Unang kabanata

88 2 0
                                    

Melody's POV

"Happy birthday Melody. Happy Birthday Melanie. Ang bilis talaga ng panahon. Dalagang dalaga na ang kambal ko."  Maagang bati sa'kin ni nanay.

January 30 nga pla ngayon. Birthday ko---birthday namin. Labing pitong taon na kaming dalawa at labing pitong taon na din kaming naghahati sa lahat ng bagay. Langya, pati iisang mukha pinaghahatian din namin eh. Nauna sya sakin ng apat na minuto nung pinanganak kami kaya sya daw ang panganay. Edi sya na.

"Thank you nay. " sabay naming sagot.

Kita nyo na? Pati sa pag te-thank you sabay din kami? Tss. Dapat "Nay, Thank you" na lang sinabi ko para atleast magkaiba.

"Happy birthday Melody." Nakangiting bati sakin ng kakambal ko.

"Happy birthday Melanie." sagot ko din sa kanya. Hindi na ako ngumiti. Maganda ako kahit hindi ako ngumiti. Hindi ako gaya nya na maganda lang pag nakasmile. Pasalamat sya nakikihati sya sa mukha ko.

"Bumaba na kayo at magluluto na tayo ng handa nyo. Talagang pinaghandaan namin ng tatay nyo tong araw na to. Nag-ipon talaga kami para may pang handa kayo." sabi ni nanay.

"Okay lang naman samin nay kahit walang  handa eh. Dapat itinabi nyo na lang yung pera." sabi ng kambal ko. Hay naku. Ganyan yan eh. Kj na nga, hindi pa marunong mag appreciate ng effort ng ibang tao. Mabara nga.

"Hayaan mo na Melanie. Minsan lang naman eh. Dapat nga magpasalamat na lang tayo kila nanay at tatay kasi kahit busy sila sa trabaho at nagtitipid tayo, nagawa pa rin nilang mag-ipon para sa birthday natin.... diba nay?" sagot ko sa kanya.

"Oo nga naman Melanie. Okay lang yun samin anak. Tsaka ano ba kayo, birthday na birthday nyo nagsasagutan kayo? Tama na yan at bumaba na kayo. Padating na yung tatay nyo. Siya kasi yung namalengke ng mga lulutuin natin." sabi naman ni nanay.

Narinig kong bumuntong hininga sya. "Okay nay."

Napangiti ako. Melody:1 Melanie:0

Baka kung anong isipin nyo sakin ha. Uunahan ko na kayo. Hindi ako BITCH. Pangmayaman lang yun. Mahirap lang kami kaya MALDITA lang ako. See? Umaasta ako ayon sa katayuan ko sa buhay. Eh itong magaling kong kakambal? Tss.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tapos na kaming magluto. Naitext ko na din yung mga kaibigan ko, buti na lang at day off din nila ngayon kaya makakapunta din sila. Oo, hindi na ako nag-aaral at nagtatrabaho na ako. Hindi kasi kaya nila nanay at tatay na pag-aralin kami ng kolehiyo kaya nagtrabaho na muna kami. Nagtatrabaho kaming waitress sa restaurant ng isa naming tiyahin. Underage pa kami kaya dun na muna kami. Si tatay naman ay konduktor at si nanay ay nagtitinda ng mga gulay sa palengke.

Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakalatag sa kama ni Melanie yung puti nyang dress. Nakakainis naman. Yun din dapat ang isusuot ko eh. Ewan ko ba kay nanay kung bakit lagi na lang kaming binibilhan ng magkaparehong damit. Ano kami, bata?

Alam ko na, itatago ko na lang yung sa kanya. Hahaha. Talino ko talaga. Tinago ko yung dress sa likod ng cabinet namin. "Imposible namang makita ka nya dito. Buti nga at itatago lang kita eh, gusto sana kitang sirain kaya lang wag na. kawawa ka naman," sabi ko sa white dress nya.

Oo nga pala. Kailangan ko pang itext si Jomar. Sinimulan kong hanapin yung number nya sa cellphone ko.

To: Jomar

Ui, wag kang mawawala mamaya ha. 2pm, dito sa bahay:)

Si Jomar. Sya ang magiging first boyfriend ko. Hindi pa sya nanliligaw pero malapit na. Feel ko talaga eh. Ewan ko ba dun, sobrang torpe. Wala na syang makikitang kasing ganda ko kaya no choice sya...well, unless mas gusto nya sa pangit.

one message received

from: Jomar

Oo naman. Kayo pa ba? Malakas kayo sakin eh. Happy birthday Melody:)

Kita nyo na, kita nyo na? I love you daw? Charot. Marunong ako magbasa noh? Akala nyo sakin?

Bumukas yung pinto at pumasok si Melanie. Katatapos lang nya maligo.

"Melody, nakita mo ba yung dress ko? Andito lang yun eh," tanong nya sakin.

"Ha? Wala naman akong nakitang white dress dyan sa ibabaw ng kama mo eh." pasimpleng sagot ko.

"Hay naku. Ilabas mo na Melody. Alam kong tinago mo."

"Wag mo nga akong pagbintangan. Malay ko ba kung nasan yung white dress mo."

"E pa'no mo nalaman na yung WHITE DRESS ko yung nawawala? At pa'no mo nalaman na sa IBABAW NG KAMA yun nakalagay?" taas kilay nyang tanong sakin.

"Hula ko lang. Galing ko diba?" sagot ko sa kanya sabay labas ng kwarto. Tss. Edi sya na ang matalino. Mas mataas naman ang kilay ko.

Ang Karibal koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon