Ikasampung Liham

76 36 5
                                    

Guevarra Heights,
Mandaluyong City
Ika-27 ng Disyembre 2019

Mahal kong Antonio,

     Naiinis ako! Hindi ko ma-maintain yung araw-araw na pagsusulat ko ng liham sayo (kahit hindi mo naman nababasa). Laging may laktaw na araw haist! Magmula ngayong araw na to, promise ko na sa sarili ko na susulatan kita. Sisiguraduhin kong walang araw na hindi kita masusulatan ng liham. Gagawin ko nang hobby to hihi.

     So ayun, kumusta? Masaya ba naging pasko mo? Pumunta kaming magkakaibigan sa MOA kahapon at nakita ko kayo dun kasama yung isang babae. Hindi ko kilala kung sino yun. Kaibigan mo ba yun? Pinsan? O girlfriend? Ikaw haaaa! Kaya pala hindi dumating yung pamasko ko kasi may ka-date ka pala. Tampo na Bby Avy mo. Hmp! Charot. Have a Good Day ♡

Nagmamahal,
Dawn Avyrielle na hindi mo pinamaskuhan

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon