♡17

94 8 1
                                    


Official Hashtag: #HeartAcademyWP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Official Hashtag: #HeartAcademyWP

♡ ♡ ♡

Kakaibang saya ang bumalot sa puso ko, Para bang tumigil ang oras. Nakatayo pa rin ako at nakatingin sa naka display na presyo ng Girl caller sa malaking screen sa Harap.


3.2 Billion napakalaking halaga...



Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay naramdaman kong may bulto ng tao na naka masid sa akin sa kalayuan, Isang Matandang babae. Siya ang unang lumapit sa akin pagkapasok ko ng venue.


Isa, dalawa, tatlong hakbang at nakita kona ang kabuuan ng venue maraming upuan, ilaw, telepono at mga call Agent maraming mga staff ang naka black at may suot na red lace I.D. Napalingon ako sa lalaking tumawag saakin si Mr.Thrent Ang second heiress ng Villamar family.


Nang akmang hahakbang na ako ng biglang may matanda ang biglang humawak sa pala pulsuhan ko. Pag harap ko ay agad nya isinukbit sa akin ang I.D na may red lace, my candidacy ID. Ngumiti sya bago ako iwan.


Sya yon.Si Ms thali- sigurado ako at nararamdamn ko. She disguised as an old woman.


♡ ♡ ♡

Kasalukyan naming tinatahak ni Russell ang daan patungo sa bahay. Naisipan namin na mag commute nalang since nauna sila Mommy at namili pa ng groceries kaya si Russell na ang nag insist na mag hatid.


It was pass 5, palubog na rin ang araw, malamig na ang simoy ng hangin at patuloy pa rin ang mga paa namin sa paghakbang. Walang imikan, mag kakatitigan pero iiwas rin agad ang tingin.



Hindi nagtagal nasira ang katahimikan nang bigla syang huminto sa paglalakad at mag salita, "Congratulations on being the best, ang galing galing mo!" masigla niyang saad niyang saad dahilan para mapalingon ako sa kanya, ngumiti ito sa akin nang magtama ang aming mga mata.



Hinawi nya ang buhok ko at tsaka ako hinigit at niyakap. Ang higpit ng mga yakap niya ramdam mong sincere s'ya sa mga sinabi niya.



Sa ganoong posisyon niya sinabing,"Basta proud ako sayo." Aniya at bahagya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Heart AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon