"Gusto kong lumabas! Get off me!" pagpupumiglas ng batang babae.Hawak-hawak ito ng binata na kanina pang nagbabantay sa kanya.
"Hindi maari! Masyadong delikado Felina! Madaming mababangis na hayop sa labas!" pilit na pinapaintindi nito sa batang babae.
"Yes I can! I want my mommy! Daddy told me that mommy is waiting for me! Let me go!!" nagsimula na itong lumuha at pilit na kumawala sa pagkakahawak ng binata sa kanya.
Nagpupumiglas pa rin ito ngunit masyadong malakas ngunit hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanya.
"Let her be.. Let's see if she can really survive outside the woods." napatigil silang dalawa sa pagtatalo nang may nag salitang pang isang binata, pababa ito ng hagdan.
"B-but brother--" Magdadahilan pa sana ito nang makawala sa pagkahawak nya si Feline.
Hahabulin pa sana niya ito ngunit pinigilan sya ng kanyang kapatid.
"Ilang araw na syang ganyan, hayaan mo siya.." kalmadong saad nito at umupo sa silyon.
"Alam ko.. Ngunit paano kung may mangyaring masama sa kanya?! Nangako tayo kay master na iingatan natin sya!" napaupo ito sa tabing upuan at napahawak nalamang sa kanyang noo.
Nalilito na ito kung ano ang susunod na gagawin. Dahil sa isip nya na baka may mangyaring masama sa bata.
"Hindi ko yun nakakalimutan Carlos. Hayaan mo sya, ibigay mo ang hinihiling nya. Maaaring di nya pa maintindihan sa ngayon ngunit kalaunan ay maiintindihan at matatanggap din niya mga mga nangyari." kalmadong sabi nito sa kapatid.
Napabuntong hininga na lamang si carlos sa natanggap na tugon mula sa kanyang nakakatandang kapatid. Hindi man ito sang ayon ngunit wala siyang magagawa dahil tama rin naman ang desisyon nito.
Sa kabilang dako..
Umiiyak habang tumakbo si feline sa gitna ng kagubatan. Malayo-layo na din ang tinakbo nito mula sa kanyang tahanan.
Hindi nya pa rin lubos na matanggap at maintindihan ang mga nangyari sa buhay niya.
Ang pagkamatay ng kanyang ama at ang hindi maintindihang pagkawala ng kanyang ina.
Ipinaliwanag naman ng dalawang magkapatid ito sa kanya ngunit wala siyang tiwala sa mga ito dahil sa hindi rin siya lubos na kilala ang mga ito.
Napaluha na lamang siya habang inaalala ang lahat.. Hindi pa rin sapat sa kanya ang mga pagpapaliwang na natanggap.
Ang nais lamang nito ngayon ay ang kanyang ina kahit na hindi nigo matukoy kung buhay pa nga ba ang kanyang nagiisang ina.
Sa kalahating oras nitong pagtatakbo at kaiiyak ay nakaramdam na ng pagod at pagka hilo si feline.
Medyo lumalabo na din ang patingin nito dahil sa mga luha na nagbabahid sa kanyang mga mata.
Masyadong malaki ang gubat at parang nililigaw lang sya nito.
Naisipan niyang umupo sa naka usling ugat ng puno at dito itinuloy ang pagiyak.
"Mommy... I know you're still alive. I miss you... Please kunin mo na ko dito.. Miss na miss ko na kayo ni daddy.. " pagmakakawa na sabi nito habang nakasubsob ang mukha sa kanyang mga palad.
Hindi nito namalayan ang pagsapit ng gabi.
Maya maya lang ay may biglang kumaluskos malapit sa kinaroroonan niya.
BINABASA MO ANG
Kiss by a Cat: Feline's Journey (ON GOING)
FantasyIt's all started with a kiss of a cat. The bond between humans and werecats was perfectly fine. Until a female came along and messed everything up. She despises cats, She was a victim of those wicked cat . Got a memory loss. Everyone believes she's...