Ika-dalawampu't siyam na Liham

77 30 11
                                    

St. Ignatius University
NCR Philippines
Ika-29 ng Enero 2020


Mahal kong Antonio,

     Magandang araaaw! Ang saya ko ngayon. Alam mo kung bakit? Siyempre hindi kaya isusulat ko ngayon dito kung bakit ako masaya.

     Pinayagan akong lumabas ngayon kaya andito ako sa campus' parking lot. Inaantay ko kayo ng mga kaibigan mo hihi. Buti nalang may bench dito na pwedeng maupuan. Nga pala, kumusta yung finals? Naks naman, tapos na sila sa madugong labanan HAHAHA. Sana all nakapagtake ng finals.

     So eto na nga, tapusin ko na yung kwento ko. Naging masaya yung relasyon nila. She was a Grade 12 student while he was a College Freshman that time. Walang naging sagabal sa pag-iibigan nila. Sabay din silang nag-eexcel sa pag-aaral. People around them categorized them as the Most Influential and Model Couple of the year. Sabay nilang ipinagdiriwang yung mga achievements nila. Sobrang saya talaga ng pagsasama nila noon na tila bang wala silang pinagdaraanan na mga problema.

     Pero sabi nga nila, lahat ng kasiyahan ay may katapusan. Naaayos nga yung gusot sa pamilya ng babae, nagkaroon naman ng problema sa pagitan nilang dalawang magkasintahan.  Habang lumilipas kasi ang ilang buwan, unti-unting nagiging malamig yung lalaki. Bihira nalang din silang magkausap ng babae. Hindi alam ng babae kung anong nangyayari.

     Sa isip-isip noon ng babae, akala niya, hindi na siya mahal ng lalaki. Baka pinaglaruan lang siya kasi kilala din yung lalaki bilang pinakatarantadong estudyante ng batch nila. Sa tuwing magtatanong yung babae kung may problema daw ba sila, lagi namang sinasagot ng lalaki na wala naman daw. Sobrang nasasaktan yung babae nun kaya isang araw, kinompronta niya yung lalaki at doon niya nalaman  na bumababa na yung mga grado ng lalaki dahil sa impluwensya ng barkada. Siyempre nagulat yung babae sa nangyari. Wala siyang kaalam-alam na ganun na pala nangyayari sa boyfriend niya. Inisip niya noon na isa siyang napakawalang-kwentang girlfriend kaya ginawa niya ang lahat para matulungan yung boyfriend niya na maibalik ulit sa dati yung mga grado. Minsan, kapag nasa inuman yung lalaki, siya na ang gumagawa ng mga plates ng lalaki. Tuloy pa din siya kahit na naaapektuhan na din siya, yung pag-aaral niya at pati na din yung kalusugan niya.

     Nalaman ng boyfriend niya na ganun na pala yung nangyayari sa babae kaya nagalit siya dito. Kung ano-anong masasakit na salita ang lumabas mula sa bibig niya kaya hindi na napigilan ng babae na manumbat din. Ito yung sinabi ng babae:

"Ikaw na nga yung tinutulungan, ikaw pa tong galit. Kung hindi ko ginawa yang mga yan, tingin mo bang makakapasa ka sa semester na to? For Pete's sake! Ayusin mo naman yung buhay mo. Huwag ka namang magpapaimpliwensya sa masasama. Girlfriend mo ako kaya nag-aalala ako sayo. Ayos lang sa akin noon na mawalan ka ng oras para sa akin pero yung mawawalan ka ng oras sa pag-aaral mo dahil lang diyan sa barkada mo? Tigilan mo na yang mga kahibangan mo! Hindi na ikaw yung lalaking nakilala ko at minahal. Hindi na ikaw yung mapang-asar pero alam pa din kung ano yung mga responsibilidad. Nagbago ka na. Ang laki ng pinagbago mo. Ayusin mo muna yung sarili mo. Panandalian muna akong aalis sa  buhay mo at saka nalang ako babalik kung maayos na ang lahat."

Ang haba diba? Oha! Nangangawit na ako magsulat HAHA. Tuloy ko na nga. Tapos ayun, ang laking pagsisisi ng lalaki. Sinuyo pa niya yung girlfriend niya nun pero wala talaga. Para siyang sinampal sa mga sinabi ng babae. Unti-unti niyang iniwasan yung barkada niya at nagpokus ulit sa pag-aaral. Nang maaayos na niya yung sarili niya, bumawi siya sa  babae. Parang niligawan niya ulit. Natuwa naman yung babae sa pagbabagong naganap sa nobyo.

     Nagkaayos sila. Naging masaya ulit yung pagsasama nila. Sa katunayan, nagtagal pa nga sila eh. Umabot na sila ng isang taon at saktong sa first anniversary nila, saktong alas-otso ng gabi ng ika-12 ng Disyembre 2018, natapos ang masasayang araw nila. Nagkaroon ng isang hindi magandang pangyayari dahilan upang tuluyan nang lumayo yung lalaki sa babae, tuluyan na niyang kinalimutan yung girlfriend niya.

     The end! Oha, akala mo happy ending noh? HAHAHA. Madami pa sana akong sasabihin kaso nakita na kita kasama mo yung mga kaibigan mo. Natatawa pa ako kasi ang ingay ni Leo. Mukhang naiirita ka na sa boses niya ah? Sige tatapusin ko na to. Hanggang dito nalang Antonio.

By the way, hindi ko pala nalagay yung pangalan ng babae at lalaki.  Eto na, irereveal ko na kung sino sila ^_^

His name is Anthony and the girl's name is Dawn. Huling tanong ko to sayo Anthony. Kilala mo na ba ako? O hindi pa din?

Nagmamahal,
Dawn Avyrielle

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon