Anak ng Sabungero

9 0 0
                                    


"Ang Tatay kong Sabungero, Bow."

Nagsimulang magtawanan ang buong klase sa binanggit na tema ni Andrei sa kanyang tula. Bahagyang kumunot ang aking noo nang tumingin ito sa akin at nagtanong.

"Teacher Galvez, pwede ko na po ba ituloy?", tanong nya sa'kin nang nakangiti.

"Go, proceed.", malamig kong tugon bilang pag'sang-ayon.

"Sa karimlan ng madaling araw
Si Papa ay nagpapabahaw
Ng kanyang kape habang init sumisingaw
Kasabay ng pag'tiktilaok ng kanyang manok na pagaw."

"lagot ka sa papa mo, Andrei HAHAHAHA.", tumatawang saad ni Jerome.

Di naman pinalagpas ng iba kong studyante ang banat ni Jerome kaya nagtawanan din sila.

''Wag na wag mong tangkain ito'y kalimutang
Pakainin ng patukang enerton, crack mais at patubigan
Baka makarinig ka ng malupitang machine gun
'Ratatatat, bogsh pewpew', sobra pa sa sermon ni inang"

Di ko mapigilang hindi matawa sa kanyang ginagawa. May pagkilos pa ito, damang dama ang bawat katagang kanyang binabanggit. Ngunit may kulo sa aking dugo na gusto ko na syang patigilin.

"Oh, oh, oh! Panalo na ang talisayin!"
Sigaw nya kapag isinasabong na kasama ang taring matalim,
Mamaya pa'y ang isa riyan ay kakatayin
Oh! sa puti sugat na'y malalim!"

Napasapo ako sa aking ulo, nagtawanan pang muli ang mga kaklaseng matiim na nakikinig at nakatingin sa kanya. Halos di na magkamayaw ang iba sa kakatawa dahil sa ekspresyon nito habang nagtutulala. Kung hindi lamang ito kailangan para sa graded recitation nila, hindi ako mag'aatubiling patigilin na itong si Andrei.

"At sa pagtatapos ng laban ng manok na pula sa puti
Tila natameme sa pagtigil itong manok nyang napili
Ayaw nang maglaban, kaya't walang natalo't nanalong dagli
Nawalan na sya ng manok na matagal nyang inihili"

"Bakit walang nanalo, Drei?", tanong naman ni Sean habang tumatawa.

"Hindi nya alam na manok nyang napili ay bayot
Katulad ng kanyang anak na ngayon sa harap ay umiindayog
Mahal kong Ama, alam kong ika'y sabungero
Ngunit eto lamang ang paraan, para malaman mong ako'y baklang lalakero."

Nag'init ang aking dugo sa aking narinig. Ang hagikhikan, tawanan at kaingayan ay napalitan ng katahimikan pagkatapos kong sumigaw. Napakaripas naman ng takbo si Andrei palabas, ang aking anak.

"Bwesit kang bata ka, bumalik ka rito! Sabungero pala ah! Andoooooy! Bumalik ka ritoooooong bakla ka!"

One Shot Stories ( A collection)Where stories live. Discover now