43

33 1 0
                                    


♡ ♡ ♡

" Hey, Liana. Ipinapabigay nga pala ni Russell." Ani pa ni Stanley at agad na Ini-abot ang Isang Bouquet ng Bulaklak nang makalabas ako sa Dorm. Agad naman na napakunot ang noo ko nang I-abot nito ito sa Akin.

Nauna kasi itong lumabas at nagpaalam na May kailangan lang daanan. Ito pala iyon, May narecruit na palang bago ang Avatar na Iyon. Aba'y akala ko ba kakampi ko tong mokong na to? Bakit tila pumapanig na rin ito kay Russell?

"Ano bang meron? Bakit pagkatapos ng Debut ni Amber eh tila himalang nagkabati na kayong dalawa ni Russell?" Tanong ko pa at bahagyang hinila ito sa Braso nito.

Agad naman na bumaling ito sa akin dahilan upang magtama ang aming mga mata.

It's weird, really weird and New for me too see them always talking and With each Other after that Special day of Amber. Believe me when I say Isang buwan ko na silang pinanonood na magkasundo. Buong November akong nagmamanman at Naguguluhan tapos ngayon ganito pa? Kasabwat na rin siya nung Avatar na iyon?.

Kinuha ko na mula sa Braso nito ang Isang bouquet ng Rosas. Isang buwan na rin simula nang nag Upgrade ang Lolo niyong si Russell. Mula sa Pa Rosas nito sa Umaga ay ngayon aba'y naging bouquet na! Kulang nlang ay magtayo ako ng flowershop. Dati ibang estudyante ang nag-abaot sa akin habang naglalakad kami papunta sa room tapos ngayon si Stanley na ang nag bibigay nito? Newly Recruit Member yarn?

At dahil tila wala naman akong mahihitang sagot sa lalaking ito ay minabuti ko nalang ang Umirap sa hangin at magdesisyon na iwan na ito at bumaba na para pumasok.

Sumabay ka sa hangin, Kaasar ka.

Dere-deretso parin ako sa paglalakad nang maramdamang sumusunod na ito at nang nakadaan naman na kami sa street ng dorm Nina Amber. Napansin ko naman na nakasunod na ang mga ito. Hindi naman na bago sa Buong Campus ang Makita akong naglalakad na May dalang Bouquet ng bulaklak.

Aba'y mga kinikilig pa nga ang mga singit ng mga yan eh. Uso yata sa kanila ang maging Marupok, sa akin kasi hindi. Kahit naman ang mga teacher ko ay sanay na rin na May katabi akong Bouquet. Kulang na nga lang ay tabihan pa ako nito nang extrang upuan patungan ng Bouquet. Paano ba naman kasi ay nakarating na pala kay Mr. A na sinusuyo daw ako ni Russell kaya naman Kinikilig ang Lolo niyo at tuwang tuwa eh nag Pa meeting pa upang ipaalam na ganon at suportahan si Russell sa kung ano man ang hingin nitong tulong at kung ano ano pa.

Papasok na sana ako nang Dorm nang marinig ko na tawagin ako. Walang iba kundi Si Sinco sa Araw -araw ba naman.

"Alliana, Dre! Good Morning! Wow! Panibagong Araw, Panibagong Bouquet nanaman mga ka-Gold-Squad!" Tuwang tuwang Asar pa nito. Maya-maya naman ay nakita na namin Si Trenth na May hawak na libro at nag babasa habang sumunod kay sinco na ngayon ay masiglang-masiglang tumatakbo patungo sa amin..

"Good Morning Stan, Amber!" Masiglang bati pa nito sa mga kasama ko nang makarating ito
sa Tabi ko. Nang magtama ang paningin nina Russell at Sinco ay biglang naging seryoso ang mukha ng dalaga.

"Kamusta ang Panunuyo Russell? Sabi ko sayo tumigil kana eh kundi babangasan na kita sa mukha.Walang tanga ang babalik sa taong nanloko sa kaniya. " Ani pa ni Sinco at Tsaka ito inirapan at Pumasok na sa loob ng silid habang hila hila si Trenth.

Napansin ko naman ang magulang pagtapik ni Stanley sa Balikat ng binata. Hindi ko nalang sila pinansin at Sinundan na sa loob si Sinco Maya-maya ay nakita ko naman na si Amber na Sunod na Pumapasok.

Ilang Minuto lang ay mag pasukan na ang mga kaklase kong Tambay sa Corridor nang dumating na ang Aming Business Math Teacher. While She's discussing Sinco's Everyday Routine. She always complains about how hard and understandable the lesson is for her.

Heart AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon