5: Laurent's Manor

88 5 4
                                    

"What are we doing here?" I asked Zurien when we entered his condo.

I was taken by surprise when I saw that his condo was designed with only monochromatic colors. Wala masyadong arte, hindi tulad sa condo ng kaibigan kong si Dazen.

Spacious ang condo nya. May shoe rack sa gilid ng bungaran ng pinto. Simple lang din ang sala bukod sa

Dumiretso si Zurien sa kusina while I stayed on his sala. Umupo ako doon at inilapag ko ang bag ko sa tabi. Kataka-takang hindi makalat dito. Sa condo kasi ng mga kaibigan ko, akala mo bagyo lagi. And they would always reason out that they were boys. Opposite daw talaga sa aming mga babae na malilinis. Mga lalaki talaga.

"Ikaw lang mag-isa rito?" tanong ko pa.

Ngumiti si Zurien at tiningnan ako. Nagtitimpla sya ng juice namin at kitang-kita ko sya rito. Ilang lakad lang kasi mula sa kinauupuan ko ay maliit na kusina na nya.

"Jealous?" may himig ng pang-aasar ang boses nya.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tinitigan sya. Sarkastiko akong natawa. "...excuse me? Ni hindi nga kita kilala tapos ang magustuhan pa? Parang ang kapal mo naman sa bandang 'yon."

Tumawa lang din sya. Halatang walang balak i-debunk kung paano ako nakakapalan sa pagmumukha nya. Mabuti dahil hindi rin naman ako naghahanap ng refute.

Bumalik sya sa akin at inilapag ang juice sa harapan ko. "I'll just go get something."

Hindi ako sumagot dahil may uneasiness pa akong nararamdaman. Though, aaminin kong ang bilis nya akong napa-response sa banat nya. Siguro dahil na rin may part sa aking gustong malaman ang totoong balak nya.

Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng condo nya. Sa vibes ni Zurien, masasabi kong bagay nga talaga sa kanya ang vibes ng kwarto nya. Monochrome. Pero hindi sya boring tingnan. In fact, sa kanilang dalawa ni Kelvin na mahilig sa ganoong combination of colors, the black and the white, ay mas bumagay pa kay Zurien ang kulay na ito.

Uminom ako sa juice na tinimpla nya sa akin. Narinig kong tumunog din ang phone. At inilapag ang juice sa coffee table bago kinuha ang phone mula sa aking bag.

It was Robber who's in the caller ID.

"Here." Inabot nya sa akin ang isang envelope.

Pinatay ko ang telepono ko at ibinalik 'yon sa bag ko. Tiningnan ko si Zurien nang mabuksan ang envelope na puno ng mga retrato.

"What's this?" I asked him.

Nang tingnan ko si Zurien, nakapamulsa sya habang nakatayo sa harapan ko. Iminuwestra nya sa akin ang mga retrato.

"Look for yourself," ito lang ang sagot nya.

Ibinalik ko naman ang tingin ko sa mga retrato at isa-isang tiningnan ang mga ito. Unti-unting lumaki ang mga mata ko at nanikip ang dibdib ko.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. As it contains pictures of my sister, nakahiga sa semento. Sira-sira ang kanyang damit. Magulo ang kanyang buhok. Sa mga sumunod na retrato ay ang sasakyang ginamit nina Eleny at Zachary, tulad ng mga pinakita sa akin ni Robber, nandoon din nakaparke ang sasakyan nila sa Antipolo. Pero dito ay maayos ang sasakyan. Kung may wasak man, sa harapan lang.

"H...how?" tanong ko kay Zurien. Nanginginig ang kamay ko habang tinititigan ang mga retrato. "I-I mean, may pinakita na sa akin si Robber-"

"He was sabotaged," sagot ni Zurien. For a situation like this, he looks so chill. Na parang hindi sya bothered sa nangyayari. Kahit na involve din ang kapatid nya dito at namatay pa ito. "Binigyan siguro ng maling retrato. And the information he will get from the police about the case will be sabotage too."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aphrodite's DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon