Ika-dalawampu't dalawang Liham

70 28 9
                                    

Villa San Rosario
NCR Philippines
Ika-19 ng Enero 2020

Mahal kong Antonio,

     Wala akong ibang masabi ngayon. Wala din namang espesyal na nangyari sa araw na ito. Wala ding magandang nangyari. Hindi din naman kita nakita.

     Ito ang ika-dalawampu't dalawang liham na naisulat ko para sayo at sa liham na ito, sasabihin ko lahat-lahat ng nalalaman ko tungkol sayo. Ewan ko kung bakit ito yung laman ng sulat ko ngayon pero parang may bumubulong sa akin na sabihin ko sayo to. Baka din kasing magtaka ka kapag nabasa mo na tong mga to, baka isipin mong weird stalker mo ako hihi.

     Ikaw si Anthony Velasco. Isa sa mga kilalang varsity player ng campus. 3rd year college student major in Chemistry. Tama ako diba? Ngayon, sasabihin ko sayo kung paano kita nakilala. Sa harap ng simbahan ng Quiapo, malapit sa bilihan ng mga puto. Diyan kita nakilala, sa lugar na iyan una tayong nagkita pero sigurado akong hindi mo na yun maaalala. Goodnight :)

Nagmamahal kahit hindi minahal,
Dawn Avyrielle

    

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon