sana dito. Kadiri naman kung kumakain ako tas nakakita ako ng lasug-lasog na katawan na naipit ng PNR. "

" Hello? May kausap ba ako ha? O 'yan kumain ka. Baka gutom ka lang 'te. At punasan mo yang luha sa mukha mo. Bye!! "



Nabalik lang ako sa ulirat ko nang naramdaman ang bilog na kwek-kwek sa bunganga ko at isang puting panyo sa palad ko.  Muntikan na ako mamatay. Muntikan na akong mabangga ng tren. Hindi truck, hindi sasakyan kundi tren! Oh my god. Napahawak ako sa dibdib at naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Nawala sa utak ko ang isang pirasong  kwek-kwek na nasa bunganga ko. Napaluwa ako dito dahil hindi ko naman alam kung kanino galing yon.



Pumasok ako sa isang milk tea shop at napaupo. Ano nga ulit 'yung nangyari? Muntikan na ako mabangga ng PNR! At niligtas ako ni kuya na nagbigay sakin ng kwek-kwek at panyo.





Tumunog ang phone ko kaya nadistract na ako sa kanina ko pa iniisip.

@shairalopez: Girl papasok pa ba tayo sa Purposive Communication? Tinatamad na me. Nasaan ka ba huhu reply ka :(.

@roxinedlcrz: Nandito ako sa milktearesa.





Mamayamaya pa at dumating na rin si Shaira habang may dalang dalawang FEWA. 'Yon yung parang footlong sandwich na may itlog, cheese at coleslaw.




" Oh ayan ha, dinalhan pa kita ng meryenda. Ang bait ko talagang friend!" Puri niya sa sarili niya habang nilalamutak 'yung FEWA niya. "Narinig ko kay Allina, napahiya ka raw sa performance mo kanina." Itong si Shaira kasi ay taga College of Engineering and Architecture at hindi taga dito sa Main building. Kaklase ko lang siya sa mga Gen. Ed courses pero Civil Engineering talaga ang  program nito.



Kwinento ko sakanya ang lahat ng nangyari at kung bakit nandito ako sa milk tea shop na ito.


"Roxine po?" Sigaw ni kuya na nasa counter. Agad akong napatayo at kinuha yung order ko. "Here's your Taro Milk tea and Belgian Chocolate Milk tea enjoy and have a good day ma'am!"




Pagbalik ko sa lamesa namin ni Shai ay sumalubong sakin ang kanyang mapanlokong ngiti "So ano gwapo ba?"

" Ha? Sino? Si kuyang nasa counter?" Napatingin tuloy ako kay kuya eh saktong nakatingin rin siya sakin. Awkward. "Uhm sakto lang, okay naman. Bakit bet mo?" Sabi ko sakanya.


" Bobo mo hindi yan. 'Yung nagbigay sayo nitong panyo." Winagayway niya pa ito sa mukha ko. "Si Mr. Kwekkwek. Gwapo ba?"





Napaisip ako sa tanong niya. Come to think of it, sa sobrang lutang ko at sa bilis ng pangyayari hindi ko na nakita yung mukha niya. Ang tanging ebidensya lang na niligtas niya ako ay itong panyo.


Nagannounce ang class president na hindi na raw papasok ang prof sa PurCom kaya uuwi na ako dahil wala na akong klase. Si shai ay naglakad na pabalik ng CEA dahil may klase pa at ako naman ay naglalakad papasok ng Main para kunin ang agaw pansin kong Baby Pink na 1979 Volkswagen Beetle. Regalo ito sa akin ni mommy when I turned 18 two years ago. Hindi ito kagandahan noong una pero nagipon ako para maicustomize ko siya.




Nilagay ko ang bag sa shotgun seat pati na rin ang panyo ni mr. Kwek-kwek nang may makapa akong mga letra na nakaburda rito.



Sunshine.

---

Stormy WeatherWhere stories live. Discover now