♡ 07

157 14 1
                                    


Official Hashtag: #HeartAcademyWP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Official Hashtag: #HeartAcademyWP

♡ ♡ ♡

" Pero Dre, Seryoso gusto ko talaga lumipat sa Heart Academy. Ipaalam mo naman ako, patulong kamo kay Mommy Ninang sige na, tulungan mo ako." Pag iiba pa ni Sinco sa usapan namin.


Sandali ko naman itong tiningnan nang mapang-asar at bahagyang sinundot sa tagiliran bago biniro, " Naku! Ayoko nga, Ikaw na ang kumausap kay Mommy. . . If I know mag po-pogi Hunting ka lang roon kasi sawa ka na sa mga Mukha sa Bright Univ eh." Panunukso ko pa rito.


Sandali itong napakamot sa tenga bago ako sinagot nang may ngiti sa labi at mga mata nito, " Oy. . . ano ka diyan! Tama ka naman. . . Pero oy! Syempre, Kasama na yon, Mag aral nang mabuti at Maghanap nang Mabuti," Natatawang usal niya bago bumunghalit ng tawa.


" Baliw, bawal ka roon, Ipa-pa ban kita. Bawal ang hindi ready mag commit doon 'no!" Asik ko pa rito, tawa pa rin ito nang tawa agad itong natigilan sa narinig bago sumagot, " Oh? Eh bakit ka nandoon?" sagot pa nito bago tumingin sa akin na gulat na gulat at muling bumunghalit ng tawa.


Gaga talaga 'to hindi pa rin nagbabago.


" Pasmado rin talaga bunganga mo 'no Cynthia Corrinthian?," sagot ko naman dito.


" Hindi kasi pepwedeng basta-basta mag Transfer out doon Sinco, Paano pag hindi mo makasundo yung makakapartner mo? Pa'no kapag puro ka hanap ng Pogi tapos seloso pala yung naging Mutual Partner mo? Sige nga," Mahinahon na paliwanag ko naman rito.


Sandali naman itong bumuntong hininga bago Nag iwas ng tingin sa akin at nagsalita, " Yana, Kilala mo naman ako 'diba? Adventurous, Plaging Curious, gusto Itry ang mga bagay-bagay, I always want Something new, pero . . . marunong naman ako rumespeto, marunong ako magpahalaga, marunong ako magseryoso. Ginusto ko yong papasukin ko, ede syempre paninindigan ko, bakit ako mag T-transfer Out?"


" Oh sige, eh paano pag hindi mo tipo ang makaka-partner mo? Paano kung hindi pasok sa Standard mo?" Dagdag ko pa .


" Alliana, hindi ba't nakwento mo kanina na ako rin ang pipili sa Partner ko? Tiwala lang, makakasungkit din ako ng... Mabango, Palaging malinis, Mahinhin, Matangkad, Mabait, Malambing, Matalino, Tapos Pogi syempre! Manifest natin 'yon 'no. Ako pa ba?" Sagot pa nito at nginitian ako at bahagyang tinapik ang balikat ko.


" Hmm, oh eh sige kung talagang gusto mong pumasok sa Academy, kakausapin ko si Mommy mamaya, bago matulog."

Heart AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon