'La Historia de un Amor'

30 2 1
                                    

It was absurd to hear all those noise coming from all the buildings out there at our campus. Idagdag mo pa itong nakakaantok na discussion ng aming Prof.

"Siya ay nagkaroon ng 9 na kasintahan. Pero ang kanyang minahal ng lubos ay si Leonor Rivera. ", sambit nito habang antok na nakatingin sa kanya ang mga kaklase ko.

Kumuha ito ng chalk saka nagsulat sa blackboard. Naiinis ako sa kadahilanang naaalala ko si Joseph tuwing magdidisscuss itong si Sir tungkol kay Dr. Jose Rizal.

1. Segunda Katigbak
2. Leonor Valenzuela
3. Leonor Rivera
4. Consuelo Ortega y Rey
5. O-Sei-San
6. Gertrude Beckett
7. Suzanne Jacoby
8. Adelene Bousteds
9. Josephine Bracken

Matapos nyang isulat ito sa harapan ay muli syang napangiti at nagsalita.

"Sa siyam na babaeng naging kasintahan nya, kahit pa si Leonor Rivera ang kanyang lubos na minahal, si Josephine Bracken ang kanyang naging asawa."

Halata sa kanyang muka ang tuwa habang tinatalakay ang paksa tungkol kay Jose Rizal.

Habang patagal nang patagal ay lalo akong naboboryong sa dinadada ni Sir. Lumipas ang ilang oras ay natapos din. Mabilis kong inihiga nang bahagyang nakatagilid ang aking ulo sa lamesa ng aking upuan. Pumikit saka iminulat ang aking mata ngunit nabigla ako nang makita ko sa labas na magkasama si Joseph at Josephine. Parang tinarakan ang aking puso nang makita kong ngumiti sya sa harap ng aking kaibigan.

May paghanga ako kay Joseph ngunit hindi iyon alam ni Pina (pinaikling pangalan ni Josephine) at si Pina naman ay matalik kong kaibigan.

Nanlumo ako sa kadahilanang bihira lang naman ngumiti si Joseph sa harapan ng mga babae ngunit bakit sya ngumingiti kay Pina? Isinubsob ko na lamang ang aking ulo at pumikit. Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko ang pamilyar na boses, si Pina iyon.

"Beshieeeee, taraaa na sa canteeen!", aniya.

"Besh, pwede bang magskip muna ako ngayon sa pagsama sayo sa canteen? Ang sakit kasi ng ulo ko e.", pagdadahilan ko sa kanya habang nakasubsob padin.

"Besh, parang kanina lang ang jolly jolly mo, what happen ba?", pagtawa neto saka ako kiniliti sa tagiliran.

"Ah eh walaaaa.", pagharap ko sa kanya sa malamig na tono.

"Ah alam ko naaaa, Lea Herera ang lalim na naman ng iniisip mo!", aniya na nakapamewang. I'm used to the way she became that bossy when my mood changes.

"Fam ba yan? Sa Kuya mo na naman noh? Sa teacher? Sa libro na gusto mo bilhin? Sa crush? Omg, may crush na ang bestfriend koooooo!!", pagsisigaw nya kaya naman nagtinginan ang mga kaklase kong tsismosa.

"Josephine, umayos ka nga. Wala akong crush."

"Ang abnormal mo na talaga, Lea. Kahit ni isang crush, wala ka manlang ipinakilala sakin ah. Nagtatampo na'ko!", aniya habang kunyaring nagtatampo. Wala na syang nagawa kundi umalis mag'isa.

Hindi ko alam ngunit sa tuwing maiisip ko na kapag sinabi ko kay Pina na crush ko si Joseph ay natatakot akong mapahiya. Bukod kasi sa madaming nagkakagusto sa kanya e madami na rin syang nilagpasang babae sa tuwing may aamin sa kanya.

Ilang araw na ang lumipas ay unti-unting nilalayuan ako ni Pina. Sa tuwing mag-aaya ako sa canteen ay dinadahilan nyang magbabasa daw muna sya sa library ngunit nakikita ko nalang syang kasama ni Joseph. Minsan 'pag nakakasalubong ko silang dalawa ay yumayakap pa sya, nangangamusta at kung ano-ano ang tinatanong sa akin. Tila pinapansin lamang nya ako sa harap ni Joseph. Di ko na mapigilang magtanong sa kanya sa kalagitnaan ng klase ngunit dahilan iyon upang madurog ako.

"Besh, anong meron sa inyo ni Joseph?", tanong ko sa kanya ng may pag'aalinlangan.

"Ah eh secret lang natin besh ah, nanliligaw kasi sya.", sagot nya naman na ikinawasak ng puso ko ngunit ang pinagtataka ko ay hindi sya tumitingin sa aking mata.

"Ahhhhhh, basta alagaan mo ang puso mo. Nag'aalala ako sayo, baka mamaya dumugin ka ng mga fans nyang si Joseph ah. Nang'haharass pa naman mga yun.", tugon ko habang tumatawa. Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

Umuwi akong may mabigat na pakiramdam. Gusto kong lumiban bukas ngunit may pagsusulit kami sa asignaturang Rizal. Lalo lamang akong nasasaktan lalo pa't dahil sa subject na yun kaya naaalala ko si Joseph.

Kinabukasan, normal na araw ngunit patuloy lang na umiiwas sa akin si Pina. Hindi nya na din ako sinasabayan sa pagkain sa canteen at bihira lamang nya ako pansinin maliban nalang kung nandyan sa harap namin si Joseph.

Dumating ang araw ng pagtatapos sa Kolehiyo ay napakarami na ang nangyari. Tatlong buwan na rin ang nakakalipas nang malaman ko ang namamagitan kay Pina at sa taong hinahangaan ko sa matagal na panahon. Nabigla ako sa paglapit sa akin ni Joseph, nakangiti ito nang wagas na parang ako lang ang babaeng nakikita nya.

"Lea.", pagtawag nya sa pangalan ko.

"Congrats sayo.", bati nya sakin.

"Hmm, thankyou Joseph. Anyways, nasan si Pina?", tanong ko habang nakangiti.

"Ah, nasa back stage. Pero pwede ba akong magtanong Lea?"

"Nagtatanong ka na ah?", sarkastiko kong sagot.

"No, I mean may tatanong sana ako.", paglinaw nya naman habang tumatawa.

"Ah oo naman, okay lang. Pero kung tungkol yun kay Pina, alam mo sasagutin ka na nya ngayon. Wag mong sabihin sa kanya na sinabi ko ah?", mahaba kong litanya habang nakangiti rin.

"Ha? Anong sinasabi mo, Lea?", pagtataka ng kanyang mukha.

"Eh diba, nililigawan mo si Pina?",ani ko.

"Ha? Hindi. Ang totoo kasi nyan, ahhh an-",

"Bessshh, Josephhhh!", biglang pagdating naman ni Pina, kinawayan ko naman sya at yinakap.

"Dito muna kami Joseph ah, pupunta lang kami kina Mama.", pagpaalam niya.

Nakakapagtaka ngunit nakikita ko ang malungkot na mata ni Joseph. Hindi ko na narinig ang huli nyang sinabi.

Isinawalang bahala ko ang lahat ng iyon. Araw, buwan at taon ang mga nagdaan at hindi ko na muling nakita si Pina at Joseph. Balita ko'y isa nang Doctor si Joseph at si Pina naman ay sikat na magpipinta. Nalaman ko rin na ilang taon na silang magkasintahan, may kirot parin sa aking puso hanggang ngayon ngunit masaya na ako para sa kanila.

Napagpasyahan kong tawagan si Pina ngunit nabigla ako nang boses ng lalaki ang sumagot, marahil si Joseph ito.

"Hello, sino 'to?"

"Si Lea ito, Joseph. Naaalala mo pa ba ako?"

Napatahimik sya sa kabilang linya.

"Lea, pwede ba tayong magkita? Tayong dalawa lang?"

Kinabahan ako. May kung anong pwersa ang nagpapayag sa akin kaya mabilis ko syang sinagot. Katulad ng kanyang sinabi, nagkita kami. May nalaman akong kinalungkot ng puso ko. No'ng araw na nakita kong ngumiti si Pina kay Joseph, ay ang araw na nagpatulong sya sa kanya. At no'ng araw naman ng pagtatapos ang araw sana na tatanungin nya ako kung pwede ko ba syang maging kasintahan.

"Hindi ko talaga niligawan si Josephine, Lea. Tatlong buwan akong nagpatulong sa kanya upang malaman ang lahat ng mayroon sayo, ang mga gusto mo, ayaw at kung ano-ano pang mga bagay tungkol sayo. Matagal na kitang hinahangaan noon pa man, kaya naglakas loob ako kilalanin ka nang hindi mo nalalaman. Ikaw ang babaeng tunay kong minahal at hindi s'ya. Ngunit huli na ang lahat."

Sa pag-ibig ni Rizal, si Leonora ang may pinakamalaking impluwensya sa kanyang buhay pag'ibig. Bagaman madami ang kanyang naging kasintahan, siya ang tunay na tumatak kahit pa hindi hinayaan ng tadhanang bumagsak sila sa isa't isa.

A story of a failed love seem to make its way to feel an unending anguish. That whoever reads its portent, they eventually seek justice for the love that've just been unsuccessful.

a/n: I don't know, but I think it's lame. : ((( I'm a newbie. Sorry 💖

One Shot Stories ( A collection)Where stories live. Discover now