Ika-dalawampu't anim na Liham

67 29 4
                                    

Manila City
NCR Philippines
Ika-24 ng Enero 2020

Mahal kong Antonio,

     Kumusta araw mo? Balita ko, malaki daw chance mo na makapasok nanaman ng Dean's Lister ngayong sem ah? Naks talino talaga ng Antonio ko! HAHA

     Nga pala, ito yung gusto kong ikwento. Pampaaliw lang naman talaga to. Wala na din naman na kasi akong ibang masulat sayo dito eh. Hindi naman ako nakakalabas sa kwartong to hihi. Maganda tong kwento na to, promise!

     Sa harap ng simbahan ng Quiapo, may isang cute na babae ang araw-araw na nagsisimba doon para sa simbang gabi. Wish niya kasi na sana, magkaayos na yung pamilya niya. Habang bumibili siya ng puto bumbong (with cheese para special awi) may nakasabay siyang bumili ng palamig at sa kasamaang palad, nung tatanggapin na sana ng lalaki yung palamig, hindi pa niya nahahawakan yun, binitawan na ng tindera kaya natapon yun sa cute na babae. Sa galit ng babae ay tinapakan niya sa paa yung lalaki at umalis. Sino ba naman kasing hindi magagalit kapag natapunan ng palamig sa damit diba? Lalo na't choco flavor daw yun HAHA. Sa inis din ng lalaki sa babae kasi tinapakan niya yung sapatos niyang kulay puti't bagong laba, hinabol niya yung babae papunta sa kung saan man ito nagtungo.

     Dito ko muna puputulin. Pinapatulog na ako eh. Goodnight Anthony, sweetdreams :)

Ang hindi magaling na Tagakwento,
Dawn Avyrielle

    

Mga Liham Para Kay Antonio (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon