Triangular Love

10 0 0
                                    


"So here, let's welcome Xynthea Peinn and Rylie Macarov for the last round battle! Math wizards it's your time to shine!", masiglang pagsalubong ni Teacher Peachy.

Nagpakawala ako ng ngiti nang makita kong nag'aayos ng postura si Xynn, ang aking matalik na kaibigan. Kami ang huling napili na maglalaban sa last round battle ng Math Competition sa school. Nakikita ko ang kanyang pangamba at nanginginig din ang kanyang mga kamay. Sinenyasan ko syang kaya namin 'to. Ngimiti naman ito sakin ng mapait.

"Before we proceed to the battle, let me remind you that there are 10 questions you have to answer. Kung sino man ang unang makapagpindot sa buzzer, sya ang unang tatanungin. Kapag ligwak, then the opponent will answer, understood? If mag'tie kayo, may tie breaker tayo.", paglinaw nya sa amin.

"First question, the sum of the measure of the interior angles of a triangle is?"

Hinintay kong pindutin si Xynn ang buzzer ngunit nakatitig ito sa kawalan. Bumuntong hininga muna ako at pumindot.

"180°", I answered.

"Nice, 1 point for Rylie.", sambit nito sa harapan ng manunood.

"Next question, 45, 45, 90 triangles have a side lengths in a ratio of blank corresponding to their angles?"

Mabilis na pinindot ni Xynn ang kanyang buzzer, napangiti ako.

"1 is to 1 is to square root of 2.", tumingin ito sa akin at nagpakawala ng tinging nakakainsulto.

Xynn, is my bestfriend for almost 3 years. Ngayon ko lamang nakita ang ganon nyang tingin na naghatid sakin ng kilabot.

"Next question, volume of the sphere."

"4/3 Pi r cube, where r is the radius of the sphere", kompletong sagot nya at ngumiti naman nang marahan sa'kin. Iba naman ang iginawing aura nya sa pagkakataong ito. Ibinalik ko na lamang ang aking tuon, siguro namalik mata lamang ako kanina.

Natapos ang ilang katanungan at patuloy lang ang pagsagot naming dalawa. Minsan ay nakikita ko syang lumilingon sa kinaroroonan ni Liam, ang aking kasintahan. Napapawi ang aking ngiti sa kadahilanang ngumingiti din ito kay Xynn. Natapos ang sampung katanungan at pantay ang aming nakuhang iskor. May tie breaker question na kailangang sagutan, itatalagang panalo ang sinumang unang makasagot.

"The question is in its difficult category, you must give me the meaning of the word I'll pronounce later on and for the plot twist of this program, kindly relate it in real life. Kung sino ang mas magandang inilahad sya ang mananalo. Ready na ba kayo, students?!", nagsigawan naman ang mga kapwa namin mag'aaral.

"Okay, give me the meaning of a triangle. Magsisimula tayo kay Rylie, tutal naman sya ang unang nakasagot kanina.", usal ni Teacher Peach.

Sinimulan kong mag'ayos ng tayo, tumikhim at taas noong sumagot.

"Triangle is one of the basic shapes in geometry; a polygon with three vertices and three sides, which are line segments. I can relate it in reality as for example, two women is inlove with the same man. It is called love triangle as it depicts, three people in the same floor of love..."

Hindi ko na nagawa pang habaan dahil nagsalita na si Xyn. Nakaramdam ako ng inis ngunit pinilit kong ikinalma ang aking sarili.

"Triangle is a plane figure with three straight sides and three angles. In common to Rylie's remarks, love triangle is the best example of this as it represent three people in the involvement of love. I just want to have an example in clarity, Rylie and I are bestfriend that falls in love with the same person, Liam. Isn't it relatable?", pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumingin ito sa akin.

Wala akong magawa kundi ngumiti sa kanya. Nagpalakpakan ang mga piling mag'aaral sa aming paligid, habang ako'y nasasaktan sa kanyang ipinahayag.

"What a wonderful answer, Miss Rylie and Miss Xynn. A minute from now, i'll announce who will be the winner.",ani ni Teacher Peach.

Habang naghihintay ay di ko maiwasang hindi masaktan sa kung anong isinagot ni Xynn. Kung totoo man ang sinabi nya, nasasaktan ako ng sobra.

Si Liam ang nag'iisang taong nandyan palagi sakin. Si Xynn pa ang pangalawa. At di ko malanghap na ang dalawang taong pinagkakatiwalaan ko pa ang magtataksil sakin. Lalo akong nasaktan nang mahuli kong nagtatama ang kanilang paningin sa isa't isa. Iniwas ko na lamang ang aking mata at ngumiti habang nakikitang papalapit na si Teacher Peach sa emcee spot.

"I'm back students!", masiglang bati nya. Naghari ang katahimikan.

"So the math wizard winner for this competition is...", bahagya akong tumingin kay Xynn upang makita ang kanyang reaksyon. Pinaghalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko.

"Rylie Macarov! Let's give her around of applause!"

"Thankyou Xyn for participating, since your answer is specifically said in clarity; it's good. You still did a great job! Congratulations!"

Nagsimulang magsigawan at magpalakpakan ang mga tao sa paligid. Mabilis na lumapit sakin si Xynn at hinagkan ako. Bababa na sana kami sa hagdan nang maapakan niya ang likuran ng aking suot na sapatos. Ang mga sumunod na nangyari ay nakasalampak na ako sa sahig at nawalan ng malay.

--------------

"Doc, is Rylie okay?", narinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Sa ngayon, she's still unstable but magigising na din sya. There's also a possibility that she might loss her memory. Masyadong malakas ang pagkakabagsak nya mula sa mataas na hagdan. Madami ring dugo ang nawala sa kanya.", usal ng doctor.

"Okay, Doc. Thankyou."

"You're welcome.",

Nakarinig ako ng yabag na papalabas at pagsarado ng pinto. Minulat ko ang aking mata. May isang babae sa tabi ng lalaking pamilyar sa akin, nagtitipa ito sa kanyang selpon at todo ngiti. Napayukom ang aking kamay. Tumingin sa direksyon ko ang babaeng iyon at bahagyang napasigaw.

"Rylieee!",sigaw nya.

"Who are you?",tanong ko sa kawalan.

Nagtinginan silang dalawa, ang kaninang muka ng lalaking iyon ay napalitan ng liwanag. Parang nabuhayan sya ng pag'asa, sumikip ang aking dibdib.

"Magpahinga ka muna, Rylie.", aniya.

"I said, who are you?", tanong ko ulit.

"I'm Xynthea, your bestfriend. And this is Liam, my boyfriend.", pahayag ng babae.

Nabasag ang puso ko sa aking narinig. Gustong kumawala ng aking luha ngunit kailangan kong ipakita na hindi ako nasasaktan. Gusto kong manakit ngunit wala akong lakas. Unti'unti akong ngumiti ng marahan at umupo. My plan got successful yet it's killing me.

Ang masakit, Xynn was my most trusted bestfriend and Liam was my most loved boyfriend.

There will be no love triangle again, never again.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories ( A collection)Where stories live. Discover now