3: Credo Sisters

157 13 13
                                    

When we arrived at the Saint Bernardino Hospital, halos magkanda-dapa na ako papunta sa emergency room. I let Robber leave me alone, alam na nya ‘yon. When it comes to family matters, I don’t want people intriguing me. 

Magsasabi ako kung gusto kong magsabi. But right now? I wanna be left alone.

Tumingala sa akin ang mga kapatid kong parang pinagsakluban ng langit at lupa habang nakaupo sa bench.

It must be tough for them to wait for our sister like this. Nahihirapan akong huminga. Damang-dama ko rin ang panghihina ng mga tuhod ko.

“Ate. . .” iyak ng mga kapatid ko nang makita nila akong nakatayo sa harapan nila.

It was Alexandra who took two long strides and pulled me for a hug. Napabuga ako ng hangin nang marinig ko ang paghikbi niya.

“Anong nangyari. . .?” nanginginig ang boses na tanong ko.

I never liked hospitals. Lagi nitong pinaparamdam sa akin na lahat ng bagay sa mundong ito ay may katapusan. And the fact that my sister is currently inside one of their hell doors, mas lalo kong hindi nagugustuhan ang pangalang ito.

“Eleny’s with Zachary. Naaksidente silang dalawa,” sagot ni Casidee. She’s the second born in our family. Nasa bench rin sya at sinusubukang aluin ang mga kapatid namin. “Hindi ka namin ma-contact so I called Robber. We’ve been waiting for hours. Darating din ang kapatid ni Zachary para puntahan ang kapatid nya.”

Tumango ako at hinaplos ang buhok ng kapatid kong nakayakap sa akin. Sa sagot ni Casidee, probably, hindi na niya nagawang umiyak pa dahil alam niyang kailangan sya ng mga kapatid namin. 

Ako, si Casidee, at si Serene ang tatlong nakatatanda sa aming magkakapatid. Simula pa nung mga bata kami, lagi namin tinatatak sa mga utak namin na kapag wala ako, si Casidee ang magpapaka-ate sa mga kapatid namin, at kung wala naman siya ay si Serene. Kaya bawal kaming bumigay ngayong hirap na hirap ang mga kapatid namin sa pag-digest ng aksidente ni Eleny.

“Umupo muna tayo.” Inakay ko si Alexandra paupo sa bench. 

Tulala kaming magkakapatid ngayon sa mahabang hallway ng emergency room. Kahit noon pa man, pati ang mga kapatid ko ay nahihirapan din tuwing kailangan naming maghintay sa labas ng kuwartong ito. Hindi kasi namin alam ang pwedeng mangyari. Huling beses na nag-suffer kami sa paghihintay ay noong panahong nasa serbisyo pa ang Papá. He was a retired general.

“Ipapaalam na ba natin kina Mamá ang nangyari?” tanong ni Sace.

Nagkatinginan kami ni Casidee. At tumango sya kaya hinarap ko ang mga kapatid namin. “Hindi muna. Kaming dalawa na ni Casidee ang bahalang magsabi sa kanila. For now, ang isipin nyo muna ang kapatid ninyo. We can handle this.”

Huminga ako nang malalim. Kung may isang hindi ko kayang nakikita tuwing nangyayari ang ganito ay ang paghihirap ng mga kapatid ko. I excused myself to them and told them that I’ll just buy some snacks while waiting. 

Umalis ako ng hallway na mabigat ang puso. Ang sakit ng bawat paghakbang ko dahil damang-dama ko ang bawat crack ng puso ko. Worrying for my family's sake while having my own heartbreak will never be enough. Mas lalong napapatunayan na tama ang pinaramdam sa akin ni Kelvin tungkol sa mga salita nya. That I’m worthless and useless. 

Muntik na akong matumba nang maramdaman kong may bumangga sa akin. Buti na lang ay nahawakan ako ng taong ‘yon. I was about to say sorry when I got to get a glimpse of the man who was holding me. 

“Sorry,” he said with a deep tone. “Are you okay?”

Inayos ko ang buhok ko at agad na humiwalay sa pagkakahawak nya. Tumango ako kahit na wala na akong maintindihan sa nasa paligid ko. “Yes, and I’m sorry… hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.”

Aphrodite's DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon