Coat
" Kakalapag lamang po natin sa Paliparang Pandaigdig ng Mactan-Cebu. Maligayang Pagdating sa Cebu. Sa ngalan po ng bumubuo ng lipad na ito na pinangungunahan ni Kapitan Jacobe, sa tulong ni unang opisyal Arnaiz, at sa inyong lingkod ng mga Cabin Crew, kami po ay nagpasalamat sa inyong patuloy na pagpili at pagtangkilik sa Orient Pearl Airways. Maligayang Pagdating."
Pagkalapag ng eroplano ay agad din naman akong tumayo para asikasuhin ang mga gamit ko.
"Bilisan mo Keshia at sabi ni Mama ay naghihintay na raw sila sa baba." Kasabay ko ang kuya ko sa biyahe dahil kagaya sa'kin ay may inasikaso rin siya. Sabi niya ay inasikaso niya pa ang leave niya dahil mahirap daw na basta-basta lang umalis sa post niya bilang siya ay isang nurse sa isang malaking ospital. Kadalasan ay pagkasama ko itong si Zeus ay napagkakamalan kaming magjowa dahil 5 taon lamang ang age gap namin.
Pagkababa namin ay nagtitinginan samin ang mga tao. Why are they looking at us? Omg may laway pa ba sa pisngi ko at hindi sinabi ng demonyo kong kapatid? Agad akong napakapa sa pisngi ko at napahinga ng maluwag no'ng naramdaman kong okay naman.
" Pst Ezekiel Zeus!! Bakit sila nakatingin? Kilala mo sila? " nagtatakang tanong ko sakanya. Nagulat ako nang inakbayan niya ako at bumulong
" Ang pogi ko kasi kaya sila nakatingin." He put his aviators on and smirked leaving me dumbfounded sa gitna ng arrival lounge. I can't believe that man. Ang lakas talaga ng hangin ng isang 'yon. Maluwag ata ang tornilyo.
Dumating na kami sa location na tinext ni mama para hanapin ang magsusundo sa amin na si Mang Jose.
"Iho, Iha, ang lalaki niyo na! Naaalala ko pa noong huling bisita niyo rito ay 15 pa lamang itong si Zeus." Ani Mang Jose habang nilalagay ang aming mga gamit sa compartment. Isa rin kasi ito si Mang Jose sa mga matagal nang nagtatrabaho kay Lola Victoria.
Mula airport ay tutungo kami sa Hagnayan Port kung kaya't napagpasyahan kong matulog muna dahil tatlong oras kami babiyahe papunta roon. Anong oras na rin kasi akong nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip . I looked at my wrist and saw the golden sun dangling from my bracelet. Daan-daang tanong na naman ang umiikot sa aking isip.
Nagising na lamang ako sa pag-alog sa akin ni Zeus. "Hoy biik, gising na! Nandito na tayo."
Napakusot ako ng mata at nakita ang kulay bughaw na dagat sa bintana ng sasakyan. Pagkababa ng sasakyan ay naramdaman ko ang malamig na simoy ng Disyembre. Kinuha ko ang hoodie ko sa sasakyan at umakyat na sa barko. I have vague memories of me here sa Cebu. Dahil kagaya nga ng sabi ni Mang Jose ay sampung taon na ang nakalipas simula noong huling bakasyon ko rito. Ang mansion ni Lola ay naaalala ko lamang dahil sa mga pictures sa facebook. Ganoon din sa resort namin. Pero ang alam ko ay mas pinaimprove pa ang Playa de la Cruz kaya nagkaroon ng renovation sa isang parte.
Ilang sandali pa ay umandar na ang barko patungong Bantayan. Tuwang-tuwa ako sa view ng dagat at mga isla. We have this inner spirit inside us na super in love sa dagat na para bang lahat ng problema mo ay unti-unting naglalaho at kumakalma ang iyong puso kagaya ng alon ng dagat. Kung hindi lamang malamig ay buong biyahe akong nakatayo rito sa labas.
YOU ARE READING
Stormy Weather
General Fiction" What is up people! Roxine here! Thank you for watching this video. If you haven't subscribed yet, click the subsbribe button down below, make sure to like this video, and check out the other amazing stuffs I do in this channel!! See y'all later by...