Ang Huling Liham Para Kay Antonio

124 30 37
                                    

[I suggest you to listen the song "The One That Got Away" covered by Brielle Von Hugel while reading this part. Song is at the media, credits to the owner of the video.]

--- ♡ ---

Rm. 203, St. Claire's Hospital
Manila City
Ika-5 ng Pebrero 2020

Minamahal kong Antonio,

     May pahabol pa pala akong liham para sayo HAHAHA. Gusto kong sabihin sayo dito. Lahat-lahat! Pero bago ang lahat, kumusta ka na? Nabasa mo na ba lahat ng liham? Naalala mo na ba ako? Kung hindi, hala sige! Magtatampo na talaga ako sayo ng sobra. Charot langs hihi.

     Alam mo kung bakit Antonio tawag ko sayo? Yan kasi yung Filipino Term ng pangalan mo at naaasar ka ng sobra kapag tinatawag kita ng ganiyan dati. Nagtataka ka ba kung anong mayroon tayo dati? Kung bakit sinusulatan kita ng liham? Anthony, ako to. Si Dawn. Dawn Avyrielle. Yung babaeng pinangakuan mo noon na hindi mo makakalimutan. Yung babaeng nagsilbing liwanag mo noong panahong nilalamon ka na ng kadiliman. I am your girlfriend Antonio. I was your girlfriend.

     Year 2018. We celebrated our first anniversary with a dinner date. Ang saya natin noong araw na yun. Nag-kaayos din kasi tayo nun matapos yung hindi natin pagkakaunawaan. Naaksidente tayo at doon mo na ako nakalimutan. Alam mo ba kung gaano ko kagustong lumapit sayo nun? Kung gaano ko kagustong yakapin ka noong araw na nagising ka? Anthony, grabe ang pagpipigil ko sa sarili ko nun kasi nga tama mama mo. Nagka-amnesia ka at mahihirapan ka kapag pinilit ko yung sarili ko na lumapit pa sayo. Sasakit ulo mo at maguguluhan ka at ayoko nun. Di bale ng ako ang nahihirapan, huwag lang ikaw. Sorry kasi naging duwag ako sa parteng ito.

     Hulaan ko Antonio ko, pinagkamalan mo akong stalker mo no? HAHAHA sige na nga, aamin na ako. Sa tuwing wala ako sa hospital o bahay, lagi akong gumagawa ng paraan lara makita ka. Para maging updated ako sayo. Kahit yung mga naka-fling mo, alam ko yung tungkol sa kanila. Sobrang sakit mahal ko. Sobrang sakit kasi pinapanood kitang masaya sa iba. Na dapat ako yung babaeng nasa tabi mo at pinapatawa ka, hindi sila.

     I got diagnosed with a TBI. Tinaningan na din yung buhay ko kaya hiniling ko sa panginoon na sana, maalala mo na ako. Kaya nga ako gumawa ng mga liham para sayo eh kasi gusto ko maalala mo ako. Na kahit sa katiting na panahon man lang, maging parte sana ulit ako ng buhay mo bago ako mawala dito sa mundo.

     Naalala mo ba? Noong umamin ka sa akin na mahal mo ako? Nagkanda utal-utal ka pa sa harap ko nun. Ang cute mo tignan nun. Ang dami mo pang sinabi nun bago ka umamin kasi kinakabahan ka HAHAHA.
    
     Pero kahit natatawa ako sayo, kahit mahal kiya, naiinis ako sayo Anthony. Sobrang naiinis ako sayo! Ang dami mong pinangako sa akin noon. Sabi mo pa sa akin na magpapagawa tayo ng malaking bahay at papanoorin yung mga anak natin na naglalaro sa bakuran. Sabi mo noon na bubuo tayo ng masayang pamilya pero bakit ganito? Bakit sa lahat ng puwede mo pang kalimutan, bakit ako pa? How ironic that you once promised me that you will not forget me before that accident. Pero yung pangakong iyon mismo ang nakalimutan at hindi mo natupad.

     Hep! Hindi ako galit ah? Naiinis lang ako HAHA. Anthony, siguro wala na ako dito sa mundo habang binabasa mo to. Gusto ko lang sabihin sayo to kahit sa huling sandali.

     Mahal na mahal na mahal kita! Hindi man tayo nagkausap bago ako tuluyang lumisan, masaya ako dahil alam kong may tsansa na basahin mo yung mga liham na binigay ko sayo. Na kahit papaano, naging parte pa din ako ng buhay mo pagkatapos ng aksidenteng iyon.

     Anthony, mahal kita. Miss na miss na nga din kita eh. Yung mga cheesy lines mo, yung ngiti mo, tawa mo, lahat! lahat! Miss na kita. Nga pala, natupad ko na yung pangako ko sayo na ikaw lang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Ikaw naman yung mangako (ulit) sa akin. Kahit ito nalang yung tuparin mo:

     Alagaan mo yung sarili mo. Ngayon na nabasa mo na ito, huwag mo na ako kalimutan ah? Tandaan mo na minsan, may isang Dawn na dumating sa buhay mo. Nanggulo sa buhay mo. Remember that I am Dawn Avyrielle and just like my name, I am your first beam of light in your dark sight. The first light after a long night. I already accepted the fact that I am just your first and not the last. I hope that you'll find your own everlasting light, Anthony. Mahal kita. Sobra. Makita lang kitang masaya, masaya na ako kaya smileee!

Huwag kang iiyak habang binabasa to ah? Iloveyouuu~♡ Ito na din pala yung huling liham ko para sayo. Ang ika-tatlumpu't huling liham ng pagmamahal ko sayo, Antonio ko.

Sana sa ikalawang pagkakataon, magtagpo ulit tayo para matuloy natin yung naudlot nating pagmamahalan. Sana sa susunod nating buhay, pagbigyan na ni tadhana yung hiling kong makasama ka hanggang sa dulo.

Nagmamahal at Nagpapaalam,
Dawn Avyrielle :)

(Ps: Huwag mo pansinin penmanship ko dito. Nahihirapan na kasi akong magsulat eh kaya magulo. Sana maintindihan mo.)

(Pps: First time ko palang na isulat yung complete address sa mga liham ko. Ngayon ko lang napansin HAHA)

 

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon