Ikaapat na kabanata

71 1 0
                                    

Melody's POV

Ang ganda ganda ng gising ko ngayon. Napanaginipan ko kasing ako ang nanalo sa beauty contest tapos itinusok ko daw sa mata ni kapitan yung trophy ko. O diba? Ang saya. Makakain na nga.

"Balita ko ikaw daw ang isasali sa beauty pageant sa katapusan ah." Narinig kong sabi ng kakambal ko.

"Oo. Si kapitan pa nga mismo ang pumunta kagabi para lang kumbinsihin akong sumali eh" sagot ko naman sa kanya.

"Talaga? E bat parang narinig kong hinahanap ako ni kapitan?" Usisa nya.

"S-sinigurado lang nyang a-ako yung kausap nya at hindi ikaw, alam mo naman si kapitan, medyo malabo na yung mata." Gosh. Narinig kaya nya yung pinag-usapan namin kagabi?

"Ganun ba? Sayang naman. Gusto ko din sanang sumali ng pageant. Pwede kayang dalawa tayong maging representative ng barangay?"

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi nya. Hindi pwede. Baka ako pa ang hindi pasalihin kung sakali. "Baliw ka talaga Melanie. Saan ka nakakita ng pageant na may kambal na contestants. Tsaka ako din yung gustong isali ng mga barangay members kaya wag ka ng umepal. Tulungan mo na lang ako sa question and answer portion para may pakinabang ka."

Ngumiti lang sya. "Okay. Sabi mo eh."
---------------------------------------------------------------------

Bwisit talaga tong kambal ko na to. Ang hihirap ng mga sample questions nya para sa pageant.

"What would be your edge compared to the other ladies who are also fighting for the crown tonight?"

"Edge? Im 17, thank you."

Biglang tumawa ng malakas ang hinayupak kong kambal. "Anong 17? Edge, hindi age."

"Sorry naman. Ang panget kasi ng pronunciation mo eh. Ano ba yung edge kasi?"

"Edge. Lamang. Anong lamang mo sa kanila," pageexplain naman nya.

"Ah, yun lang pala eh. Madali na lang yun. Ako na bahala. Next question."

"There is much in this world that could make us afraid, but there is much more in our faith that could make us unafraid... will you please explain that one Ms. Melody Angela Madrid."

5.. 4.. 3.. 2.. 1..

Wala.

Wala po akong naintindinhan.

Eh, hindi naman pala ako ang maldita sa istoryang ito eh. Sya pala eh.

"Hoy Melanie. Hindi quiz bee ang sasalian ko. Pageant po. Beauty pageant. Bakit may pa afraid-afraid ka pa dyan," inis na sabi ko sa kanya.

Tumawa lang sya. "Ano ka ba Melody. Nireready lang kita. Hindi natin alam kung anong pwedeng ibato nilang tanong kaya mabuti na yung handa diba?"

Hmmm. May point naman sya pero kahit na, pang quiz bee pa rin yung tanong na yun. "O sige nga, anong sagot dun?"

---------------------------------------------------------------------

Nagpahinga na muna ako dahil masakit na ang ulo ko sa mga practice questions nya. Biglang may nagtext sa cellphone ko.

From: Jomar ♡
Balita ko sasali ka daw sa pageant. Goodluck ha. Galingan mo:)

Nawala ang sakit ng ulo ko ng mabasa ko ang text nya. Syempre pa, nagtype din ako ng irereply ko.

To: Jomar ♡
Thanks Jomar. Nood ka ha. Cheer mo ko.♥♥♥

SENDING FAILED!

Anak ng! Kakaload ko lang kahapon ah. Ai, oo nga pala, alltext10 lang pala yun, valid for one day. Tsk. Badtrip naman oh.

Papunta na ko ng tindahan ng mapansin kong may nakasunod sakin. Kinabahan ako bigla dahil walang masyadong tao sa dinadaanan ko. Ayaw ko namang tumakbo dahil baka mas mabilis syang tumakbo sakin at mahabol pa ako. Binilisan ko ang paglakad ko, laking gulat ko ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"I-ikaw? Sino ka? Anong kelangan mo sa'kin?" Sya si kuyang gate crasher. Naaalala ko sya. Dahil ang lapit na nya sakin, nakikita ko na mabuti ang mukha nya. Hindi sya kaputian pero matangos ang ilong nya. Bilugan ang mata nya pero parang hindi normal ang kulay nito. Sobrang itim kumpara sa normal na kulay ng mata ng tao. Lalo akong kinabahan dahil mukhang galit na galit yung itsura nya.

Ang Karibal koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon