TWO

30 1 1
                                    

Imahe

Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong near death experience ko pero hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako kapag naririnig ang PNR. Hindi ko pa naman maiwasan na marinig iyon. Kahit sa classroom ay halos nababasag na ang mga eardrums ng mga estudyante dahil sa tren na iyon. Kaya nga sa Pureza ako dumaan ngayon dahil ayoko nang tumawid sa riles.

Biyernes ngayon at may rehearsal pa raw kami sa bagong gawa na covered court. Sa awa naman ng Diyos ay nakuha ko naman na ang timing at tono ng kanta na pinapakabisa sa akin.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang  ka-blockmate ko na si Nathan. "Roxine, kabisado mo na ba yung script mo? Paulitulit ko na binabasa yung part ko pero parang hindi pumapasok sa utak ko. Olats ako nito kay sir." Ani Nathan

"Shunga! Ako nga yung nadali noong nakaraan. Pero inaral ko naman na. Bilisan na natin maglakad baka ma double kill pa tayo 'pag nagkataon." Halos mahingal-hingal kong sabi. Wala akong dalang sasakyan ngayon dahil coding kaya pagod na pagod na ako maglakad.



Binilisan na namin ang paglakad. Itong bagong gawa kasing covered court ay malapit sa College of Human Kinetics. Dati naman ay sa oval lang kami nagpapractice pero sabi nila ay para saan pa raw at ginawa itong covered court.


Pagkarating namin doon ay halos kumpleto na kaming lahat. Nilapag ko lang ang bag ko katabi ng malaking water jug sa bench.  Mabuti nalang at hindi kami ang pinakahuling dumating kung hindi ay nasigawan na kami ni sir.

Ilang oras na kami nagpapractice at palubog na ang araw pero nakakadalawang scenes palang kami. Gusto kasi ni sir ay pulidong-pulido ang performance namin. Nagkaroon kami ng 1 hour break kaya ang karamihan ay pumunta sa shower room sa swimming pool area para makapagshower at makapagpalit ng damit at  'yong iba naman ay diretcho Lagoon o Teresa para makakain.


Nagpasya kami ni Allina na pumunta ng CEA. Mayroon kasi doong masarap na kainan malapit. Wala naman na sigurong pila doon dahil madilim na. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil hindi ako nakapaglunch kanina. Chinat din namin si Shaira na pumunta doon kapag wala siyang klase.

Nakasakay kami sa tricycle nang magchat si Shaira sa groupchat namin.

@shairalopez: mga siz, orderan niyo na muna ako. 911 akin ha! Patapos na klase ko pakiramdam ko. Thanksxcz.

'Yon nga ang ginawa namin at sakto naman ang dating ni Shaira sa pagdating ng pagkain. Paano ay kahit gutom na gutom na kami ay naghintay parin kami para sa bufallo wings.


Nakikinig lang ako sa mga kwento ni Shaira tungkol sa prof niyang nakakainis daw dahil pinageffortan niya raw yung plates niya pero ni-roleta lang ng prof 'yong grades nila. Natatawa ako dahil sa unibersidad pala na ito ay hindi lang samin ang may mga nagroroleta. Ito namang si Allina ay puro love life ang kwento. Tahimik lang ako dahil 'di naman ako relate sa mga ganyan. Kesyo nagdate daw sila no'ng jowa niya sa mall tas bigla nalang daw umalis. I mean, I've dated guys before, di naman ako alien. Pero I've never been into a serious relationship before.


Nang matapos ang tawanan, kwentuhan at kainan ay nag-CR muna si Allina at Shaira kaya nandito ako sa tapat ng Master Bufallo. A flash of light appeared in front of my eyes. Nasilawan ako sa flash ng isang camera.

Dumilim ang mata ko dahil sa liwanag ng ilaw. Kumunot ang aking noo sa lalaking nasa gilid ko.

Taking photos without consent is not cool. Tsaka as far as I know illegal 'yon at may batas para doon.

Stormy WeatherWhere stories live. Discover now