Villa San Rosario,
NCR Philippines
Ika-20 ng Enero 2020Mahal kong Antonio,
Siguro, sa mga oras na to, tapos mo nang basahin yung liham na sinulat ko kahapon. Hulaan ko, nagulo ko ba yung isipan mo? HAHAHA
Nga pala, nakasalubong nanaman kita kanina sa cafeteria ng campus. May iba ka nanamang babaeng kasama. Sino yun? Imposibleng pinsan mo yun kasi kanina ko lang siyang nakita na kasama mo. Hay nako Antonio, hindi mo na nga ako pinamaskuhan noong nakaraang buwan, papagselosin mo pa ako. Hmp! De charot lang hihi.
Tanong ko lang pala ulit, kilala mo na ba ako? Siguro hindi pa din. Basta uulitin ko sayo, I'm Dawn, the first beam of light in your dark sight :>
Nagmamahal,
Dawn Avyrielle :)
BINABASA MO ANG
Mga Liham Para Kay Antonio (✔)
RomanceSa ngalan ng pag-ibig, gagawin ni Dawn Avyrielle ang lahat para sa lalaking palihim niyang iniirog, si Anthony. Isang araw, napagdesisyunan ni Avy na ibigay ang kahong naglalaman ng mga liham para sa kaniyang mahal. Magkakaroon na ba siya ng pag-as...