1: It's not Me, It's You

308 19 37
                                    

"Let's break up."

Direkta. Sigurado. Walang pakundangan.

"Why?" is a stupid question I've ever asked in my life. "I mean . . . we are okay. Masaya naman tayo, diba?" my brows were knitted while I tried to hold my patience. "Why the sudden break up?"

Umiling si Kelvin. And it speaks volumes. Tunog pagtatapos para sa aming dalawa ang pag iling nyang 'yon.

"It's not, Ayumie. Hindi na tayo masaya." He looked into my eyes with dread. Parang natatakot sa kung ano, pero sa tuwid nang pagsasalita nya ay sigurado na syang makikipaghiwalay sya sakin. "Mas malaki pa yung oras mo na binubuhos sa trabaho kaysa sa ating dalawa-"

"As I should," putol ko sa kanya. "You know how much I've been working for this, Kelvin. And what do you mean by that? Na hindi kita binibigyan ng oras? Lagi naman tayong magkausap, ah? Umaga, hapon, gabi magkausap tayo. I give you what you want. I give you my attention. Anong sinasabi mo?" Napasandal ako sa inuupuan ko dahil nalilito ako kung paanong binubuhos ko ang oras ko sa trabaho ko lang?

"You don't get it, Ayumie. We are in a relationship. I'm your boyfriend, and not your business partner. Oo nga't magkausap tayo ng buong araw pero hanggang sa video call lang. Ni hindi mo nga ako tinitingnan tuwing nag-uusap tayo dahil puro papeles mo na lang ang inaatupag mo." Humigop sya sa frappe nyang in-order namin kanina pagtapos ay muling nagsalita. "Hindi mo man lang ba maramdaman na gusto rin kitang maka-date? Na gusto rin kitang makasama na hindi sa video call?"

"So, that's your reason?" I scoffed. "Kelvin, I'm not working just for my own sake. I'm not working just to please my parents. I am working because of us. Because of our future. Kasi ano? Bakit nga ba laging sa video call lang tayo at hindi sa personal? Mas inuuna mo kasi ang racing mo. Mas inuuna mo ang mga kotse mo," pagdidiin ko sa kanya. "Ilang beses na ba kita sinabihang magtrabaho ka naman? Ilang beses na kitang sinabihang pumasok ka sa Dionysus para may pagkakitaan ka? Ang hirap sayo nag-aantay ka lang ng swerte pero hindi ka naman gumagalaw. Paano ka-"

"Ayan!" he pointed out. Napalingon ako sa paligid dahil may iilang taong napatingin sa gawi namin dahil sa biglaan nyang pagsasalita. "You are nagging me again! I already told you na kumikita ako sa racing. Sinabi ko sayong mas gusto ko ang sasakyan kaysa maging slave ng corporation. Pero ano? Hindi mo alam? Hindi ka kasi nakikinig sakin. Lagi na lang ikaw. Lagi na lang yung ginagawa mo sa trabaho mo. Lagi na lang tungkol sa mga kapatid mo. Oo, wala ka ngang piniplease sa pamilya mo pero sa ginagawa mo parang oo."

Umawang ang labi ko. As I looked into Kelvin's eyes, I couldn't see anything aside from being annoyed. Para bang matagal na nyang kinikimkim ang lahat ng ito. At ngayon lang sya nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ang lahat ng ito sa akin.

Pero wala syang karapatang insultuhin ako. Hindi sa minamaliit ko sya, pero hindi nya naman hilig ang racing at ang mga kotse noon kung hindi lang dahil naisama ko sya sa isang racing event ng kapatid ko.

He was influenced by me and my sister. At mukhang nakalimutan nya na ang tungkol do'n kaya ganto nya ako pagsalitaan ngayon.

"I couldn't believe that you could say those words to me. . ." I looked at him with disbelief. "After all these years? Three years? Sasabihan mo lang ako ng trying hard? Kelvin, this is not just a short-term goal. This is my future. Our supposed-to-be future kung hindi ko lang nalaman na ganyan pala ang iniisip mo tungkol sa akin. Sino bang pinagmamalaki mo? 'Yang nakuha ka sa association sa racing? Hindi ka nga makakapasok doon if not for Sin. Tapos. . ." Kumuyom ang kamao ko. ". . .pagsasalitaan lang ako ng ganto ng isang kagaya mo?" Tinagilid ko ang ulo ko at tiningnan sya nang mapanuri. "Hindi ko nga alam kung may pangarap ka pa ba para sa sarili mo eh."

His eyes flickered with fear. "Ayumie. . ."

Ang dami ko pa sanang plano para sa aming dalawa. Ang dami ko pang gustong gawin para matulungan sya. Mula Plan A to Plan Z na nga, meron na yata ako. Pero ito ang isusukli nya sakin?

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Huminga ako nang malalim. From that very moment, I feel so useless. Worthless even. Yung inaakala kong masaya kaming pareho, hindi pala.

"You know what?" I whispered enough for him to hear. "Tama ka. Maghiwalay na nga tayo. We will never work." Bigla akong umiling. "No, I think hindi naman tayo kailanman nag-work. So, yeah... for the last time, I will be granting what you want." Natawa ako habang tinitingnan sya. "Kahit pala give and take sa relationship na 'to, hindi man lang nangyari."

Tumikhim ako't umayos na ng upo. Binuksan ko ang dior handbag na syang dala ko sa inakala kong "date" naming dalawa at kumuha ng cash. I slid it towards him.

"Pambayad ng kape. Alam ko namang wala kang pera," wika ko't tumayo na.

Hindi na sya nagsalita kaya tinalikuran ko na sya. Maglalakad na sana ako nang tumunog ang chime at sumigaw ang babaeng may mala-porselana ang kutis. Though, her actions were very inappropriate ay mas nagulat ako nang lampasan nya ako't tumakbo sya palapit kay Kelvin.

"Hannah. . ."

"Naiinip na ako!" Sumimangot ang babae na walang kahiya-hiya kahit pinagtitinginan na kaming tatlo sa loob ng café. "Sabi mo saglit ka lang. Bakit ang tagal mo?"

Nang tingnan ko si Kelvin ay namumutla na sya. Humigpit ang hawak ko sa handbag ko at nanginginig ang katawan na hinarap silang dalawa ng babaeng tinawag nyang 'Hannah'.

"Really, Kelvin?" hindi ako makapaniwala. "Busy sa trabaho? Walang time sayo? People pleaser?" Unti-unting bumigat ang loob ko. Mas masakit pa pala ang katotohanan na 'to. Fuck. "E sino 'to?" Dinuro ko ang babae.

"Ayumie-"

Suminghap ako. "Hindi ka lang pala walang pangarap. Cheater ka rin!"

Nagmadali akong lumabas ng café na 'yon at sinuklay ang buhok ko. I immediately felt suffocated. Para akong hindi makahinga. Sunod-sunod ang buga ko ng hangin pero parang mas sinasakal ako nito.

"Ayumie-"

"Fuck!" Hinila ako ang braso ko upang mabitiwan nya. Nang harapin ko sya ay dinuro ko sya. "Don't fucking touch me with your filthy hands!"

Dumuko ako para mapulot ang bag kong nabitiwan ko pala. Tumataas na ang anxiety na nararamdaman ko and it was not good.

"Ayumie, teka-"

"Damn you!" I shouted at him and wacked him using my bag. Paulit-ulit 'yon dahil wala na ring tigil ang pagbagsak ng mga luha ko. "Binigay ko sayo lahat! Sinunod ko lahat ng gusto mo! Tapos ito igaganti mo sakin? Damn you!"

Bumaling ang tingin ko sa mini-cooper na dala nyang ako rin ang bumili. Mabibigat ang bawat paghinga ko nang makakita ako ng tubo sa gutter. Lumapit ako at pinulot 'yon saka ko nilapitan ang mini-cooper ni Kelvin at sinimulang hampasin ang sasakyan.

"Ayumie!" he shouted from behind but I didn't listen to him.

Sigaw ako nang sigaw habang pinapanood mabasag ang salamin nito. Daig pa ng kotse nya ang rage room dahil hindi halos makahawak sa akin si Kelvin. Nang matapos ay hinagis ko 'yon kung saan saka nagsimulang pumara ng taxi.

"Ayumie, sandali!"

Hindi ko na pinakinggan pa si Kelvin at sinabihan ang driver na bilisan ang pag-alis sa lugar na 'yon.

Nanginginig ang kamay kong binuksan ang handbag ko at kinuha ang cellphone mula doon.

I dialed my best friend's number and when she answered, I started crying.

"Cheater ang putangina!" iyak ko.

Aphrodite's DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon