'Why does Fears worth mentioning?'

40 2 0
                                    

Once in my life, I believe that if we have seen our reflection to someone we just met; grab the chance to manipulate your situation. Hone yourself by introducing decisions' correctly to this someone even the situation you're in will carry such wondrous results. 
~

"Alabang, Alabang! Alabang kayo dyan! Tatlo nalang, may bakante pa!", sigaw ng konduktor sa labas ng sinasakyan kong bus.

Maya'maya pa'y may isang batang lalaking nasa edad 10 ang pumasok kasabay ng isang lalaki at babae, mga magulang nya siguro. Medyo bata pa ang babaeng iyon kaya naman halatang maaga nag'asawa. Ngunit sa isang responsableng lalaki naman sya napadpad. Napakaganda ng mundo kung tutuusin, kung ang lahat ng lalaking piniling pumasok sa isang sitwasyon ay kayang panindigan ang bagay na alam nilang mahirap labanan. Just like this man, now a father, choose to have her treasures--her son and her wife.

Nabigla ako sa pagtabi sa akin ng batang lalaki. Nasa harap ako ng bus na ito malapit sa driver at sa bandang bintana. Napatingin ako sa kanyang napakainosenteng mukha. He smiled and it is awkward for me 'cause I'm really not used in smiling back whenever people smiled at me. I'm aloof with everyone. I barely talk with someone and I enjoy working on my own. Hinayaan ko nalang sya at muling napatingin sa labas. Maya maya pa'y umandar na ang bus.

Ilang oras na ang nakakalipas ay hindi parin ako makatulog. Wala akong ibang dala dala kundi ang aking headset, cellphone at isang bag na hawk. What the truth is, I just really want to have a ride. Makapag'isip, magliwaliw sa byahe at wala talagang eksaktong pupuntahan ngunit di ako komportable dahil na rin sa batang katabi ko. Binasag ko na ang katahimikang kanina pa namamayani sa pagitan naming dalawa. Alam kong balisa sya kaya't di ko mapigilang tanungin na ang kanyang nararamdaman.

"Kasama mo mga magulang mo?", I asked momentarily. Di ko alam kung tama ba iyong tanong ko.

"Ah, opo Kuya. Nandon sila sa likod oh.", saka nya itinuro ang kinauupuan ng babae at lalaking kasama nya kanina. So, I guess I was right.

"Anong pangalan mo?", I asked again.

"Charles, Kuya."

"Nice meeting you, Charles.", saka ako nagpakawala ng ngiti. Nakakagaan din pala sa pakiramdam.

"Kuya, pwede po ba akong magtanong?"

"Yes, oo naman. Ano iyon?"

"Eh kasi, Kuya. Magagalit po kaya sila Mama at Papa kapag may bagsak akong grade?"

Napatigil ako sa kanyang tanong.

It is really a familiar situation for me. I tilt my head and say, "Yes, pero ang galit ng ating mga magulang Charles, hindi naman nagtatagal.", then I smiled.

'Di ko alam kung bakit yun ang aking naging sagot na kung sa tutuusin pareho lang ang bagay na aming kinatatakutan ngayon.

"Bakit may bagsak ka bang grado?", tanong ko ulit sa kanya.

"Ah eh, meron po e, kaso natatakot ako na sabihin kila Papa at Mama. Baka magalit sila sakin. Line of 7 po kasi.", nakita ko ang paglungkot ng kanyang maamong mukha. How I wish I have a comforter like me today as I was caressing this child beside me.

"Bakit ka naman matatakot? Maaaring tayong mga anak ang nagtatanim ng galit sa ating mga magulang pero sila? magagalit lang sila para maparamdam satin na maging maingat na, 'wag nang uulitin at gawin nalang ang makakaya sa susunod. Dito tayo natuto, Charles. Kung takot ka, mas matakot ka sa posibilidad na wala kang matutunan kapag 'di mo sinabi iyang dinadala mo. Mas magandang ikaw mismo ang umamin, kesa naman malaman pa nila sa iba, diba? Maiintindihan ka nila.", saka ngumiti ng bahagya.

I was currently taking my Civil Engineering course. Ang totoo niyan, may tatlo akong units na bagsak, at hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahapon lamang ay nakita ko ang mga bilog na pulang tinta sa plates ko. This kind of field made me realize that it's really not my specialty.

"Kuya, sigurado po ba kayong di sila magagalit?", he asked again without looking at me.

"Oo naman, Charles. Lakasan mo yung loob mo, hmm?", I answered swiftly.

Ngayon, lumingon sya sa kanyang Mama at Papa, hinarap ako at napabuntong hininga. May dinukot sya sa kanyang maliit na bag, inilabas nya ang papel at isang lapis. Muli akong napatingin sa labas, napatulala. Mariing pumikit.

"Sigurado po kayo na hindi sila magagalit ah?",tanong nya parin na nag'aalala. Lumingon ako't kumawala ng isang ngiti at tumango.

"Oh malapit na sa Turbina! Sino bababa dyan?!", sigaw ng konduktor.

"Kuya bababa na po kami, ingat ka po ah? Salamat po.",nakangiting tugon sakin ni Charles.

Bukod sa may kompleto syang pamilya. Napakaswerte nya din sa kanyang mga magulang. Pinalaki syang may dignidad at paninindigan. Looking at him intently as the bus stop, I find myself smiling. This is really a soothing feeling.

I have manipulated my situation. Nahihirapan din akong sabihin sa aking mga magulang ang bagay na kinatatakutang sabihin ni Charles. I hope he will find his peace of mind after telling his parents what he have to tell.

Nabigla ako sa pagtabig sakin ni Charles, di pa umaandar ang bus kaya siguro nakabalik sya. May iniabot sya saking papel, ang nakasulat doon ay, "Thankyou Kuya, ngiti na din po kayo. Kaya nyo yan!".

Napatingin ako sa kanya at muli syang nagsalita.

"Kuya, ano pong pangalan nyo?", tanong nya.

"Charles. Charles ang pangalan ko."

A/N: Thankyou for reading😳 */smiles

One Shot Stories ( A collection)Where stories live. Discover now