2: Where Do Broken Hearts Go?

212 17 25
                                    

“Close your eyes.” Utos ni Adaline habang nilalagyan ng eye shadow ang mata ko. “Your ass of an ex doesn’t deserve any of your tears so we won’t give him the satisfaction.”

After being humiliated, nag-decide akong dito dumiretso sa condo ni Ada. May lakad kaming magkakaibigan mamayang gabi. But I declined their invitation dahil nga may date kami ni Kelvin. I want to at least let him feel my presence na walang istorbo from my friends. 

But that’s all bullshit.

He ruined it. Like how he washed all my confidence away. And crushed my pride and ego through his words.

Funny how your most loved person can be your most hated. Ngayong nasa harapan ako ng salamin, biglang hindi ko na makilala ang sarili ko. I admit, I was shaken a bit. I may not be the breadwinner of our family but I'm the eldest. 

And it was never an easy task to hold the responsibility of being an eldest Credo. 

“Tell me, Ada, ano bang kulang sa akin?” I asked her while looking at the mirror. I mistook it as cracked just like my heart. “I don’t understand. Ang dami kong sinakripsyo para sa kanya. Pero nagawa nya pa akong sabihang people pleaser?”

“Cuz you are,” diretso ni Ada. “You may not pleasing us or your family, pero siya — siya ang piniplease mo. Sa kanya mo nararanasan ang abuse na hindi mo nakuha samin.” Sinimulan nyang i-blower ang buhok ko habang pilit kong nilulunok ang mga salita nya. “Kaya ikaw ang hindi ko maintindihan kasi nagkalinawan na tayo nina Dazen dati, Ayumie. Ayaw namin kay Kelvin. Ayaw ng mga kapatid mo kay Kelvin. Pero ikaw? Ayaw mong makinig. Ang tanga—”

“Ada, okay . . . okay. Gets ko na. Tama na, pwede?” Bumuga ako ng hangin. “Ang sakit mong magsalita. Dapat nga iniingatan mo yung nararamdaman ko ngayon cuz I’m currently fragile.”

Diniin nya sa bumbunan ko yung tip ng blower kaya napa-hissed ako sabay layo sa kanya.

“Aray! Ano ba?!” inis kong wika at inayos ang buhok ko. Nang humarap ako sa salamin ay saktong nahuli ko ang pag-irap ni Ada. “Mahal ko sya no’n . . . masisisi mo ba ako?”

“Mahal mo pa rin naman sya ngayon,” sagot nya at nakakunot noo nang b-in-lower ang buhok ko. “Ang hindi ko lang gusto sayo, matagal mo nang dama. Matagal mo nang alam na wala kang mapapala sa kanya pero sumige ka pa rin,” aniya. “Girl, hindi ka si Ruffa Mae Quinto. Kaya huwag kang go lang nang go dyan.”

Kinagat ko ang labi ko. I can’t deny that she has a point. Tagos lahat sa kaluluwa ang mga sinabi nya. Perks of having a straightforward friend ay hindi sila natatakot magsabi sayo ng totoo. Masakit man ‘yan o tipong average lang ng level of sensitivity mo ang kaya mo, pero once na may gusto silang sabihin sayo na dapat ikagising mo ay hindi ka nila titigilan. 

I must admit, I’m happy and relieved at the same time that I have her by my side.

“But sige, I’ll be careful since broken ka pa sa broken ngayon. Pero please lang, when we dance — sumayaw ka naman. Hindi simbahan ang Black Market, okay? Bar sya. Bar,” paalala ni Ada.

Umirap na lang ako nang matapos nyang i-blower ang buhok ko. Ako naman ang tumayo at sya naman ang pumwesto sa inuupuan ko kanina para ayusin ang buhok nya. Nakapag-make up naman na sya kaya wala ng problema sa parteng ‘yon. 

While doing her hair, I felt my phone vibrate on the pockets of my bathrobe. 

Kasunod no’n ay ang pagtunog din ng cellphone ni Adaline. Kinuha nya ‘yon sa table at nakitang si Echo ang tumatawag. He’s one of our friends.

“Echo?” sagot ni Ada. “Yes, she’s with me.” Tiningnan ako ni Ada sa salamin. Tinaasan ko sya ng kilay bilang pagtatanong kung anong sinasabi ng kaibigan namin sa kabilang linya. “What?!” Bigla syang tumawa. “Dapat pinuruhan nyo!” 

Aphrodite's DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon